12/13/2013 9:24:51 PM
Ito na siguro ang magandang tanong sa
panahon ngayon: Magki-Christmas party ka pa ba, kahit na tinamaan tayo ng unos?
Actually, kahit naman sa mga nakalipas na
tao ay umaalingawngaw pa rin ang tanong na ‘to eh. Siguro mas naging maingay
nga lang ang isyung ito dahil sa nangyari sa ilang lalawigan sa Kabisayaan dala
ng hagupit ng super bagyo na si Yolanda.
Noong panahon na sinalanta ni Ondoy ang
Luzon, particular na ang Metro Manila ay pagbangon din yata ang naging tema ng
ilang TV station eh sa pamamagitan ng jingle nila. Malamang, ang lugar na
kinatitirikan mo mismo ang matamaan eh,
Ganun din noong tinamaan ni Sendong at
Pablo ang ilang probinsya sa Mindanao.
Pero tama pa bang mag-Christmas Party kung
sinalanta ng bagyo ang mga kababayan mo?
Kung pagbabasehan ko ang mga ulat ng
mainstream media ukol d’yan, karamihan ay nagsabi ng “HINDI.”Dahil raw may
malungkot eh – nawalan ng ari-arian, ng mahal sa buhay, parang panahon ‘to para
dumamay at makipagluksa ka rin.
Pero alam ko na hindi lahat ng mga naulila
ay magiging malungkot na lamang. Siyempre, hindi naman sila babangon kung
habang-buhay silang maglulupasay d’yan eh.
Pero sa mga naturang pahayag ay may
nagsisilbing dalawang mukha ng repleksyon ang ating lipunan – ang isa ay
nakikiramay, at ang isa naman ay ”nega.”
Bakit ko nasabi ang mga ito? Dahil sa
kabilang banda naman ay may mga nagsasabi rin d’yan na “oo.” Ika nga ng isang
kanta, “tuloy na tuloy pa rin ang Pasko.” Sabagay, minsan lang sa isang taon
yan eh. Kumbaga, kung ika’y sobrang stressed sa buhay at walang time na
magpahinga, ito ang panahon na magbibigay sa iyo ng ngiti o ng kasiyahan. Kaya
ang dating ay “bakit mo idedeprive ang karapatan naming na sumaya?”
Siguro parang ganitong mga kataga ang
nagde-dwelo sa aking utak sa ngayon:
Eh minsan lang din kasi tayo masalanta ng bagyo.Oo, minsan nga, pero hahayaan mo ba na maging malungkot ka sa loob ng mahabang panahon dahil d’yan? E parang gino-glorify mo pa kasi ang mga hindi magandang nangyari sa iyo eh.
At sa pangkalahatan na pahayag ay nasa tao
yan. Nasa sa iyo yan, nasa sa atin yan. Karapatan natin kung ang kagustuhan ba
nating sumaya ang dapat manaig o hindi. At tutal ay likas naman na may say tayo
eh.
Sa pagtatapos ng artikulong ito, yan ang
itatanong ko sa inyo: magdiriwang ka pa rin ba ng Pasko kahit na sinalanta ang
mga kababayan mo?
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
Walang masamang maawa at tumulong pero kailangan mong malaman kung nasaan ang linya ng iyong pagtulong at awa slash makidalamhati. May kanya kanya tayong buhay dito sa lupa at naniniwala ako na sarili mo muna bago iba. Hindi mo kailangan problemahin ang problema ng iba dahil lang sa naawa ka sa kanila. Kailangan mong ilugar ang sarili mo kapag hinihingi ng pagkakataon.
ReplyDeleteOo, magdiriwang pa rin ako ng pasko kahit na nasalanta ang kababayan ko.