Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

01 December 2013

Always And For Real (Isang Liham Para kay Ms. Whippedream)

11/28/2013 3:21:43 PM

Hi Ms. Whippedream.

Kumusta ka?


Parang kelan lang no? Magkausap lang sa telepono. Magka-text. Ang bigat pa ng usapin nun na humantong sa seryosong pagpapakilala sa isa’t isa. Pareho ng eskwelahang pinag-aralan, may kaparehong kaibigan, at kaparehong gawain pag may time – ang mag-sulat sa mga blog.
Aba, akalain mo yun. Kahit sa totoo lang ay marami pa rin mga bagay na kontrapelo sa personalidad natin sa isa’t isa ay nagkatugma naman ang puso natin?

Ni ako mismo ay nagulat sa mga resulta ng mga kaganapan. Ilang beses mo na akong tinurn-down sa pag-aaya ko na lumabas. Sa kabila ng pagiging close natin nun ay alam ko, ayaw mo pang mahulog sa bitag ng pag-ibig nun. Well, kahit naman ako that time eh. Hinayaan ko na lang mangyari ang karapat-dapat na mangyari. Nakausap sa telepono kahit sa saglit na pagkakataon, nagkagatungan pa nun sa away at pag-aalburuto ko nun sa social media. And all of a sudden, in-add ako gamit ang pinaka-personal na account mo sa Facebook. Mukhang kinutuban ako dun ah.
Sa totoo lang, ayokong magpaka-sweet, dahil hindi parte ng personalidad ko ang maging matamis eh. Pero masisisi mo ba ako kung naging ganun lang ako sa iyo?

Ewan ko nga kung bakit ako napasulat ng liham nang biglaan eh. Ang alam ko, piga na ang utak ko at piking-pika na ko sa mga nakikita ko. Kaya siguro nasa pagkatao ko na rin mismo ang magsulat.
Actually, di pala ang isang side ng utak ko ang gumagana sa puntong ito. Yung nasa kabila – yung may kinalaman sa emosyon. Hinahayaan ko na nga lang na ilapat nito sa pamamagitan ng daliri ko ang mga gusto kong sabihin sa iyo eh.

At noong nagktia tayo. Yun sa malamang, ang tinatawag na “right timing.” Wala namang perpekto eh, kaya di ko siya tatawagin na perfect timing. Ayos din yung hapon at gabing yun e no? Disyembre a-uno, taong dos mil dose. Sa halos labing-isang oras na ang presensya natin ay nasa isa’t isa, natagpuan ko ang isang pusong nagmamahal at ang kaligayahan na dala mo.

At hindi natapos yun sa pamamaalam natin sa isa’t isa. Natuloy nga, hanggang sa kung saan-saan tayo mapadpad. Napabiyahe sa madaling-araw, mag-food trip sa gitna ng magdamag. Manood ng sine, makipagpataasan sa Candy Crush at Minion Rush. Wow, akalain mo yun?

May mga supresa pa nga na naganap eh. Yung libro ni Chico, Delamar at Gino? Yung fitted na red T-Shirt? Yung brownies, yung bago kong gupit? Yung Chicago white pizza? Yung napanalunan ko na gift prize sa Solaire? Babaw no? yan ay kung mababaw ang ibang magbabasa nito. Siyempre, ‘di naman nila kayang halukyain ang nilalaman ng utak ko eh. Pati na rin kung gaano ako katindi magutom.


At habang sinusulat ko ‘to, tumingin ako sa kalendaryo. Aba, tinamad na akong magbilang. Isang bagay lang ang sigurado: isang taon na pala tayo. Parang kelan lang ano?

Sa totoo lang, ayaw kong mangako (dahil hindi naman ako pulitko), ayaw ko na ring magbitaw ng salita. Mahirap na, masabihan pa kong “mahirap magsalita ng patapos, tsong.”

Hindi ko alam kung gaano katagal ito. Huwag na nating isipin yun (nakamamatay ang stress, sige ka), dahil isang bagay lang ang sigurado: palagi kitang mamahalin. Palagi at totoo. Mahal na mahal kita.

Nagmamahal palagi.
(Teka, kelangan ko bang magpakilala? Eh mababasa niyo rin naman ang pangalan ko sa baba nito eh.)

Ops, end of story na ha? Ang magtanong pa sa lovelife ng may lovelife, mahahatulan ng bitay.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!