11/6/2013
7:04:31 PM
Maikling
pasada muna tayo sa isa sa mga matutunog na birada sa nakalipas na mga araw.
Ang
interview na ito ay naging matunog na balita kahapon. Sobrang matunog lang ay
nagtrending pa siya sa Twitter sa lob ng dalawang araw (tama, kahit sa panahon
na sinusulat ko ito ay laman din s’iya ng mga trnending topics sa naturang
social networking site).
“Oo nga,
bakit trending pa rin si Arnold Clavio? Ano bang meron sa kanya?” Yan ang
napapala ng mga taong panay teleserye at showbiz chismax lang ang alam na
kalikutin. Gising din kasi minsan ng maaga at manood ng balita. O ‘di ka
kumbinsido, tigilan mo ang katamaran mo na laging nagreresulta sa pagiging
pala-tanong at I-Google Mo, Gago! (IGMG, ika nga ni Stanely Chi.)
Sagot? Misconduct
sa kanyang panayam. (O ano, kuntento ka na? Sipain kita d’yan eh.)
Aniya,
lumabas na mayabang at namimilosopo siya sa panayam niya sa abugado ni Janet
Lim-Napoles na si Atty. Alfredo Villamayor. Pero ano bang ikinaalibadbaran ni
Clavio? Ang kanyang hindi pagkakuntento sa mga sagot ng abugado? Baka
nakalimutan niya yata na mag-kape? O baka naman, di niya napansin na rolling
pala ang camera at lights sa kanya?
O baka
naman nalito siya sa pag-uusapan (sa totoo lang, baka noong nanunood kayo nito
nun, nalito rin kayo, dahil kahit ang inyong lingkod, na parang kahit ilang
beses ko pang –iplayback ang panayam na ito... nakakalito pa rin e. Confusing
ba.). Parang “ano ba talaga, kuya? PDAF ba o Serious illegal detention ang
pinag-uusapan?” One at a time kasi. At hindi lang si Igan ang may-sala sa
puntong yun. Baka yung mga writer ng UH, o ang teleprompter? Ang dami kasi
isinisingit na tanong eh.
Baka sa
malamang, dismayado siya sa mga nakakalap na detalye. O teka... ‘di kaya baka naman
stressed siya? Malamang din, ikaw ba naman ang mag-anchor ng mga balitang
mabibigat – as in masyadong di akma para sa oras ng araw eh. At ikaw din ang
maga-anchor ng Saksi twing alas-onse ng gabi? At maghohost ka pa sa DZBB ng
alas-diyes ng umaga? Nakaka-stress din ang maraming gig, no! Baka ito na nga
ang isa sa mga produkto nun.
Pero hindi
excuse yan para maging unbecoming ang outcome ng mga ginagawa mo sa ere.
Ito ang
problema – ang interview na yun ay naganap sa loob ng isang balitaan, hindi sa
isang tipikal na talk-show. So sa malamang, news-gathering lang ang dapat na
magiging kalabasan ng naturang usapan nila. Pero bakit nauwi sa isang awkward
na conversation ang lahat na dumating sa punto na napahiya na si Villamayor sa
mga “hirit” ni Clavio na, “wala akong nakuha sa inyo,” “pansira ka ng araw eh,” at “patawa-tawa ka pa
d’yan?”
Ano ‘to?
Ginagaya niya sila Ka Tunying at ang Tulfo Brothers? Ang mga nabanggit kasi ay
kilala sa pagiging straightforward at reckless na pakikipag-usap. So ang dating
ba ay “feeling” o “trying hard” si Igan? Hindi naman siguro.
Pero ito pa
ang masaklap. Hindi kaya hindi siya nakikinig ng maigi sa mga sagot ni
Villamayor? Kung bakit ito ang pinunto ko, dalawang bagay: subukan niyong
analisahin ang naturang video ng panayam, o
basahin niyo ang blog na ito: http://rebelmedia.wordpress.com/2013/11/05/5-mistakes-of-arnold-clavio-on-his-interview-with-atty-villamor/
Ayon sa Media Newser, ito raw ang “classic na Arnold Clavio.”
Okay, given. Kaso… nasa isang newscast pa rin tayo eh. Nasa UNANG BALITA, at
wala sa mga katulad ng mga PUNTO POR PUNTO o T3 RELOAD.
Baka naman may gusto lang siyang patunayan? Ang problema,
hindi niya narating yun. As in hindi niya na-achieve. Wrong venue kasi eh. Sinong
hindi mauurat?
Hindi kaya naging subjective siya? Nakalimutan niya na nasa
isang news program siya sa puntong yun (malamang, Unang Balita eh, iba pa yun
sa mga feature ng main program na Unang Hirit), at nakalimutan niya na i-set
aside ang mga side-comment? Yan ang problema – ulit, nasa wrong place siya.
Basic media ethics lang kasi – hindi dapat mahaluan ng kulay
o komentaryo ang isang straight news segment. Ibig sabihin, huwag ilalabas sa
ere ang mga bagay na hindi naman saklaw ng patas na pamamahayag. Nakakahiya lang,
isa siya sa mga icon ng GMA News and Public Affairs. Isa siya sa mga
tinitingala. Kaya mapapataka ka na lang ng “anyare, Igan?” o kung talagang may
bahid ka na ng kabadtripan d’yan, baka kung anu-ano pa ang masabi mo.
Self-righteous naman kayo masyado? “Tao lang naman siya eh,”
like any other motherfucking excuse ‘pag nagkakamali ang isang tao. Tao nga
naman siya e. Natural may mali kaya nangyari ang hindi dapat mangyari. Pero,
una, nasa media ka. Pangalawa, ang taas na ng kredibilidad mo. Pangatlo,
respetado at may awtoridad ka. Pag inabuso mo ito – good luck sa career mo. Pero
hindi lang naman ito ang unang beses na nagging hit ang pangalan niya sa pagbibitaw
ng maangas na marka. Yun nga lang, it’s worse the second time around.
Oh, siya. Awat na. Tutal baka bukas ay magsalita naman siya
ukol sa isyung yan eh. Yan n’yo na siyang magpaliwanag.
Sources:
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
Wow..
ReplyDeleteThank you for speaking for the people who aren't blinded by power, stardom or whatchamacallit.
ReplyDelete