21 November 2013

Chronicles Of A Radio Kid – Life and Death (November 8, 2010)

11/8/2013 9:35:53 PM

Sa nakalipas na labing-isang taon, isa akong bata na tagasubaybay na sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga istasyon ng radio sa ating kamalayan. Oo, walang halong biro.

At sa isang pambhirang pagkakataon, eksaktong tatlong taon mula sa panahon na isinusulat ko ito, may mga pangyayari na nagbigay-signipikasyon sa kasalukuyang kultura ng mga Pinoy. Ang isa ay pagkamatay, at ang isa naman ang pagkapanganak, o pagkakaroon ng buhay (hindi siya resurrection o rebirth eh).

Maraming mga rakista ang nanlumo noong nagpaalam ang istasyon ng NU 107. Makalipas ang 23 taon na pamamayagpag sa airwaves ng Mega Manila, tuluyan na nga silang nagpaalam. Sa isang madamdaming hatinggabi ng Linggo, a-7 ng Nobyembre, 2010 (o madaling-araw ng Lunes, Nobyembre 8), okupado ng mga tao ang paligid ng opisina ng NU 107 sa Ortigas, Pasig City. Sama-sama nag-alay ng memorabilia, placard, bulaklak, luht at pagbibigay-respeto para sa natatanging rock station ng Metro Manila.

Ilang nalalabing oras at minute bago ang napipintong pamaamaalam ay iba’t ibang mga personalidad mula sa musika at kapwa industriya ang tumambya ng saglit at nagbigay-pugay sa ere. Oo, kahit nga ang isa sa mga iniidolo ko sa radio na si TonyToni ng Magic 89.9 (Boys Night Out) ay andun. Pagkatapos magsalita ni Chris Cruise, ay isang alamat na kanta ng bandang Eraserheads ang inatugtog bago ang pinakahuling station sign off ID at ang pambansang awit ng Pilipinas.

Matapos ang halos isang buong araw ng pananahimik ng duluhang dial, ay iba na ang tunog ng 107.5. hindi na pang-rakista ang mga tugtugin. Masa na. na-reformat siya. Aniya ang usap-usapan nun ay binili ng kumpanyang may hawak nun sa Energy FM ang NU 107, at ni-reformat ‘to bilang Win Radio. Bagay na ikinadismaya ng mga karamihan sa mga listener nito.parang yung nasa Campus Radio lang noong nagreformat sila at nagging Barangay LS. Pero hindi na ko magtatalakay ng iba pang detalye mula roon.

Sa kabilang banda naman, binili ng grupo ni Manny Pangilinan nun ang network na may hawak sa channel 41 at 92.3 FM – ang NBC ng pamilyang Yabut, na siya ring nagdala ng MTV sa Pilipinas (as in yung local version ng MTV mismo). Isang buwan din halos yun mula noong nagpaalam naman ang U92, isang CHR station na ang target audience nun ay ang mga batang propesyonal, at napalitan ng mga lumang tugtugin ang naturang dial.

Noong Lunes, a-8 ng Nobyembre, taong 2010 ay unang sumahimpapawid ang Radyo 5 92.3 News FM. Isang nang ganap na commmercial station na ng TV5. Ang pinag-kaiba nga lang nito sa ga ibang masa FM stations ay… all-news ang programming nito. Bihira lang ang musika, pero at least, okay pa rin sa tenga. Balance eh. Maalala ko nga na noong ni-launch itong alas-4 ng umaga ay programa na ni Martin Andanar na “Andar Ng Mga Balita,” ang sumahimpapawid.

Mukha pa ngang mabibigat sa papel ang mga personalidad nanaghohost dito eh. Isama mo na yung Wanted sa Radyo nila Raffy Tulfo at Niña Taduran (na isat kalahating dekada rin na nasa DZXL), si Amy Perez noon (yes, she was once a radio DJ, and I think ganun pa rin sa isang FM station) na alam ko ay nagho-host talaga sa DZMM nun pag madaling-araw, at kung sinu-sino pa.

At sa lahat ng masa stations ay ito ang mas natipuhan ko. Siguro, dahil mahihilig ako sa mga mabibigat na bagay tulad ng balita.

Pero bakit nga ba ganun, ano? Nagpapaalam ang mga istasyon na gusto natin? Baka lugi na rin kasi. Maalala ko nga na ilang araw bago tuluyang mag off-air ang NU107 ay halos wala nang advertisement na maririnig sa kanila. Panay plug na lamang ng kanilang mga programa.

Of course, running a media outlet is business din. Hindi pwede na hindi sila kikita kahit na marami sa audience nila ay gusto ang kanilang pinapatugtog.

Basta, isa nang araw sa kasaysayan para sa akin ang pagbabago ng tunig ng radi. Huwag nga lang sana na hayaan ng komersyalismo at panis na taste ng kasalukuyang tao na mapalitan nito ag mga mala-alamat na alaala n gating kahapon sa ating pagtangkiliksa mga istasyon na tulad ng NU.

However, kudos parin sa Radyo 5 para sa isang naiibang istasyon sa FM.sa panahon kasi na hindi accessible sa iilan ang AM, siyam sa sampung beses ay magiging sandigan ng karamihan ang isatsyong ito.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.