11/3/2013
10:35:57 AM
Malamang sa malamang, kung buhay ka na noong dekada ’90, ay alam mo ang palabas na ito.
Tama, ang “Magandang
Gabi Bayan,” umeere kada Sabado ng hapon o (mag-gagabi pa nga eh. kung hindi
ako nagkakamali, alas-5:30 o alas-6 ng gabi yan) sa ABS-CBN. Hindi lang siya signature
line ni “Kabayan” Noli De Castro sa bawat intro at extro niya.
Pero maliban
sa mga expose at malalimang pag-uulat, kilala ang Magandang Gabi Bayan sa isang
bagay na kahindik-hindik sa kamalayan – ang pag-expose sa mga kababalaghan sa
ating bansa. Ops, hindi ko tinutukoy ang alinamng uri ng katiwalian dito ha?
As in mga
kuwento tungkol sa mga sari-saring katatakutan, mga bagay na hindi basta-basta
maipaliwanang. Misteryo na inaakala mo’y gawa-gawa lang ng salamangka o baka
ligaw na kaluluwa. Siguro, similar lang sa mga napapanood mo na horror movies o
ultimo sa TV (tutal dati naman ay may mga horror na palabas talaga sa ating
telebisyon).
Ano ang
tinutukoy ko? Panoorin mo ito.
Isa lang
yan sa mangilan-ngilang episode ng MGB tuwing Halloween, o Undas, o Todos Los
Santos, o Araw ng mga Patay. Basta mula noong 1988 hanggang 2005 (paki-correct
na lang kung mali, binase ko lang yan sa haba ng panahon ng pamamayagpag sa ere
ng MGB eh) ay minsan sa isang taon ay makakapanood ka ng mga ganyan – Halloween
special... este, espeysyal, ika nga. At ‘pag natipuhan pa ng marami yan (sa
pamamagitan ng e-mail, snail mail o “sulat,” o ultimo ang tawag; siyempre, di pa
naman uso ang gamitin ang chat, social media at text) aba, i-eere at i-eere pa
muli yan. Dito mas nauuso ang tinatawag na “due to insistent public demand.”
Ngayon,
wala na ang Magandang Gabi Bayan (since 2005 pa nga eh). Bumalik na si Kabayan
sa broadcasting matapos ang pagiging bise-presidente niya. Pero sa totoo lang,
nung sinubukang i-revive ng ABS-CBN ang istilo ng Halloween special nila sa
pamamagitan ng pinamagatang Kababalaghan noong 2011. Actually, okay na rin.
Hindi ko lang masasabi na "walang sinabi" ang mga Halloween special ng kani-kanilang mga programa sa kapwa network man o sa kalaban. 'Di ko mahuhusgahan, kasi matagal na rin akong hindi nakakanood ng mga ganitong palabas, at dahil na rin sa hindi ko sila matiyempuhan, at isama mo na rin na "garbage" na kasi ang karamihan ng mga palabas sa panahon ngayon.
As in mas
okay na manood nang ganito kesa sa araw-araw na jeskeng tabloidization ng mga
news cast. Sabagay, mas nakakatakot din naman kasi ang mga police beat reports
na palagiang ine-emphasize eh. At, di na rin kasi uso ang “Magandang Gabi,
Bayan!” Ang in na ngayon ay, “TEEEEVEEEEEEEEEEEEEEEEEEEYYYY.... PATROL!”
P.S. Alam ko, sa murang edad ko nun, wala pa kong matinong taste sa music. Pero alam mo, gusto ko ang musical scoring ng palabas na ito. Seryoso.
Author:
slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Oh yeah, I remember this when I was in elementary school. Lalo na pag sembreak, eto lagi pinapanood namin haha
ReplyDeleteVisions of a Color Blind Photographer
me too! as long as nanunood ang mga kasama ko sa bahay nun. come to think na dati matatakutin pa naman ako.
DeleteI love their Halloween feature coupled with Noli De Castro's cold voice. I hope they do a throwback show one of these Halloweens.
ReplyDeleteI think they have done Kababalaghan and aired it way Back October 30, 2011. Well, you're not alone buddy. How I wish they should continue airing those heavyweight sh*t back to the mainstream. Seriously, MGB's specials was the last best Halloween show on Philippine TV. (well, for me)
Deletetama!! nabasa ko nga sa fb status na sana nag faflashback din ang MGB kasi magaganda talga yung mga nacocover nila. sila nga din ata nag pauso niyan eh
ReplyDeleteOoh! I remember this one. Ang pinaka creepy/funny ay pag nasa cemetery nagrereport si Kabayan.haha. How nostalgic.
ReplyDeleteNakaka miss naman to..haha. Mas natatakot pako dito before kesa sa ibang horror movies
ReplyDeleteSa totoo lang hanggang ngayon natatakot pa din ako panoorin mga videos ng MGB lalo na yung mga undas special nila.
ReplyDeleteOMG what a major throwback post! This brings so much memories especially now that I live here in Kuwait nothing beats those Halloween creepiness! I miss PH.
ReplyDeleteYes napapanood namin ito nung mas bata pa kami. Ibang klase talaga ang mga ghost stories kung bata ka pa. Iba ang dating. Siguro kung ngayon natin panoorin, jaded na tayo masyado, and baka macornihan na tayo. :-)
ReplyDeleteYes I agree. Lumaki rin ako sa panahong inaabangan ko ang MGB sa kanilang Halloween Special. Pero last time napanood ko ang Kapuso, Jessica Soho, naapektuhan ako hahaha, parng MGB effect lang nung araw :)
ReplyDeleteI remember MGB. Inaabangan talag yung Halloween special noon. Natatakot akoo pag pinapanuod yun nung bata ako. Ngayon di na ganong nakakatakot mga episode pag undas ee.
ReplyDeletemy officemates and I were just talking about this few days ago.talagang ni lookforward talaga ang MGB haloween special nuon. Before I love to watch these kind of shows/films/movies pero ngayon ayaw ko na! hehhe!
ReplyDelete