11/11/2013
7:58:25 PM
Hindi ako sociologist, pero naniniwala ako na ang alinmang kilos ng tao, ke mabuti man o masama ang dulot, ay may hamak na "dahilan," tulad na lamang ng mga serye ng kilos na nagaganap sa aftermath ng bagyong Yolanda.
Desperate calls for despeate measures, ika nga. At kung may nakawan ngang nagaganap sa mga pangunahing establisyamento sa nasirang lungsod ng tacloban, at mapasaang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda (o Haiyan), hindi na ito kataka-taka.
Desperate calls for despeate measures, ika nga. At kung may nakawan ngang nagaganap sa mga pangunahing establisyamento sa nasirang lungsod ng tacloban, at mapasaang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda (o Haiyan), hindi na ito kataka-taka.
Bakit nga
ba nauuso ang mga ganitong bagay? Alam ko, kahit mali ito (at sa totoo lang, e
hindi naman natin tino-tolerate ang mga ganitong bagay dapat in the first place
eh), may dahilan kung bakit.
Una,
nauubos na ang mga nagay na maari nilang gamitin: pagkain, tubig, at kung ano
pang material bagay na magsisilbing pangunahing pangangailangan ng tao. At kung
wala ka naman disenteng mapagkukunan nito (lalo na’t sa malamang, wala ka ring
trabaho sa mga susunod na araw o linggo)... ano pa ba ang magagawa mo?
Kung walang
dumarating na relief goods, lalo na’t hino-hoard pa nga ang ilan d’yan. O baka
naman dinadaan sa palakasan ng ilang mga nabiktima? Yung mga may kakilala ba,
sila –sila lang ang nabibigyan? Alam ko, ‘di patas ‘no?
Eh kung
totoo man ang post na ito, aba, may malaki tayong problema...
Sa tignin
mo ba, magsisinungaling ang taong yan, o babayaran ng ilan para siya
makapagpaskil niyan? Duda ako.
Kung hindi
man nakararating sa paroroonan ang dapat makarating sa mga taong
nangangailangan, isa lang msasasabi ko: hindi pwede yan. Oo, kelangan nilang
i-explain yan, at hindi maari ang dahilang “hindi po naming alam” dyan.
Hindi ba alam
ng mga ‘to na maaring isa yan sa mga pinakadahilan kung bakit ang daming mga
taong nasalanta ang kumakapit sa patalim? Oo, maaring mali sila kung moralidad
ang usapan, pero ke “ang mali man ay mali,” malamang sa malamang na may dahilan
ang kada kilos ng tao. Sobrang desperasyon bang maituturing.
And come to
think na sinisisi pa ni PNoy ang pamahalaan ng Tacloban dahil sa hindi sila
prepared? Oh, please! Fuck that logic.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!