Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

14 November 2013

Observations and Tools

11/13/2013 2:31:32 PM

” Ito ang problema sa atin: kapag "tulong" ang nilalaman ng post, hindi pinapansin. Kapag "pangbubulyaw" naman sa mga opinyon ukol sa bagyo ang nilalaman - bumebenta.”


Sa totoo lang, hindi naman sa nagiging tagapag-hatol ako o ano ha? Pero ito lang naman ang mga naoobserbahan ko sa mga social networking sites lately.


Kapag “tulong” ang nmilalaman ng isang post, madalas ay hanggang like lang naman ang mga tao. Okay yung mga nagkukumento kung interesado silang tumulong. No question dun, kung talaga naming intensyon nila eh. Kaso nababalewala lang naman dahil sa mga mararaming barbaro na gumagamit ng social media.

And as much as ayaw kong manupalpal ng mga nagpapanggap na loko-loko o tatanga-tanga d’yan, mukhang mapipilitan muli ako ha? Ano ibig kong sabihin?  Ito-ito lang naman: Kapag may isyu ukol sa negatibong bagay sa ating bayan ngayon, d’yan tayo magagaling,

Parang “sinisisi mo ang bayan mo dahil sa hindi sila ganun kahanda?” Eh teka, sino bang may gusto na mangyari ang gan’ong sakuna? At kahit evacuation center nga na nilipatan na ng mga nagsilikas na nilalang e winasak talaga.

Yung mga post na may kinalaman sa panunumbat sa relihiyon. Ke gawa man ito ng lehitimong miyembro ng isang sekta o hindi. Ke “kayo kasing mga katoliko, hindi kayo nagsisimba! O blah, blah, blah...” Madalas pinag-iinitan ng tao. D’yan tayo lahat may say. D’yan din lumalabas ang mga likas na malilinis sa mga nagmamalinis.

Bumira nga ang isa d’yan na “tama na ang sisihan.” Pero pinulitika na naman ang mga bwelta ng mga tao pabalik sa kanya. Ito ang problema, kung may mga tao sa hanay ng pultika ang gusto talagang tumulong, may eepal at eepal pa rin na magsasabi ng “tangina, nagpapapogi lang yan eh.”

Bakit ko nasasabi ang lahat ng ito? Ito ang mga basehan ko.


Una, ang mga news feeds ko sa Twitter. Yung iba d’yan, for fame’s sake lang ang paggamit ng hashtag ng mga salita na may kinalaman sa bagyong Yolanda. (i.e. “nag-donate na ko for #YolandaPH”). Parang mas okay siguro kung hikayatin mo na lang ang mga tropa mo ukol d’uyan, ‘di ba?

Bagamat mas madalas na naglilitawan ang mga hashtag na #PrayForThePhilippines at ang iba pa, hindi makakaila na yung iba d’yan, tokis o “talkshit” ba. At isama ko na rin ang mga news feeds sa Facebook. Katulad ng sinabi ko nung nauna, hanggang “like” lang sila.

At pangalawa, ako mismo ang nag-experimento – sa pamamagitan ng pagsusulat ng dalwang panig. Una, ang “ang-uulat sa gitna ng delubyo.” Isang appreciation post ito na may kinalaman sa hindi matawarang sakripisyo ng mga miyembro ng media sa pagiging saksi na nagpapatrol sa mga maaksyong kaganapan nun sa Samar at Leyte. Sa istatistika ng mga blog ko, halos 200 ang views niyan sa sarili kong blog site, habang sa Definitely Filipino naman ay halos 2,000 sa ngayon.

Samantala, ang isa ko pang artikulo na pinamagatang “Fuck Your Religion and Logic,” na tumatalakay naman sa tahasan kong pagtuligsa sa mga tang sinusumbatan pa ang mga biktima ni Yolanda na may halong bahid pa ng pagiging relihiyon (which is of course, negative naman ang pamamaraan ng pagsulat ko nito), ay umani ng pambabatikos; at may mangilan-ngialng nakaintindi naman sa pinagsasabi ko nun. Sa katunayan, ay sa 3 araw na pagaklimbag nito sa blog na ito ay mahigit 400 na ang view count nito ay may 2 kumento. Sa bersyon naman nito sa Definitely Filipino ay mahigit 3,000 ang hits + 13 comments to count pa.

Ang mga nasabing post ay nalimbag sa DF noong nakraang araw lamang, samantalang una kong nilimbag ang mga nasabing post noong Nobyembre 10.

Alam ko, ang sasabihin mo ay “ eh ano ngayon?” Ito lang naman.

Sa mga ganitong katiting na halibawa mo makikita ang repleksyon ng isang lipunan bilang kabuuan.
Una, mas naatract tayo sa mga negatibong bagay. Pag may halong hatred, galit, o alinmang negatibong emosyon ang isang post, tahasan itong tinutuligsa.

Pangalawa, nakakalimutan nating mag-isip. Hindi uso sa atin ang “think before you click.” Aminin man natin o hindi, sakit natin ang katamaran. Masyado tayong reactive.

Malalaman mo rin kung paano magcriticize ang isang tao depende sa lebel ng pag-unawa niya at pati na rin sa lalim ng mga sinasabi niya.

At ang mga nailahad dito ay base lamang sa obserbasyon ng inyong lingkod sa mga social networking sites. Iba pa ang pananaw ng mga tipikal na Pinoy, at yung mga nasalanta mismo.

At hindi sa nagsasabi ako ng mga negatibong bagay para i-take niyo din na negatve ha? Resilient din tayo. In fact, nagagawa nating tawanan ang mga problema eh – oo, kahit bagyo pa. Siguro, makaktulong ang mga ito:
Minsan lang tayo dapat pumatol. Once is enough, ika nga. Nasasaktan din tayo, kaya hindi ko irerekomenda sa iyo ang “huwag pansinin.”

Halip na magpost o magtweet, gamitin na lang ang oras na tumulong. Lalo na kung gusto mo talagang tumulong. Ika nga, “kung gusto may paraan.”

Unless likas na sa iyo ang pagiging... well, maangas, maging sensitibo ka. Lalo na kung ang napapalibutan ka ng mga diplomatikong nilalang.

Gamitin ang hashtag nang wasto. Hindi yan dinisplay at nagtrend para lang paggamitan sa kung anu-anong katarantaduhan mo. Kung fan ka nila KathNiel, e di gamtin mo yung #G2B at huwag nang makisawsaw pa sa mga hashtag na hindi mo naman kailangan. #PrayForThePhilippines? E bakit hindi ka na lang mag-pray for the Philippines. Anong pagkakaiba?

Huwag mo lang i-#hashtag. Gawin mo talaga.

Mag-isip bago mag-click. Tigil-tigilan na natin ang pagiging sobrang emosyonal. Once is enough, parang pagpatol lang. Awat-awat din pag may time.

Yan ha? Sana naman magtanda tayo. Wag tayo masyado maging nega.


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!