11/11/2013
8:59:53 PM
Hindi ko
ma-gets ‘to. Bakit kelangan pang manisi ng kuya natin?
Hindi na bago
ang paninisi ni Pangulong Aquiono sa halos alinmang collapse na nagaganap sa
bansa sa nakalipas na tatlong taon. Sablay ang pag-predict ang panahon? Sinisi
ang PAGASA. Pag may katiwaliang naeexposed, sinisisi ang nakaraang administasyon.
Kapag may taong loko-loko sa hanay niya, ni hindi yata magawa ang manisi. Pero kahit
sa supernatural na kalamidad na tulad ng Typhoon Yolanda? Sinisisi ang
pamahalaan ng Tacloban – yan ay sa kabila ng pagiging maagap naman ng mga
gobyerno ng mga komunidad sa paghanda sa naturang bagyo.
Pero bakit
kelangan ba niyang manisi? Dahil ba nag-hoard din ba sila ng mga relief goods? Nangurakot
din ba sila tulad ng ilang mga negosyante at congressman?
Teka, kung
ordinaryong bagyo lang ‘to at naging ganyan ang resulta, baka naman
maintindihan pa naming ang argument mo. Kung ipinupunto niya ang “command
responsibility,” eh ang problema kasi, inaasahan ba ng sinuman na ganito ang
magiging kahihinatnan ng Tacloban, at maging ang mga ibang lugar na sinalanta
rin ni Yolanda? In the first place, wala naman ‘di ba? Unless kung sobrang
ibang-iba ang takbo ng utak mo.
Sabagay,
ang unang dapat kasi na reresponde d’yan ay ang mga local na opisyales.
Mapaghahandaan
lang ang kalamidad (pang-iwas lang), pero hindi ito garantiya na hindi ka na masisiraan
ng bahay at buhay. Siyempre, iba pa rin ang ibayong pag-iingat. Unless kung
tulad ka ng mga top secret agent na ligtas na ligtas pa rin kahit anong delubyo
pa ang dinaanan sa butas ng karayom. Siguro, yun ang pinupunto ni PNoy, ang “pag-iingat,”
sa pamamagitan ng tahasang paghahanda. Puspusan ba.
Pero para
sisihin ang Tacloban dahil sa hindi pagiging ganun na kahanda nito? Siguro, opinion
niya yun. Pero kung maalala ko ang mga balita ay isa ang mga lungsod ng
Tacloban sa mga lugar na naghahanda na rin ukol dito ah. Hindi pa sila ganun
ka-prepared?
Isyu raw
kasi sa kanya ang “casualty.” Sabagay, ang buhay na nawala ay napakahalaga sa
isang bayan. Pero hindi naman kasi ng lahat ng tao ay sumusunod sa kooperasyon
ng lokaidad. Siyempre, may mga ganyan na talaga, yung mga matitigas ang ulo sa
mata nila. Pero para sisihin pa ang gobyerno dahil dun? Di na yata tama yun. Kalimutan
na ang kasabihang “The state shall protect its constituents from (blah blah
blah)” para sa mga taong magpapasaway pa. Hindi rin kaya yan ang dahilan kung
bakit hindi tayo umaangat bilang isang nasyon?
Pero, para
sa isang bayan na tinamaan ng type 5 na hurricane, na tila naging isang malaking
palauran ng matchbox ang naging itsura ng mga imprastraktura, at mabubuntungan
pa ng sisi mula sa pinakapinuno ng Pilipinas?
Parang
hindi yata tama yun ah. Ni mga evacuation center nga na magsisilbing
pansamantalang tahanan sana ng mga naapektuhan nun ay hindi nakaligtas. Ni wala
ngang komunikasyon. Nag-deploy ka ng mga personnel and yet wala silang
equipment na pwedeng gawing back-up in case o emergency? Na-contact mo ba si DILG secretary Roxas
kahit na walang signal ang alinmang linya ng komunikasyon sa lalawigan?
Nabugbog na
nga ang lungsod mo, and yet sinisisi ka pa dahil sa hindi pagiging ganun kahanda
nito? Para kang nasipa at binugbog ng kalaban na binully ka ng ilang beses to
the extent na naging mummy ka na sa dami ng benda – and yet, binubungangaan ka
pa rin ng erpat at ermat mo ukol dun. Ke hindi ka raw umilag, bakit ka
nakipag-away, o kung ano pa – kahit na sinubukan mo pa rin naman silang puruhan.
Ni hindi yata marunong umintindi, o sarado lang ang pag-unawa?
Siguro,
frustrated lang si PNoy kaya niya nasabi yun. Pero mali pa rin eh. Buti nga si
Vice President eh, marunong kumontrol – hindi raw ito ang panahon para mamuna
ng pagkakamali. Tigilan muna ang pagtuturo sa mga nagpabaya. Sabagay, hindi
naman kasi ito makatutulong. Baka bumaba lang ang morale ng mga tao dun lalo.
Of course,
may mga magrereact d’yan na may halong pulitka na naman ang galaw na ito –
sabagay, dahil nga rin naman sa record di umano ni VP na tila hindi rin naman
gusto ng marami. Pero tama na muna ang sisihan.
Pero tama ba
na manisi? Ewan ko. Tama na lang siguro ang ganyan. Tulong-tulong muna pag may
time. Nangyari na eh, wala na tayong magagawa pa para maibalik yun. Saka na ang imbestigasyon
sa mga pangyayari bagamat huwag nga lang lilimot.
Still, fuck
the logic.
Sources:
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!