Define JOURNALIST.
Hindi biro ang mag-ulat ng ganito. Delikado, malaking sugal sa kalusugan, at kung mamalas-malasin ay baka ‘di pa maganda ang kakahitnatnan mo, possible ka pang mapahiya kung sakaling pumalpak ka na magiging trending ka sa internet dahil dun. ‘Yan ay kung hindi ka mag-iingat sa gitna ng isang napakapeligrosong sitwasyon.
Ano ang ibig kong sabihin? Ang serye ng mga ulat noong nakaraang Biyernes ng umaga – sa kasagsagan ng bagyong Yolanda sa Leyte – ay isa sa mga tila “defining moment” ng role ng media sa kasalukuyang kabihasnan.
Habang tinitignan ko ang mga special coverage ng mga news channels mula pa nong Biyernes ng tanghali hanggang kagabi, at ang pag-aanalisa ng mga video nila sa YouTube, aba, par aka naman yatang nakikipagpatintero kay Kamatayan kung ika’y napapalibutan ng matinding buhos ng ulan at sorbang bilis ng bugso ng hangin.
Bakit ko sinasabi ang mga ito? Dahil ko kung ano ang linya ng propesyon nag ginagalawan nila. Nag-aral din ako d’yan. Alam ko na kelangang maihatid mo ang mga balita “as it is.” As in nangyayari pa; “spur of the moment” ba. Ika nga samga headlines – mainit-init o nagbabaga pa.
At alam ko, hindi naman mainit ang bagyo eh. Pero literal ka naman masyado. Mainit siya sa mga oras ng alas-7 ng umaga dahil sa mga oras na ‘yun ay kasalukuyang binabayo ang ilang lalawigan sa ating bansa ng bagyong Haiyan (o sa ating bokabularyo ng mga bagyong pnagalan, Yolanda), particular na ang hagupit nito sa Leyte… ang tila magimbal na pagising ng maamamng panahon sa mga tao roon.
Nag-trending si Atom Araullo sa katapangan ng kanyang ginawa. Kung titignan ang video ng report nioya, halos binuwis na nga ang sarili sa pag-uulat na ‘yun eh. Ikaw ba naman, nasa labas ka, binubuhusan ka ng bugso ng hangin at ulan, at mantakin mo, focused ka nun (sa kabutihang palad , may helmet siyang suot; talagang maingat pa rin).
Pero alam mo, hindi lang dapat si Atom Araullo (pati ang kanyang news team) ang saluduhan dito. Dahil halos bawat sinuman na nag-cover sa mga kaganapan rito, ke kapamilya man o ibang network, ay nagtrabaho at tinaya rin nila ang sarili nila para lang maihatid ang mga nagaganap doon. Siyempre, nag-iingat lang din suila dahil tai pa rin naman sila kahit sila ang mas literal na “waterproof.”
Kung tama ang aking pagkakaalala, maliban kay Araullo, sila Erwin Tufo, Gerald Garcia at Benjie Dorango ng TV5, Davis Santos ng Solar News, sila Michaela Papa, Love Añover, at Jiggy Manicad ng GMA 7, at ultimo si Manong Ted Failon ng ABS-CBN, ay may kani-kanila pati na rin yung ibang mga regional at local TV news network personnel na andun ang presensya sa nagugulantang probinsya.
Pero bakit si Atom lang ang nag-trend? ‘Di ko alam (at walang halos kulay ni Janet Lim-Napoles yan ha?). siguro, dahil kung titimbangin ang sitwasyon, siya ang mas nagging mapangahasa sa puntong ‘yun, told na lamang ng kanyang programa twing Huwebes o Biyernes ng Hapon sa ABS. Dahil bata at gwapo? (Eh teka, yung iba rin naman ah tulad ni Miaela Papa, chicks pa nga ang hitsura na reporter yun eh; at hindi ako nagbibiro – crush ko rin yun dati eh, noong panahon na stdent DJ pa siya sa isang radio station). Dahil maraming follower sa Twitter? Siguro kung magpapakamababaw ka, OO.
Pero kung malaliman ang dahilan, eh siya kasi ang mas gamay ang journalism eh. Pero may beterano rin naman tulad nila Failon at yung bunsong Tulfo dun ah. Eh alam mo naman ang lipunang ito ngayon eh. Masyado mapagdiskrimina rin – mahihilig lang tumingin sa mga magaganda ang hitsura at bata eh. Fresh and yummy, ika ngang mga tropa kong nasa biglang liko. Tignan mo na lamang sa mga credentials niya, at hindi kurso ang tinutukoy ko dito na Applied Physics. Ang pinupunto ko rito ay dati na kasi siya exposed sa mundo ng journalism – naging miyembro ng 5 and Up, host ng Breakfast sa Studio 23, Kabataan Xpress, at sa kasalukuyan, maliban sa pagiging tagapag-ulat ng mga balita, ay Umagang Kay Ganda (Google-Google din pag may time kasi). Good looks + experience + skills = aba, ayos nga. Yaan ko na lang siguro ang mga tao sa Hay Men! Kung isa ba siyang “Tunay Na Lalake” (ops, hindi ito usapin ng sekswalidad, basa-basa din kasi ng blog pag may time) para sa kanila.
Yan ay sa kabila ng pagkasira ng mga equipment nila, pati ang linya ng komuikasyon, mga imprastraktura, at ang mas masaklap – ang buhay ng ibang tao na hindi nakaligtas sa haguit ni Yolanda.
Pero, may downside pa rin. Medyo ma-PR ba ang dating niya? Yan ay kung pagbabasehan ang artickulo ng Media Newser. Sabagay, Mas sincere pa nga si Failon daw kesa sa kanya (sabagay, dating congressman si Manong Ted sa Leyte eh). Mas may substansya pa nga yata ang report ng GMA kung opinion-wise nila ang usapan. Yung looks ba niya ay naka-deceive sa layunin ng ulat? Mas may dating ba nung umiyak si Love Añover? Mas aaaksyon ba yung nakunan ng kamera ng tropa ni Benjie Dorango?
Ah, isa lang sagot ko: I invoke my right to compare these three networks. Basta...
Para sa mga tao na naging saksi mismo para mag-patrol sa mga maaksyong kaganapan sa Tacloban noong nakaraang Biyernes… ayos, isang malaking saludo para sa inyo. Respeto para sa inyo. Nawa’y maging gabay kayo sa mga journo ngayon na halatang pasikat lang ang ginagawa sa ere, at walang passion sa kanilang ginagawa.
Author: slickmaster | ©2013 septermber twenty-eight productions
Kaakibat na talaga ng mga media man ang panganib sa kanilang trabaho. Pero tama ka pare-pareho silang ng ginagampanan pero mas napapansin o nagti-trending kapag guwapo o maganda ang nag-uulat. Sadya yatang mahilig ang lipunang Pilipino sa diskriminasyon. Pero anu't anuman saludo ako sa kanila. Ingat nga lang din sa mga binibitawang kilos at mga salita kung ayaw malagay sa alanganin.
ReplyDeletehands down!! to this tough guys!!
ReplyDeleteI used to want to be a journalist and reporter before but I'm glad that I didn't pursue that career because it's really dangerous to be in the media in the Philippines. Also, I think I won't have the determination and persistence needed and required by the job.
ReplyDeleteKasama talaga ang mga risk kapag ikaw ay isang taga pag ulat. Malaking role ang ginagampanan ninyo sa lipunan. Panu nalang ang mundo kapag wala kayo. Salamat sa inyo at kaming mga tao ay nagiging aware sa mga naka ambang panganib.
ReplyDelete