11/24/2013 2:08:36 AM
Wala na raw ang PDAF? Ows?! Weh, hindi nga? Maniwala kayo d'yan?!
Ni-rule out kasi ng Korte Suprema na “unconstitutional” di umano ang pork barrel. Ganon?
OO, pati nga sa Senado ay tinanggal na rin ang PDAF para sa susunod na taon.
Ang tanong… ano naman ang mangyayari sa
ating bayan niyan?
Eh may sweldo naman sila eh. Samahn mo pa
ng ilang bonus at allowances, ‘di ba?
Oo nga eh.
Buti pa nga ‘tong mga ‘to eh. May mga tinatanggap na ganyang halaga ng
pera mula sa pamahalan. Eh paano kaya yung mga nagbabayad ng buwis mismo? ‘Di
ba, sabi nga dapat ay “you get what you pay for?” Tangina lang.
Eh ngayong wala na ang PDAF. O ano na? Ano
naman ngayon ang mangyayari?
Baka wala nang congressman o senator na
tumakbo. Ang matitira na lamang ay yung mga tao na talaga namang naglilingkod
sa taumbayan. Eh bakit ganun? Siyempre, wala na silang makukurakot eh.
Wala nang PDAF, so baka wala na ring mga
extrang bonus o allowance pa yan. As in wala na rin silang maipapamigay sa mga
staff nila kung sakali na may makuha silang kickback. Siyempre, wala na silang
makukurakot eh.
Pag walang PDAF, boring na ng buhay nila.
Eh kung sa wala na silang mapagkakakitaan pa masyado eh. Wala na silang
makukurakot.
Pero, ito nga lang ang downside kung walang
PDAF.
Kung may magagandang proyekto naman na
epektibo at walang halong bahid ng corruption, hindi na ito naitutuloy pa.
Hindi naman kasi lahat ng mga nasa hanap ng mga lehislatura ay tulad ng
inaasahan natin. Hindi naman lahat sa kanila ay mga gago at tiwali. Yung iba
diyan ay yung mga inaasam natin na maglilingkod talaga sa bayan.
Pero ito rin kasi ang problema eh. Sa totoo
lang, ano ba ang kasalanan ng pera dito? Dahil ba sa nagiging temptasyon sila?
Eh ano ba sila? Buhay ba sila? Hindi naman, ‘di ba? Isa lamang silang papel at
barya sa ating lipunan? Yan kasi ang napapala kapag ginagawa natin na parang
isang Diyos na ang pera eh.
Maaring yan din ang naging puno’t dulo ng
lahat kung bakit nasira na ang imahe ng Priority Development Assistance Fund sa
ating kamalayan.
Pero minsan, mas naiisip ko na sablay din
kasi ang lohika natin eh – tama bang sisihin ang isang walang buhay na materyal
na tulad na lamang ng datong, o salapi, o pera? Tama ba na sila ang dapat
i-blame sa lahat ng kagaguhang nangyayari sa ating pamahalaan? ‘Di ba pwedeng yung pamamaraan ng paggasta ng
mga pulitiko nati ukol d’yan? O mas
mabuti – yung pulitiko mismo ang dapat sisihin (tutal in general ay mahilig
naman tayo manisi sa personal na pamamaraan eh)?
Kung ‘di rin saksakan ng kasupotan ang
lohika niyo rin, eh no?
Author: slickmaster | (c) 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!