11/4/2013
1:51:18 PM
Ito ang
problema sa mainstream television sa Pilipinas, lalo na sa mga variety shows. Sa
panahon ngayon, maraming nagpapaktanga sa harap ng camera at live sa buong
bansa (at kashit sa buong mundo na rin sa pamamagitan ng internet at cable
channels) para lang sumikat at magkapera. Bumebenta eh. Kaya tuloy ang lipunan
ay nagiging mababaw at pumapatol sa mga basurang palabas.
At
pumapatol pa sila sa isyu ng “gayahan” o “kopyahan.” Ano ‘to? Parang yung
senador lang na nag-plagiarized ng blog para lang sa kanyang speech sa RH bill;
o yung isang skolar ng bayan na nag-plagiarize ng mga litrato para lang manalo
sa mga photo contest?
Tama. Gayahan
sila nang gayahan. Mula content ng segments hanggang sa ppamagat ng mga segment.
Hanggang sa mga panibagong segment. Siyempre, kelangan ng mga “bagong pakulo”
e. Kelangan pumatok sila sa madlang pipol o dabarkads. Kelan ding kumita sila
sa pamamagitan ng mga advertisers sa kanilang mga segments at commercial gap.
Pero alam n’yo,
may bago pa ba sa mga ito? Sa advent ng telebisyon na uso na ang pagiging
straight-forward, di na kasi makakaila na talamak na ang mga kopyahan at
gayahan ng mga segment.
For example:
Ang That’s My Boy na naging That’s My Tomboy, na naging That’s My Tambay naman. Alam ko, magkakatunog sila halos.
Alam ko, naging viral ang usapin na yan na sinulat nga isa sa mga tropa ko sa
Definitely Filipino (pero kahit bias man yun sa mata ng karamihan, wala kayong
magagwa, opinion niya yan eh.)
Sa totoo
lang, hindi na bago ang mga ito eh. Baka nga marami pang gayahan na naganap sa
kalakaran ng mga variety shows eh. Bagay na di na inalam ng inyong lingkod dahil
hindi naman ako nagpapakasasa sa kapapanood ng mga ganitong palatuntunan.
Google niyo na lang kung anu-ano ang mga yun.
Pero huwag
masyadong magtatatalak ang mga halos magpapatayan sa isyung yan. Eh ano kaya
ito?
Tama, FLIP
EAT. Obviously, ang FLIP ay halaw sa sikat na rap battle league sa Pilipinas na
FlipTop. At ito ang problema sa atin – ginagawang generic term ang isang
pangalan. Parang toothpaste na mas kilala pa bilang “Colgate” kahit hindi naman
yun ang gusting bilhin (“Pabili po ng Colgate, yung Close-Up.”).
Sikat, ika
nga. Pero actually, ang pag-brand sa rap battle segment ng Eat Bulaga bilang Flip
Eat ang sa malamang ay ikinainit ng ulo ng mga kinauukulan ng FlipTop (see: https://www.facebook.com/fliptop.battleleague/posts/516006918489193).
“Eh, wala
rin naming hip-hop kung wala si Francis M at ang Eat Bulaga eh!” Dahil ba’ to sa “Rap Public of the
Philippines?” noong early 2000s? Hmm, pero even bago pa sumali si Kiko sa EB
noong 1995 (at nasa Channel 2 pa ito), ay naitawid na ang rap sa mainstream eh.
Late 80s pa nga eh. Hamak naman na mas angat talaga si Francis M (o kahit ultimo si Gloc-9) kesa sa
FlipTop hindi yun ang punto ng argumento eh.
“Dapat nga
magpasalamat pa tayo sa Eat Bulaga dahil in their own way ay nakatulong sila na
palaganapin ang hip-hop.” Ika nga naman, ano? "Imitation is the highest form of flattery." Siguro, sa kabilang banda naman ito naman ang
masasabi d’yan. “Oo, inangat nga, pero kaswatingan naman ang pamamaraan. Ginagago
naman ang kultura namin! Tagal ng panahon ang pinaghirapan naming, tapos sa
isang iglap, ganyan niyo ipre-presenta ang minamahal na kultura naming? Paano
naman naming maappreciate ‘yan?” Pero sabagay, kanya-kanyang pananaw kasi yan
eh. I’s a free country, ika nga. Yun nga lang...
Ang tanong:
Pinapatay nga ba ng mainstream ang tunay na kultura ng hip-hop sa Pinas? Ito
kasi ang problema eh. Media feeds their audience “garbage.” Ibig sabihin,
pinapalamon ng media ang mga manounood ng mga bagay-bagay na hindi naman akma
at basura kung maituturing. Saksakan ng kababawan, maling detalye, at kung
anu-ano pa.
Parang yung
segment ng isang news magazine show sa Channel 11, na palagiang ginagamit nun
ang terminong “FlipTop” kesa sa rap battle (“nagpi-Fliptop ka, tsong?” “Tara,
FlipTop tayo.” “Lupit mo pala mag-FlipTop eh.”). Maliban pa yan sa mali-maling
research, ayon na rin sa isa sa mga battle emcee dun (ops, take note, battle
emcee/MC siya, hindi “FlipTop rapper.”).
Media feeds
their audience “garbage.” Dahil nga, kababawan lang din ang alam ng tao,
kababawan lang din ang ibibgay nito. Hindi uso ang needs dahil ang wants ng tao
ang nagma-matter sa kanila. Kaya tignan mo, mas nahahalintulad ang mga rap
battle sa “modernong Balagtasan.” Siguro, dahil sa isitlo nito na naiiba sa
tipikal na pakikiupagtalastasan? O sadyang nahuhumaling ang marami sa ginawa ng
mga rap battle league tulad ng Sunugan at FlipTop?
And nauso
ba ang hip-hop mula noong nagsimula ang FlipTop? Kung OO ang sagot mo, MALING-MALI
ka na. Research-research din pag may time.
For
entertainment’s sake? Malamang, pero sa trend nga mga entertaining na palabas
sa panahon ngayon, parang halos lahat na kasi ay panay panggagago na lamang ang
alam ng mga screenwriters para lang pumatok sila sa masa eh. Kaya tignan mo ang
lipunan, ika nga ni Batas, “nagkataon lamang na ang dami n’yong nabenta dahil
sobrang daming Pilipinong ubod ng tanga!”
Gayahan pa
ba ang usapan?
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!