Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

23 December 2013

Ang Pasko, Para Lang Sa Mga Bata?

11/29/2013 12:08:30 PM

Sinasabi na “Ang Pasko ay para lamang sa mga bata” daw.

Hindi ko tuloy alam kung mali ba ang pagkakaintindi ko, o sadyang bugok lang ang lohika ng nagsabi nito. Ang pasko, para sa mga bata? Nagpapatawa ka ba?


Sinasabi kasi na ang mga taong nagiging masaya sa araw ng kapaskuha ay ang mga bata. Siyempre, maraming laruan, maraming regalo, maraming pera, maraming pagkain na hindi na kaya pang kainin ng mga nakatatandang kasama nila (dahil sa may sakit na altapresyon o kung anu-ano pa). As in marami.
At tingin ko, sa panahon ngayon, marami pa ang ganyan. Natural na dahil uso na rinse mga bata ang mga modenrong makamundong bagay tulad ng tablet, cellphone, digicam at kung anu-ano pang gadget.

Pero bakit nga ba mga bata lang ang nagiging masaya pag Pasko? Dahil may ninong at ninang sila?
Kung bata lang ang masaya twing Pasko, parang kawawa naman ang mga nakatatanda niyan. I mean, yung mga matatanda talaga sa ating kabihasnan. Eh kung sila ang bigay ng bigay eh. Paano na lang kung ma-short siya para sa susunod na taon tapos alaw pala siyang budget para sa kanyang inaanak? Ala nga namang sabihin na “next time na lang, inaanak.” Yun, ‘di ba?

Pero ito ang problema: nasisira ang tunay na diwa ng pasko nang dahil sa komersyalismo. Hindi na natuturo sa atin ang pagmamahalan at pagmamahal na hindi kayang higitan ng mga material na bagay. Pag ninong, Aguinaldo kagad. Parang hindi na “godparent” ang ibig sabihin nun ah. Parang sugar daddy o sugar mommy na lang.

Ngapala, bakit no nasabi na maaring mali rin ako sa pagkaintindi sa katagang “ang pasko ay para sa mga bata lang.” Dahil naisip ko rin ang ideyang ito: na ‘twing Pasko, nagiging bata rin tayo. As in lahat tayo. Nagiging masaya. At kung happy ka, you feel young, ‘di ba?

So in short ba ay bawal ito samga bugnutin, sumpungin at yung mga kaugali ni Grinch at Scrooge McDuck? ‘Di naman siguro.

Pero naiisip ko, na mali talaga kung para sa mga bata lang ang Pasko. Unfair yun, siyempre.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!