Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 November 2013

Must Die Or Must Exist?: Trending Words - Part 1

7/31/2013 10:42:46 AM

Ang mga tampok na salita na nailahad sa blog post na ito ay ang mga salita na naging uso sa kamalayan ng mga tao - sa personal man na approach o sa birtwal na mundo lang ng internet. Karamihan ay may kanya-kanyang panahon ng pagsibol. Tinatayang mula 2009 hanggang sa kasalukuyang taon ang itinampok rito.

Karamihan sa mga salitang nauuso ay maituturing na kabilang na kolokyal na lengwahe. Pero ang tanong ay may kabuluhan ba ang mga ito?

JejemonMust die. 
So ang feeling ng mga ‘to, porket ganyan ang lengwahe nila ay gangster na sila? Mas naiintindihan ko pa ang mga gawa ng graffiti kesa sa mga pinagsasabi nila e. Ang tunay na gangster, naglalahad sa matinong pamamaraan. Hindi na ako magtataka kung bakit naglipatan sa Facebook ang karamihan sa mga nasa Friendster nun. Isa ito sa mga pinupuna nila e.

BekimonMust exist. 
Kung may jejemon ang mga wannabe, may bekimon naman ang mga bakla’t bading. Buti pa ‘to kahit papaano e, naiintindihan. Salamat sa mga tropa kong beki. Kahit wala akong diksyunaryo ng wikang ito, nagegets ko pa rin kahit papaano. At walang kinalaman sila Crazymix at Basilyo dito.

AMALAYERMust die.
Nauso ang salitang ‘to sa social media, dahil sa alburoto ng isang babae na papasok pa lang sa LRT Santolan. O tapos, ano naman ngayon? Natuwa ka naman sa mga katagan” so you’re telling me amalayer?” ay, I’m a lier pala? Muntik ko nanag masabing “I’m a layer” dahil as AMALAYER na yan. Buti na lang kahti papaano gising ang sentido kumon ko. Kaya sa salitang yan nauso rin ang iba’t ibang salita na nagsisimula sa mga letrang AMA, parang… “AmaDove girl ang I love it.”

SelfieMust die. (Kaso, may magagawa ka pa ba kung nasa Oxford Dictionary na 'yan?)
Pausong termino para sa mga mga sariling litrato (tapos ang anggulo ay sa taas pa, na kung  bababe pa ang nakapose ay kulang na lang ay hubarin ang kanyang pang-itaas dahil sa tila mas ineexpose pa niya ang boobs niya kesas a sariling pagmumukha). Ang sinumang adik sa “selfie” na ito ay mapapagkamalan sa depinisyon na ito: gawian ng mga selfish. Parang mas okay pa ‘to kesa sa term na “selfie.” Mas matino lang basahin yun.
           
PunyateraMust die. 
Magmumura ka na nga lang, Sobrang exaggerated pa? Yung totoo, hindi ka naman sadista niyan no? Leche, kung magmumura ka na nga lang, gawin naman ito ng matiwasay.

TengeneMust die. 
Asus, parang “punyatera” lang din to e. Nauna nga lang ito nauso. Parehong supot lang.

DAFUQMust die. 
Isa din ‘to. Mas okay pa kung sasabihing “The Fuck” e. Mas pormal na pagmumura, mas malutong; at mas malutong na pagkakabigkas, mas matindi ang impact.

“… (insert word here) din pag may time.” (i.e. “Kain kain din pag may time”) – Must exist. 

Kung may mali man dito, yun yung pagdodoble ng mga salita na hindi na dapat pang ulitin. Pero mas okay naman ‘to kesa sa mga iba pang nauusong expression no? Halos applicable lang siya sa lahat ng sitwasyon at emosyon eh.

Yung paglalagay ng tuldok sa bawat salita (i.e.: “Ang. Sarap. Ng. Putahe. Na. Luto. Ng Ina. Mo. Patikim. Ulit. Next. Time.”)Must die kung sa written ang usapan. 

Actually, depende sa sitwasyon. Minsan kasi parang may emphasis to pag binasa mo, which is maganda. Pero hindi naman lahat sa atin ay maaring magsulat at map-post ng ganito e sa lahat ng oras e. Unless kung scriptwriter ka o sadyang inatasan lang na magsulat ng mga ‘to.

Kung nabitin ka (dahil obviously ay parang kulang pa ang nilalaman nito para sa iyo), aba... abangan mo na lang ang part 2 ng blog na ito. 

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Selfie is the word of the year.Nasa Oxford dictionary na.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!