11/29/2013 11:52:23 AM
Ayan, may nabuwisit na. May nagsalita na.
Maliban pa yan sa mararaing butsi na pumutok dahil sa paghahabol ng BIR kay
Manny Pacquiao.
Ano ang ibig kong sabihin? Ang open letter
na mula sa isang Facebook post ni Ira Panganiban (kung ‘di mo siya kilala,
hindi ka batang ‘90s).
Kumalat ito sa internet. Naging viral hit.
At kahit ang mga sikat na personalidad sa Pilipinas, shinare ito.
Kume naman kasi eh. Bakit si Lucio Tan daw
ay hindi napi-freeze ang mga bank assets? Bakit ang mga bwakananginang pulitiko
na sangkot sa scam ng isang Janet Napoles ay hindi rin mahatulan sa tylong
n’yo? Samantalang si Pacman, na tiniis ang magkapasa, sakit ng katawan, o
minsan sugat pa nga at ilang beses na pagkaalog ng ulo (siyempre, kung di ka ba
naman masapak sa ulo ng palagian sa isang boxing match eh), na wala naman sa
Korte Suprema ang kaso at nasa jeskeng Court of Tax Appeals lang, tangina
na-freeze ang kanyang yaman?
Eh kung sa dalawang taon na nga ang taning
namin d’yan eh. Ganun? Sabagay, mahaba-habang panahon nay un. Yun nga lang,
tanggap ba ang excuse na busy ang pambansang kamao? Ewan.
Eh di raw tinanggap ni Henares ang mga
dokumentong dala ni Pacquiao, dahil gusto niya, orihinal. Ano ‘to inaakala ba
n’ya na magpapagawa si Pacquiao o ang kanyang mga tao sa Recto? Eh kung ayon
nga sa mga Kano mismo ay hindi nga nila nakukuha ang pinakaorihinal na kopya ng
mga dokumento nila sa IRS? Hindi tulad dito na ang kulay-hepa o ube man ang
papel, na obviously ay tinapalan lang naman ng carbon, original na sa mata ng
marami sa atin. Siyempre, iba ang standard ng US sa Pilipinas.
Namumulitika ba ang datingan? Hindi raw
sabi nila. E kaso, yun ang dating eh. Siguro kung pinalipas niyo ng ilang araw
‘to, baka magkaintindihan pa kayo.
At wag daw magpatutsada sa media. Eh teka,
sino ba ang nagpasimuno? Sila, ‘di ba? Hindi naman yan makararating sa partido
ni Pacman, kung hindi dahil ibinalita ng BIR sa media. Siguro, mas okay na lang
yung sinabi ni idol Ira, na magkaroon na lamang ng “silent meeting” sa inyong
dalawang grupo d’yan. By the way, narito ang tampok na post na yan ni Ira
Panganiban.
Author: slickmaster | © 2013 september
twenty-eight productions
In this days, hard working people are paying taxes from A-Z while "LAZY PEOPLE" do it from A to,,,,,,,,,,,,,,,,,, ah,,,,,,,, just A. hahahaha!! Oh I forgot to mention that they are also stashing that INCOMPLETE "A" every time they have the chance. Never be amazed by the "GOVERNMENT-POLITICAL-MOVES" because politics is the biggest and most blooming business in the whole world. No one can and no one will destroy this practice except their own kind who is also thinking of replacing the later and making the "BUSINESS" go as usual to the next level...
ReplyDelete