Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

29 November 2013

Knocking Blow

11/28/2013 2:57:04 PM

Ang labo din ng BIR no?

Teka, malabo nga ba? Bakit ko nasasabi ang mga ito? Pansinin.

Wala pang bente-kwatro oras matapos ang kanyang mala-epikong pagbabalik sa eksena ng boxing supremacy ay may isang malaking knock-out blow na ipinutok kay Manny Pacquiao. At hindi ito usapin ng kung sinong mapangahas ang naghahamon sa kanya para sa kanyang susunod na laban. Ano ang tinutukoy ko? Ito lang naman: ang laban sa “buwis.”


Tama ang isang pilospong nagsabi nito: “sa buhay natin, dalawang bagay ang hinding-hindi natin kayang takasan – ang kamatayan, at ang buwis.”

Pag nagtrabaho ka at sumahod, mayron kang binabayarang buwis. Kapag ikaw ay bumibili ng mga produkto, meron ding buwis sa pamamagitan ng VAT. Unless kung informal settler ka o kung nangungupahan ka (siyempre, bahala na ang landlord o landlady mo dun), ang tinitirhan mo, babayaran mo rin ng “real estate tax.” Oo, halos kahit saan, may buwis na binabayaran.

Oh, ang sa lagay ba, pinupulitika ba ng mga taga Kagawaran ng Internas Rentas si Pacquiao? Hindi raw, siyempre ide-deny yan. Pero malay mo, baka wala naman talaga. Eh kaso kasi, timing eh. Kung kelan siya planong mamahagi ng tulong sa mga nasalantang kababayan, kung kelan siya nanalo, kaya ang dating tuloy ay… ganyan.

To the extent na 2.2 bilyong piso pa ang utang ng pambasang kamao, at mahigit 1 bilyon lamang ang na-garnished ng BIR sa kanyang mgabank account. Kaya ito naka-freeze. Damay pa nga ang mga account sa bangko ng asawang si Jinkee (ke “conjugal property ba iyan?”). At kahit nga daw ang bahay ni Aling Dionesia, damay. Kelangan ding bayaran. Maliban pa yan sa samut’t saring ari-arian niya.

BIR nga naman no? Lahat hahamakin makuha lang ang pera. Hmm, madaling magsabi ng ganyan. Pero bakit nga ba nagngangawngaw ang mga taga-BIR? Taon na raw kasi mula noong unang winarningan si Pacman ukol d’yan. Sabagay, parang minsan ay narinig ko na ang balitang ‘yan eh. Manatkin mo kasi, noong 2008 yata ay siya ang pinakatop taxpayer sa bansa nun nang bigla siyang umadsad sa ranggo sa sumunod na taon dahil sa napakababa na ang buwis na binayaran. Sa madaling sabi, mahaba-habang panahon na raw kasi mula noong una itong binigyan ng babala. At hindi raw nakinig si Pacquaio? Baka busy lang, eh kelangan niya na maging puspusan ang training nun eh. Pero sa batas kasi, no ifs and no buts. In short, bawal ang tinatawag na "excuses."

Kung tatanungin ang mga legal experts tulad ni Atty. Mel Sta. Maria, may kapangyarihan ang BIR, maliban pa yan sa utos ng korte. Ayon yan sa sections 207 at 208 ng National Internal Revenue Code. Basahin n'yo na lang ang artikulo niya sa Interaksyon.com

Ganon? Oo, ganun nga. Pero bakit nga ba bumaba? Dahil ba a Estados Unidos siya nagbabayad? Ayon kasi sa promoter ng Top Rank na si Bob Arum, 30 porsyento ng mga kinita ni Pacquiao ay napupunta sa buwis –sa IRS kung tawagin. At ayon na rin sa sports analyst na si Ronnie Natahanielz, wala nga sa kalahati ng kabuuang premyo ni Pacquiao kada laban ang napapasakamay niya. Siyempre, maliban sa buwis ay kelangan din niyang bayaran ang mga gastos niya. So, kumusta naman ‘yun, di ba?

Kaya nga sobrang nabuburat na rin si Arum kay Commissioner Kim Henares. Hindi na nga yata siya natutuwa sa mga ngiti ng ate mo sa kabila ng mga sinasabi ng BIR commissioner mismo.

Wag daw isisi sa BIR? So, “command responsibility” ang ipinupunto niya. Pero, wrong timing pa rin kasi.
Sa puntong ito, tama si Congressman Zamora – dapat ay magkaroon ng matinong accountant at magaling na abugado si Pacquiao. Pwede rin naman ay balikan niya ang mga taong yun sa Amerika tutal dun naman siya mas nagbabayad ng buwis kesa sa Pilipinas eh.

Pero alam mo, paano kaya kung natalo si Pacquiao kay Brandon Rios noong nakaraang linggo? Hahabulin ba siya ng ganitong balita? Baka sa malamang, oo, pero hindi yan itutuon sa kasagsagan ng aftermath ng laban. Baka palipasin pa muna nila ang sakit na nadarama ng mga Pinoy.

At tingin ko, ang tunay na may-sala dito ay ang mga tinatawag na “spin doctors.” Yung nagpapaikot ng mga istorya para lang kumalat at mauso sa panahon an ito. Sinu-sino sila? Maaring nasa hanay ng traditional at modernong media, pati ang Public Relations o PR, Marketing o Advertising, maaring sangkot.

Pero siyempre, aasahan mo bang aamin ang mga yan kung sakali? Alam mo naman ang kapangyarihan ng tinatawag na “fourth estate.” Kaya kang pasikatin and at the same time, kaya ka ring sirain. Parang pag-ibig lang.

Pero… balik tayo sa tirada sa BIR. Ito kasi ang problema eh: Kapag hindi ka nagbayad ng buwis (ke intentional man o hindi mo lang namalayan at sinasadya), makakasuhan ka. Hahabulin ka ng batas. Kulang na lang ay i-shoot to kill ka eh.

Subalit kapag ikaw naman ay nagbabayad ng buwis regularly, parang hindi mo rin maramdaman kung saan ito napupunta. Hindi mo madama ang binayaran mo. Akala ko ba “you get what you paid for?” Ni hindi mo nga mapakinabangan ang dapat mong mapakinabangan eh. Anyare?

Ni hindi nga nake-credit sa atin ang mga tax na binabayaran natin eh. Sa mga proyekto, makikita mo ang mga salitang “The project of (insert politician name here).” Parang halimbawa, Ang footbridge na ito ay pinondohan ni Congressman Manny Y. Yakol. Teka,’di ba dapat ay “Ang footbridge na ito ay pinondohan ng mga mamamayan ng lungsod na ito?” Hindi lang magnanakaw ng pondo pala tong mga ‘to. Credit-grabber pa!

Tapos mababalitaan mo pana ninakaw ng sinumang hudas, hestas at barabas ang pondo ng bayan na inambagan mo. Maiimbestigahan sa Senado na para ka lang nanunood ng mga sarswela at moro-moro.
Ngayon, sasabihin ko sa inyo – sinong gaganahan ang magbayad ng buwis kung ganyan, aber? Eh bastusan na ang nangyayari eh. Nagkamali sa binayaran, kinakasuhan. Pag nagbabayad ng tama, hindi maramdaman. Tapos ang susungit pa ng ilang tao sa BIR.

Bastusan ba ‘to?


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

3 comments:

  1. tama ka sir,taung mga matinong tax payers hindi natin maramdaman kung nasn na ang binayad natin sa buwis,malalaman na lng natin napunta na pala sa kawalnghiyaan nanakaw na ng politikong buaya sa gobyerno natin hindi milyon lng bilyong pera sa kaban ng bayan na sana napakalaking bagay yun para sa mga kababayan nating mahihirap na mabigyan cla ng konting pag-asa...

    ReplyDelete
  2. moro moro na ang gobyerno natin!

    ReplyDelete
  3. Manny Pacquiao is considered by many as a hero and that includes myself. He makes a every Filipino proud of his nationality because of his achievements in international boxing. As a Pinoy working overseas we feel that our stature among other nationalities we mingled with everyday increased two level higher or more.Pinoys around the world are currently ecstatic of Manny's win coming from a 2 losses. How can these BIR people shows no compassion at all. They should have at least waited for a month before freezing Manny's account. They said they have waited for 2 years and I think another month won't matter. With the timing many will think that politics has something to do with this. Is the government envy of Manny being adored by the Filipinos? I believe after that very poor handling of the Yolanda aftermath they should have at least celebrated the win with the whole Filipino community rather than welcoming Pacquiao with this tax issue. This government is becoming more and more unpopular.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!