10/27/2013
6:05:43 PM
“Kung merong isyu, may
pag-aawayan, may pagtatalunan, hindi pwedeng wala tayong pakialam. Kailangan:
Tayuan Mo at Panindigan.”
Alam ko,
nauna na akong gumawa ng pagsusuri sa palabas na ito noong Mayo 2011 pa. Pero I
can't help it eh. May ginawa na nga akong draft na similar sa write-up na ito
kaso sa kasamaang palad ay nasira ang CPU ko (yung power supply n’ya, actually)
at sa mas masaklap na kapalaran, ‘di sya napasamas a mga file na naka-back-up
sa akin. Pero anyway, ito ang tribute ko sa programang “Tayuan Mo At
Panindigan.”
Out of
nowhere, ay nanood ako ng isa sa dalawang episode mula sa YouTube channel nila
(come on, 1 year ‘to off-air, pero 2 episodes pa rin ang laman ng account nila)
– bagay na nakakarelate pa rin para sa akin – ang kapalaran ng Batch 2011.
All of a
sudden tuloy, namiss ko ang palabas na ito. Sa ‘di ko malamang kadahilanan. Hindi
ko ma-explain. Ito ang dahilan kung bakit ‘di pa man ako gruma-graduate ay
nagiging puyatero na naman ako. Alas-10 hanggang 11 ng gabi yan umeere nun sa
Aksyon TV channel 41, t’wing Lunes hanggang Biyernes. Smooth run sila nun,
until nagkaroon ng time constraints ang mga programa na nauwi sa halos
palagiang pagputol ng show sa ere para bigyang-daan ang newscast ng Channel 5 na simulcast din sa 41. Bagay na
siyempre, nakakabad-trip.
Isa ang Tayuan
Mo! At Panindigan nun kung bakit ako nanunood ng TV. Hindi lang dahil sa
na-curious ako kung sino yung babaeng yun na katabi nila Lourd at Direk Joey
(of course, nalaman ko din siya matapos ang serye ng pagtangkilik), pero dahil
sa naiiba ang nilalaman ng palabas nila kesa sa mga typical na talk shows na
kadalasa’y umiikot sa napapanahong isyu – mababaw man ito o malalimang diskusyonan.
Naalala ko
nga na minsan nabasa din ang kumento ko sa isa sa mga posts nila sa Facebook
nun. Actually, yung last line ang mas napansin nila.
“Wow. I almost got curious on last
night's episode kasi di talaga maikakaila na laganap na ang social climbers sa
ating.... well, society. Kaso kelangang i-cut ata sa ere dahil sa special
coverage e. Anyway looking forward to see that soon! J
p.s. dapat may fan page si ms. aida sy. LOL!“
p.s. dapat may fan page si ms. aida sy. LOL!“
Tama. Isa rin ako sa mga regular na nagrereact sa Facebook
posts nila. As in reaksyon lang ukol sa palabas nila. Bagamat may panahon din
na nag-adjust naman ang TMP para makapagbasa ng mga reaksyon ukol sa naturang
paksa.
Ilang seasons
ding tumagal ang palabas na ito ha? 1 ½ taon, in fact. Nagkapalitan din ng mga
hosts. Pero sa totoo lang, kahit na-admire ko din si Danton Remoto, Jojo
Alejar, Giselle Sanchez, Issa Litton, Cai Cortez, at ultimong si Shawn Yao...
wala pa ring tatalo sa matindihang chemistry ng mga naunang hosts na sila Direk
Joey Reyes, Lourd de Veyra, Carlos Celdran at Aida Sy. Mukha bang star-studded
ang line-up, considering na may isang lehitimong kritiko sa katauhan ng isang
direktor, isa pa sa pamamagitan ng isang 4-time Palanca winner at Word Of The
Lourd creator, ang tinaguriang “Damaso,” at ang isang
neophyte-slash-fearless-pero-may-pusong radio host? Actually, mukhang okay na okay nga sila kahit
off-the-air eh.
Sa totoo
lang, may mga bagay talagang nakakamiss sa palabas na ito eh. Talong punto
lang: Una... yun mismo. At hindi siya tunog na parang isang way ng pag-socre sa
basketball, 3 statement lang talaga ang binibitawan ni Direk Joey d’yan; Pangalawa,
ang palagiang wit at sarcasm ni Lourd. Malamang, trademark na n’ya yan ‘pag
siya ay nagsasalita; At pangatlo, ang halakhak ni Aida Sy. Mas okay pag kahalo
sa tawanan si Direk Joey.
Bakit kaya
wala nang mga talk shows na ganito? Yung tumatalakay sa mga kadalasang
nagaganap, pero magaan ang pamamaraan ng talakayan. Tama, light pa yan kung
tutuusin, pero pang-matalino pa rin ang datingan. Okay lang yun, at least ‘di
siya ganun ka-stress. Hindi rin siya OA.
Para sa
ikauunlad ng bayan, dapat matuto tayong tumayo sa sarili natingsalita at matuto
rin na paninindigan ito. At dapat ay may ganitong palabas muli sa ating
kamalayan. Tama na ang mga lecheng telenovela at jeskeng showbiz shows. Masyado
na’t maraming supply pa d’yan (‘di pa ba tayo nauumay sa mga ganyang programa?).
P.S. Kung gusto n’yong mabasa ang unang post ko
ukol sa Tayuan Mo at Panindigan, i-click lamang po ang URL na ito: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2011/05/review-tayuan-mo-at-panindigan.html
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!