11/10/2013 11:47:17 AM
“Maraming namatay dahil hindi nagdarasal palagi? Fuck your logic and your religion.”
Ito lang ang nakakairita sa mga tao pagdating sa ganitong sakuna eh. At hindi yung mga racist na comment ang mga tinutukoy ko (as if naman mai-spell nila ang “Philippino” ng tama, ano?). alin? Ang mga ganito: yung mga tao na hinahaluan ng relihyon ang mga bagay-bagay. Pag may hindi magandang nangyari, sinisisi ang pagiging hindi madasalin.
Sabagay naman kasi. Kapag ang ilang mga tao kasi ay naghimutok, sinisisi ang Diyos. Mapapansin mo pa 'yan sa mga telenovela (i.e. “Diyos ko! Bakit siya pa! anong kasalanan niya eh ang buti naman n'ya sa iyo! Bakit hindi na lang ako ang kunin mo?”). Siguro, d’yan nakuha ang lohikang ito.
Pero ito naman ang problema sa ating mga Pinoy eh. Masyado tayong mapag-isip. Mayasdo tayong maraming say sa mga bagay-bagay. Okay sana eh, kaso lugar-lugar din pag may time. Galang-galang din sa paniniwala ng iba, ha?
Sa malamang, may magsasabi at may magsasabi dyan ng reaksyon ukol sa bagsik ni Yolanda sa ating kalupaan sa Bisayas. Baka nga mauuso na naman yung mga tao na magsasabing “Hindi kasi nagdarasal 'yan e. Kaya ayan tuloy: kinuha ni Lord ang kanyang bahay at mga anak.”
E noong Agosto 2012 nga, may nagsabi mula sa tanang kaparian ng Pilipinas na kung anu-ano ang sinasabi matapos ang habagat sa Kamaynilaan, ganun din ang bagyong Pablo sa ilang probinsya sa Mindanao.; dahil sa pagtayo ng estado sa RH Bill. Maihahalintulad pa nga ito sa pagkatalo ni Pacquiao noong nakaraang Disyembre. Tumalikod raw kasi si Manny sa pagiging Katoliko ayon sa kanyang ermat.
Ganun? E paano siya, na mataas ang paniniwala sa Dakilang Maylikha? Ano ‘to, katulad sa sinapit ni Jobs? Na tine-testing lang ang pananampalatayniya sa kabila ng mga nagdaang unos? Grabe. Ang sakit naman ng testing na yun. Alam mo, mawalang-galang lang ha? Pero para haluan lang ng kulay-relihiyon ang mga nangyayari sa ating lipunan? Ay naku, isang malaking kalokohan lang ang magsasabi niyan.
Nililipon na ng Diyos ang mga masasamang elemento? Nililinis na ba niya ang bakuran? Ayaw ko sanang magmura pero… ulol, lokohin n’yo nga nag mga lelang at lelong niyong panot.
Sa halip na manisi kayo d’yan, bakit hindi na lang kayo manalangin at tumulong sa mga nasalanta? Tignan mo nga, nakalikas na nga lahat-lahat, hindi pa rin sumapat? Yan kasi ang problema kapag:
Una, negatibo kayo mag-isip; at
Pangalawa, mahihlig kayong pumuna sa dumi ng kapwa niyo nang walang sapat na basehan at hindi tinitignan ang sarili muna. (“Don’t judge” pa kayong nalalaman? Mga putanginang hipokrito!)
Ganyan ang mentalidad ng isang gago. Ang isang gago na hinahaluan palagi ng pagiging relihiyoso ang mga pangyayari; at pangalawa, hindi naman isinasapuso ang mga natutunan sa simbahan. Masyado nagiging ilohikal.
Kung huwag ka na lang kaya magsalita na may kinalaman d’yan?
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
We have the same views. Nabago na ang pananaw ko sa mundo when I started to 'open-up' my mind. I know, to some people, very revolting ang maging open-minded.
ReplyDeleteang masabi ko lang hindi natin hawak ang panahon ,,hindi natin hawak ang mundo at hindi din natin alam kung ano pa ang darating sa mundo natin,,hindi tayo pwedeng sisihin ang sino dyan dahil its come from nature,,kaya peace to all,,
ReplyDelete