11/25/2013
12:46:55 PM
Kumbaga sa
basketball, rebound. Kumbaga sa element ng rap battle, rebuttal. At kung buhay
ang usapan, kung may success, may failure. At kung may failure, meron ding...
comeback. At hindi ko tinutukoy dito ang pelikula ni Pedro Penduko. Eh di ano pala kung ganun? Tulad na lamang ng ginawa ng Manny Pacquiao.
Dalawang beses
na-olats noong nakaraang taon, ang isa pa dun, sa masaklap na “knock-out” pa.
Tila na-kwetyon na ang takbo ng karera niya dahil mula pa noong mga nagdaag
taon, matapos ang serye ng mga knock-out wins ay tila nagiging decider na
lamang ang resulta ng pagkapanalo niya. Naalala ko p[a nga na ang isa dun ay
pinagdudahan mismo ng mga kababayan natin.
Yung
knock-out loss niya kay JuanMan? Naalala ko yun. Sing-init ng temperatura sa alas-dos ng hapon yung init ng ulo ng mga tao. Kitang-kita ko ang
pagkadismaya nila habang naunood ako (kasama sila, siyempre) sa San Juan Gym noon, na isa sa mga
public viewing venue nun. At sa malamang, kung true-blue na Pacman fan ka, baka
hindi ka na nanood nun sa pag-ere nila sa GMA 7 at Solar Sports dahil sa
pagkadismaya ng resulta. Siyempre, hindi naman tayo tatangkilik ng isang bagay
na magpapaalala kung gaano kamiserable ang mga ‘to, ‘di ba?
Pero ika
nga niya sa harap ng boxing media, natuto siya sa kanyang huling laban. At walang
kinalaman ang sinulat ko kahapon dito. Ang tinutukoy ko ay naging maingat siya, matalino ba, bagay na sinang-ayunan ko sa mga sinabi ni Dennis Principe. OO, agree ako sa
kanya. Sa totoo lang, andun pa rin ang pagiging agresibo niya sa laban eh. Naging
maingat nga lang talaga siya, dahil hindi maganda ang resulta kung labis-labis
naman ang pagiging agresibo mo sa laban.
Pero dahil nanalo
na naman si Pacquiao, pustahan, lahat na naman ng mga Pinoy, sasakay sa
bandwagon ng mga nagchi-cheer kay Pacquiao. Kung maalala ko, ito rin ang mga
ungas na nangahas na kumuewstyon sa karera niya matapos ang dalawang sunod na
pagkatalo. Hanep rin ‘tong mga ‘to no? Walang isang salita? Balimbing?
Nagbalik na
siya, matapos ang halos isang taon ng inactivity sa boxing. At mukhang
nakatulong naman ito. Sabagay, ikaw ba naman kasi ang palagiang sumasabak sa
canvas at ring ng dalawa hanggang tatlong beses sa kada taon eh. Siyempre,
magte-take toll sa katawan mo ang lahat ng stress at training niyan.
Pahinga-pahinga din ba pag may time.
He’s Back,
sabi nga ni Michael Bufford. Mas mature nga daw siyang maituturing according
kay Atty. Ed Tolentino. Tuloy lang daw ang laban, ayon kay Pacman.
Oh,
ngayon... ano na? Aantayin na ba ang napipintong pagtutos nila ni Floyd
Mayweather? At rematch kay Timothy Bradley?
Isang bagay
lang daw ang sigurado. Wala raw munang Hermes bag. At may panglimang supling pa
silang aalagaan.
Tigil na
muna sa boxing. Maraming kailangang tulungan eh.
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!