11/4/2013
9:13:16 PM
Ang drama
talaga ng mga Pinoy no?
Kaya ‘di
kataka-taka na trending ang eksenang ito.
Ano ang
ibig kong sabihin? Panoorin mo ito.
Tama, ang
eksena ng pag-iyak ng batang si Honesto. Batang umiyak dahil napagalitan ng
nanay. Tumakas, este, may hinabol daw kasi. Bad boy ba? ‘Di naman siguro. Baka naman
nagalingan lang si direk sa kanyang pag-iyak (pero hoy, ang hirap kaya yan sa
parte nila).
Ito kasi
ang kwento, para sa mga hindi pa rin ma-gets matapos panoorin ang video (o
tamad lang kayo mag-isip?): Hinabol lang naman ni Honesto ang ale na ‘di nakuha
ang sukli mula sa kanyang binili kay Honesto. Nung nakita niya ito sa labas ng
palengke, nag-usap sila at in return, binigyan niya ng pera ang mabait na musmos.
Nakwento pa nga ni Honesto sa hinabol na customer ang ukol sa kalagayan ng
kanyang lolo. Mabait na bata pala, no? Ngunit napagalitan pa rin siya dahil
sa... well, umalis siya sa poder ng ina n’ya eh.
Ang eksenang
ito ay umani ng papuri mula sa mga manunood. Nag-trend pa nga ito sa Twitter. Meron
pa nga na nakisimpatiya o naki-iyak sa eksenang ito habang pinapanood ang
Honesto eh. Astig. Ewan ko lang kung dinaig niya yung isang palabas na
ka-primetime block din n’ya (sana naman, with my fingers crossed) kung ang
usapan ay ang paramihan ng tweet ukol rito.
Maliban sa
nag-trend pa ang Honesto ay mataas pa nga ang rating na ito. Siguro, sa mga
palabas na ito mas magandang sukatin ang popularidad sa pamamagitan ng “ratings.”
Dapat maantig rin dito ang mga account executive at brand managers kung bentahan
ang usapan. Bumenta siya sa madlang pipol eh. At ‘di ba, kung anong gusto ng
madla, yun din dapata ang patulan ng mga advertisers? Tutal ganyan naman talaga
ang kalakaran ng media sa ating bansa eh.
At... cute
ba nung bata? Kayo na tumingin sa itsura, bagamat ang alam ko, mas cute daw ito
kesa sa... teka, sino ba ‘yun?
Seryoso,
mas okay pang mag-trend at mag-rate ang mga palabas na may katuturan at aral
mula sa isang inosenteng bata kesa sa mga serye ng jeskeng kalandian mula sa
mga medyo matatnda mula sa kanila, bagay na nakakaurat talaga pag naoobserbahan
ko ang programming block ng mga primetime teleserye sa panahon ngayon. Ang
magagalit, halatang immature na mainstream fan.
Ano ang
implikasyon ni crying boy sa mga manunood? Ang aral nito: na maging honest
palagi, tulad ng kanyang pangalan.
Huwag
kasing aalis nang ‘di ka nagpapaalam sa ermat mo. Mapapagalitan ka lang eh.
Alalahanin mo, kung paano magalit si Lourdes (na ginampanan ni Janice De Belen)
sa naturang eksena – maliban sa “senyales ito diumano ng pagmamahal ng ina sa
anak” – ay repleksyon lamang kung gaano magalit ang maraming magulang sa
kanilang anak. Tipong galit talaga – medyo may halong humiliation pa nga o
pamamahiya pa yun kung ikaw yung anak. Teka, baka nga kung ikaw si Honesto (papel
ni Raikko Mateo) – unless namulat ka ng sobra-sobra sa mga makamundong bagay na
posibleng magbigay sa’yo ng mga options na magsalita ng pabalang, bagdabog at
iba pa – malamang, iiyak ka na lang.
Iba talaga
ang nagagawa ng stress. Irate yung naunang customer, kung ikaw ay businessman,
madidismaya ka pa sa sarili mo (at since ayaw kong bigyan ang sarili ko ng “benefit
of the doubt” dahil sa totoo lang, hindi na ko masyadong palanood), may iba pa
siyang pasaning suliranin, talagang mababaling mo sa ibang bagay o tao ang
galit mo. Bagay na obviously, mali rin.
Saka bago
kasi magalit, alamin mo muna ang mga pangyayari. Yan kasi ang problema sa atin
eh. Husga tayo nang husga nang hindi natin nalalaman ang mga bagay na
hinuhusgahan natin, parang mga supot na Facebook user sa isang blog site na
nagkukumento na lang kahit hindi naman nababasa ang mga nilalaman. Tignan mo na
lamang ang pag-depensa ng ale sa halos pangaggalaiti (pero alam naman natin na
hindi yun sadya) ni Lourdes sa anak niya. Ipinagtanggol pa niya si Honesto.
Lastly, ang
pagmamahal ay dapat pairalin – pagmamahal na walang pinipiling kundisyon,
iniintindi ang lahat kahit nag-aalab na ang emosyon o stressed ka lang talaga. Yan
ang tunay na pagmamahal, hindi yung minahal mo siya dahil nilandi ka o
nalilibugan ka sa kanya.
Kahit itong
eksena lang ang napanood ko sa palabas na ito, ito ang tunay na teleserye para
sa akin... sa panahon ngayon.
Honest
siya, promise.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!