24 November 2013

Lessons From A Knockout Loss

11/24/2013 1:45:59 AM

Alam ko, sa oras na sinusulat ko ito ay ilang oras na lamang bago ang napipintong laban ni pambansang kamao Manny Pacquiao kay Brandon Rios sa kalapit-bansa lang na Macau.

Sa totoo lang, as long as gusto ko sanang makapaghanap ng panahon para i-playback ang kanyang huling laban kay Juan Manuel Marquez ay hindi ko na rin nagawa dahil sa obvious reasons – ang dami nang problema ng mundo, magpapakastress out ka pa sa resulta ng boxing nun?

Tinaguriang “biggest upset of the year” ang knockout win ni JuanMa kay Pacman. At kung die-hard Pinoy na fan ka niya, alam ko… na ‘yan ang isang video na hinding-hindi mo ilalagay sa koleksyon mo pag nagbigay na ng tribute ang media sa kanya. Oo, hindi kailanman. Kumbaga sa pagkain, siya yung pinakamapait ang lasa.


At katulad ng isang kasabihan, isang knock-out lang, sira na ang career mo. Actually, sa kahit larangan at personalidad, ang isang nakakahiyang pagkakamali lamang ay kaya nang pabagsakin ang repustasyon mo. At kung Hapones ka, baka maghara-kiri ka pag nagkataon (huwag naman sana).

Ika nga ng isang palabas, sa sports, walang tsamba. Siguro, yung pakiramdam lang. Pero ang kilos natin sa kada maaksyong sport ay may kahulugan. Kaya nga nauso ang terminong “sports science” eh. Lucky punch ba, Manny? Baka na-timingan ka ng isang “perfect punch.” Wala bang perfect punch na maituturing? Baka tao ang tinutukoy mo na walang “perfect.”

Money weighs in more than pride. Take note, professional boxer siya. Hindi siya amateur na pinondohan ng POC (Philippine Olympic Committee)o ng kahit anong sports-related-governing bodies para lang ipadala sa siya sa Las Vegas at sa kung saan-saang lugar para lang lumaban sa kung sinu-sinong boksingero. May promotion nan aka-back sa kanya. Kumikita siya ng salapi. At ang “Pinoy Pride” na iyan? Secondary thing lang yan. Siguro, nagsi-sink-in lang ang pride na yan kasi na-attain na inito ang goal na ma-reach ang maraming tao via mainstream media, kaya sa malamang ay marami ring sumusuporta na. Walang masama dun. Pero, still, it’s money talks.

Quit while you’re ahead, ika nga. May mga tanyag na personalidad sa larangan ng palakasan na hindi nakaranas ng nakakahiyang pagkatalo tulad na lamang ng knock-out, wise ba silang mag-decide para sa career nila? O sadyang duwag lang? Ewan, kanya-kanyang karera lang naman yan eh.

Maglaan din ng priority pag may time. Alam ko, napapagsabay pa niya ang pulita at entertainment sa career ng pambansang kamao and yet nananalo siya. Pero mas oay siuro yung dati na nasa sports siya nagfofocus the most. Yan kasi ang napapala pag sobrang hype na ang binibigay ng media sa iyo at samahan pa ng mga pulitiko na di alintana ang umabsent at gumastos (baka nga galing sa PDAF yan ha?) para lang suportahan ka. Wala sanang masama sumuporta. Pero tol alam naman natin na isang malaking joke na ang larangan ng pamumulitika sa ating bansa – mas nagago pa yata ‘to sa ngayon sa pagdating ng mga showbiz personalities na hindi naman talaga incompetent (as in “hindi talaga kwalipikado”) in the first place.

Babaan masyado ang ekspektasyon. Katulad lamang yan ng tinatawag ng “expectation vs. reality” Kadalasa’y iba ang nangyayari kesa sa mga inaasahan natin. Hindi naman araw-araw ay Pasko, at hindi rin kada laban ni Pacquiao ay mananalo siya via knock-out. Siguro, ayon kay Manny, pagkakamali na rin niya yun na “nasanay kasi ang Pinoy sa mga knock-out ko eh.”

Manalig ka. Kung sarado Katoliko ka, e di mag-sign of the cross ka. Basta, huwag mo nga lang sisihin ang Diyos pag natalo ka ha? At huwag mong tularan ang ermat niya na kung anu-ano pa ang binibigkas sa media na may halo pa yatang ritwalna obviously, ay hindi gawain ng isang Katoliko.

Kanya-kanyang panahon lang yan. Noong mga nakaraang taon ay nasa prime ng career niya sa Pacquiao. It just so happened siguro na ang 2012 ay hindi niya taon para sa boxing.

Maari rin na ang factor sa kanyang fatigue, though kumplikado na siyang pag-usapan. Suggest ko na lang, making ka na lamang sa mga talakayan nila Dennis Principe, Ronnie Nathanielsz, Quinito Henson at sa kung sinu-sino pang mga lehitimong analyst sa boxing. Mas alam nila ang laro kesa sa mga tulad namin (lalo na NILA).

Ganyan talaga ang sports. May nananalo at siyempre, may natatalo. Parang buhay – minsan nasa itaas ka, minsan ay nasa ibaba. And mind you, even champions experience losing sometimes. Tama, kahit ang undefeated na manlalaro sa larangan ng sports ay natatalo din – kung hindi nga lang sa laro, sa aspeto naman ng pagkatao niya.

At dahil nga may nanalo at may natatalo, meron din naming nagka-comeback. As in bumabalik. Malay mo, ‘di ba?


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.