11/19/2013 7:14:39 PM
“People killin', people dyin', children hurt and you hear them cryin'.
Can you practice what you preach? And would you turn the other cheek?” –
Where is the Love, Black Eyed Peas
Practice What You Preach. Yan lang ang masasabi ko sa mga
taong nagkukumento sa mga napapanahong post (ke negatibo man ang laman o
positibo) na may kinalaman sa bagyong Yolanda. Mabuti sana ang intensyon ng mga
salita kung ginagamit lang ito sa wasto, at hindi sa pagyayabang ng mga taong
wala namang ipagyayabang.
Oo,
practice what you preach. Ibig sabihin, gawa bago salita; o better yet, gawin
mo yang sinasabi mo. Patunayan mo sa kilos ang mga salitang binibitawan mo.
Tumulong na
lang kayo? Siguraduhin n’yo na kayo mismo ay ginagawa niyo yan ha? Baka naman
yang “tumulong na lang kayo” na remark na iyan ay ginagawa mo lang pang-sam
comment sa mga Facebook page whenever na may makikita kang di magandang post.
Tigilan n’yo
ang paninisi?! Tama yan. Yan ay kung hindi ka mismo namumuna o naninisi sa
kapwa mo.
Hindi kayo
nakakatulong? Bakit, kayo ba mismo ay tumutulong? Kung oo, maiintindihan namin
ang argument mo. Kung hindi, e gago ka pala eh. Sa halip na mamuna ka d’yan...
Walk your
talk, ika nga.
Bakit ko
sinasabi ang mga ito? Hindi ako sikolohista, pero ilang taon na akong
nagmamasid sa lipunang ginagalawan ko, sa mga taong gumagamit ng FB at Twitter, 9 sa 10 tao na napapansin ko na mga taong maboboka ay ang silang hindi
naman nagpapatotoo sa mga sinasabi nila.
Tama, mga
hipokrito nga sila. At sa advent ng mga social networking sites, marararami pa
d’yan ang mga “puro lamang salita.” Ngawa nang ngawa, wala naman ginagawa. Baka
nga wala itong pinagkakaiba sa mga taong naklikibaka sa Welcome Rotonda o sa Mendiola.
Nakikibaka? Wala kayong kinikita? E
bakit ‘di ka maghanap ng sideline?
May
kasabihan: “less talk, less mistake.” Ibig sabihin ba, “no talk, no mistake?!”
o ‘di naman kaya’y “more talk, more mistake?” Hindi. Basta, mag-ingat lang sa
mga sinasabi.
Pero sa
bansang Pilipinas na likas ang marami sa pagkakaroon ng mga kuro-kuro sa lahat
ng mga pangyayari sa buhay, hindi uso ito. Kahit ano naman ang mangyari e may
masasabi pa rin kasi atyo eh. Likas tayong madaldal. At yan ang problema – kung
hindi natin kayang panindigan ang ating kinatatayuan. Para pala tayong mga gago
nito eh.
Sa
kasaysayan ng mga nakalipas na araw ay may isang internet sensation na
nagpalabas ng video na at nagwikang magdo-donate raw sila ng isang libong piso
sa kada sampung libong views nito. Ang patunay? Nasa Facebook post nila. By the
way, I’m not siding on their fans or haters.
Okay sana ang
motibo. Kaso, may problema lang. Ano yun? Wala rin silang kikitain din dun. Di
raw kasi namomonetize ang naturang video.
Ngunit
iginiit nila na hindi sila after the money. Kundi para mahikayat ang mga
followers nila na tumulong din.
Ganun?
E ito raw
kasi ang unique way nila para tumulong? Sabagay, pero ito ulit kasi ang
nproblema – nagbitaw sila ng salita pero hindi naman sila magbibigay. Isipin mo
na lang, kung sakali, may mga tao sa mga nasalantang lugar bang nakakakita
nito. Ano kaya ang mararamdaman nila?
Naintindihan
ko na ito lang ang tanging pamamaraan para lang tumulong sila. Pero still, they
dropped the M word. And it’s not always good kung ganito ang magiging
kahinatnan. Parang niloloko mo sila. Alam mo na ngang medyo aanga-anga ang masa
ngayon, gaganyanin mo pa. Kung hindi sila after the popularity, e they should
set this record straight, kasi yun ang uma-appear eh. I’ll suggest that you
better just say it straight – tumulong kayo. Eh tutal marami naman silang
followers eh they should blurt the shit properly out.
Besides,
helping others should be unconditional. Parang pag nagmamahal ka – hindi ka
humahanap ng alinmang kapalit. Walang kundisyon. Isipin mo na lang, paano kung
hindi nila naabot ang 10k? So hindi na sila tutulong? Ganun? Parang it’s for
popularity and business sakes nga ang dahilan nito.
Again, PRACTICE
WHAT YOU PREACH. Kung hindi ka naman talagang tutulong, huwag mo na lang
sabihin yan.
Source:
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Ika nga, "Calamity is the test of integrity." - Samuel Richardson
ReplyDeleteIf we help it should something that comes from the heart.
ReplyDeleteI agree.
ReplyDeleteAll of us must walk the talk.
Hindi panay batikos lang.