Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

18 November 2013

"Selfies" And Other Side-Shits.

11/15/2013 4:53:24 PM

"Porket nag-selfie, insensitive na kagad? ‘Di ba pwedeng tanga ka lang talaga?"

Hmm, maangas ba masyado? Ito kasi 'yan eh.

"Hindi lahat ng nagse-selfie ay walang pakialam sa mundo."

Pero may napansin lang ako: Bakit nga ba tinamaan ang mga nagse-selife sa panahon na ito ngayon? Ano meron, nasapul ba sila ng isang artikulo na naglalaman ng mga social networking tips sa panahon ng typhoon Yolanda?


Hindi raw kasinakatutulong eh.Parang naalala ko tuloy yung kanta ng bandang Radioactive Sago Project na “Tanginamo! Ang daming nagugutom sa mundo, fashionista ka pa rin?” Halos kahalintulad niya ang tema sa panahon ngayon, na parang “Putanginamo! Ang daming kawawa sa Visayas, nagse-selfie ka pa rin?”

Ganun?

Pero ito ang problema. Kung hindi naman lahat ng tao ay interesado sa selfie niya, e hindi rin naman lahat ng tao ay interesado sa paglulupasay mo. Tama, hindi naman lahat ay interesado sa pagra-rant mo kung bakit nagse-selfie pa rin s’ya kahit bumabagyo na lahat-lahat – unless kung nabiktima ka ng trahedya tulad ng inyong lingkod (well, nung panahon na nanalasa si Ondoy sa Luzon ay hindi pa naman ganap na ganap ang paggamit ng salitang ”selfie” eh).

Pero, ang selfie, ipagbabawal mo? Bawal silang ngumiti sa camera nang mag-isa? Bawal ba nilang i-expose ang pagiging balidoso nila? Ipagkakait n’yo ang kasayahan nila? Kung tutuusin, ang mga taong dapat lang pagkaitan ng kasiyahan ay yung mga taong sobrang baduy, nambabasag ng trip ng ibang tao (as in young talagang nangto-troll), at yung mga lumalabis.

Siguro ito kasi ang pinupunto d’yan: maging considerate ka. Yan ang problema sa pagiging malaya. Literal carefree ka. Or pwede ring careless, o ‘di naman kaya ay reckless. Kung alinman sa dalawang huling na banggit ay tumatalakay sa iyo, eh ikaw kasi eh.

Baka naman kada araw na lang na gumigising ka at natutulog ka, nagse-selfie ka. Pag kada lakad mo bago at pagkatapos umalis ng bahay, nagse-selfie ka. Kada pag pasok mo sa banyo at pagharap sa salamin dun (‘di ko lang alam kung nangti-tease ka kahit saggy na ang boobs mong nakatapis sa twalya) ay nagse-selfie ka pa rin.

Maaring kunan mo ang gusto mong kunan at i-upload ang gustong i-upload na may kinalaman sa pagiging balidoso mo. Pero again, maging considerate ka din – lalo na kung mga medieval-aged na yang mga nasa network mo. At ito ang palaging tama na kasabihan sa lahat ng panahon: Ang lahat ng sobra ay nakasasama.

Pero huwag kayong magtata-tawa, kayong mga naasar sa selfie d’yan. Baka kayo din ay may problema. Maaring papansin din ang dating sa inyo ng ilan, lalo na kung over-reacting pa ang pinagagagawaniyo sa mga post niyo sa internet.

Sa madaling sabi, maging considerate ka kung adik ka sa selfie. Huwag masyadong selfie-overload, dahil yung iba d’yan palike-like lang pero hindi naman interesado sa pangit mong mukha. At sa kabilang banda, kung ikaw naman ay tumitira sa kanila sa pamamagitan ng pag-comment mo sa thread ng post nila na “hoy! Puta ka! Ang daming nagugutom sa Tacloban, sume-selfie ka pa?!” E kung ako sa’yo huwag mo na lang gawin yan. Uso naman ang magparinig sa pammamagitan ng sarili mong Facebook status.

Bakit kanyo?

Una, uso ang kasabihang “walang basagan ng trip.” Iresepto mo ang teritoryo niya, at irespeto mo rin ang pananaw niya.

At pangalawa. Hindi ka si Donya Ina. At hindi ko na kailangan pang i-explain ‘yan.

Uulitin ko: HINDI LAHAT NG NAGSE-SELFIE AY WALANG PAKIALAM SA MUNDO. Baka nga yung iba d'yan, bago magreklamo o mag-selfie ay nagawa naman nila ang parte nila. Baka yang taong nirereklamo mo na nagse-selfie ay nagbigay pala ng ilang kilong grocery na naglalaman ng pangangailangan ng tao at dinonate niya sa sa mga charitable institutions. Baka isinangla nga niya ang mamahaling laptop niya para lang may pera siyang maibigay sa mga mga nangangailangan ng donasyon para sa mga natamaan ng kalamidad. Tama, HINDI LAHAT NG NAGSE-SELFIE AY WALANG PAKIALAM SA MUNDO. Hindi mo lang alam yun kasi mahilig ka humusga kagad nang hindi mo pa nalalaman ang mga bagay ng hinuhusgahan mo.

In short, mapaghusgang tanga ka.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Everyone has the right to post photos online. Any photo can be shared. I don't understand why some people even bother to be raged with these selfies. If they don't want to see them then there's the unfollow button.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!