Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

06 November 2013

Porky Bits

11/5/2013 8:28:31 PM

Haharap si Janet Napoles sa darating na Huwebes. Ang tanong, magsasabi ba s’ya ng totoo? May malalaking pasabog bang magaganap? Pasabog na mas matindi pa sa 32 atomic bomb na ibinagsak sa lungsod ng Hiroshima sa Japan noong World War II (at anong konek nito? Yun daw kasi ang katumbas ng lakas ng magnitude 7.2 na lindol na gumulantang sa Carmen, Bohol at sa malaking bahagi ng Central Visayas noong isang buwan eh)?


Actually, ayaw nga n’ya pumunta eh. Bakit? Ewan ko, kung anu-anong dahilan lang ang naririnig ko sa pamamagitan ng mga ulat ng mga Senate-beat correspondents, ke print man o broadcast media. Arte ba? O nalalayuan? O baka atakihin ng alta-presyon? O may-banta pa sa buhay niya? O dahil wala siyang tiwala  sa Senado at nasa Ombudsman raw lang niya ipagkakatiwala ang kanyang mga testimonya? Nah, dami namang dahilan yata niyan! Pero alam mo, mas akma siguro yunh huli kong binanggit.

Magsasabi ba siya ng totoo kung sino ba talaga si Sexy? Eh ang pinaparatangan nila na ganun ay wala na sa bansa? Oo, sinamahan ang asawa. Babalik naman daw sa a-18. Huwag kayong masyadong hysterical, babalik naman daw pala eh. Ganun? Siguraduhin lang n’ya ha?

Speaking of dates, sa 18 raw dapat i-set ang araw ng nakatakang pagdinig sa naturang pork barrel scam. Marami raw kasi ang wala. May kumontra naman, naka-sched na raw kasi. Sabagy, yan kasi ang problema pag gusting i-delay ang mga bagay-bagay e. Nagtakda kayo ng petsa, di n’yo naman pala susundin? Gaguhan ba ito?

Magkakaharap kaya ang dating magka-sosyo na sila Napoles at ang pangunahing whistleblower na si Benhur Luy? O baka nama’y magiging eksena lang ito sa teledrama (o mas reality bites – sa hidwaan nila Annabelle Rama at Nadia Montenegro dati) na may matitinding sigaw ng sumbat ang isa (i.e., in Annabelle’s voice: “Janet Napoles! Magnanakaw ka!”)?

Ang tanong, makapagsasabi ba siya ng totoo, lalo na’t nalagasan pa siya ng mga isa sa mga magtatanggol sana sa kanya. Oo nga, bakit nag-resign ang aleng si Attorney Lorna Kapunan? Nakikinig daw kasi ito sa isa npang abugado? Ah, so ang sa lagay ba eh nagseselos si ate kay Kuyang  Atty. Aflredo Villamor? Ewan ko, yaan mo na sila mag-away na parang bata d’yan! Hayaan na lang natin ang media na mag-develop ng kwento sa pamamagitan ng minsang karibal ni Kapunan (at dati niyang associate sa isang law firm) na si Department of Justice Secretary Leila De Lima.

Speaking of which, ininterview naman si Villamor sa palabas ni Arnold Clavio sa GMA. And I think, nung walang napiga ang naturang anchor ay tahasan siyang napikon na tila sinabon niya si Villamor. Mas mainit pa sa mabigat na trapiko sa EDSA at sa init ng araw noh? Considering na hindi na bago ang maging mainitin ni Igan sa pagbibitaw ng salita live at on-air. At isa pala siya sa mga tinitingalang icon ng istasyon nila pagdating sa “Serbisyong totoo.” Anyare, idol Igan? Nasira tuloy ang kredibilidad mo sa isyung ito. Sabagay, wala na kasi tayo sa panahon na ang straight news ay isang straight news.

Pero speaking of media, lagi naming may side-comments ang bawat sinuman sa isyung ito eh. Pero kung wala namang mapiga, e just kill the damn call.

Speaking of “bawat sinuman,” may million mask march kanina ah. For the sake of pork barrel. Yes, for the motherfuckin’ nth time, pork barrel nga na naman. Yaan mo na lang sila magsabi ukol d’yan.

Ano kaya ang mangyayari sa mga serye ng kaganapan sa sitcom-slash-teleserye-slash-moro-moro-slash-sarswelang ito? Abangan ang susunod na kabanata sa Nobyembre 7! Alam ko, katunoig niya ang 90s sitcom, pero ano magagawa ko? Palitan ko ang termino? Arte mo namang magbasa niyan!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!