7/26/2013 5:07:38 PM
Naalala ko ang isang grupo ng mga estudyante noon na
pinaunlakan ko ng panayam. Ukol kasi ito sa kanilang thesis na may kinalaman sa
citizen journalism.
Dati ay may naisulat na ako ukol sa citizen journalism. Pero
hayaan n’yo ang inyong lingkod na muling magbigay ng pahayag ukol dun sa
lengwaheng naiintindihan ng nakararami sa atin. Come on, pang-Pinoy lang ‘to
kaya ilalahad ko naman ang aking alam sa wikang Filipino.
Pero patok nga ba sa atin ngayon ang “citizen journalism?”
Sa tingin ko, medyo oo na medyo hindi. Malabong sagot, ‘di ba? Huwag kang
mag-alala, ipapaliwanang ko yan kung bakit hati ang wika ko ukol d’yan.
Medyo oo, dahil may bahagi pa rin naman ng ating populasyon
na nakikialam sa kanyang kapaligiran. At medyo hindi dahil, obviously, wapakels
sila. Bakit ganun? Dahil sa citizen journalism kasi, natuto ang isang tao na
maging aware sa mga pangyayari na maaring maging laman ng balita na kailangan
rin naman ng sinumang maunood nito. Kaya nga nagsilabasan at umusbong ang mga
platapormang may kinalaman sa citizen journalism tulad na lamang ng You Scoop ng GMA 7 saka ang Bayan Mo iPatrol Mo ng ABS-CBN.
Una silang napansin noong kasagsagan ng eleksyon, noong panahon
na hinihikayat ng mga media organizations na ‘to ang mga mamamayan na maging
mapagmatayag sa mga nangyayari sa kanilang bayan, lalo na’t sa pagpapatrol sa
mga mala-anomalyang galaw ng mga pulitiko nun.
Pero ano nga ba ang naitutulong nga citizen journalism sa
ating lipunan? Nakakapag-ambag sila ng mga balita. Ganun kasimple, napapadali
ang mga trabaho ng mga tauhan sa news gathering/production department tulad ng
mga researcher, news writer at pati na rin ang mga reporter mismo.
Ayos sana ,
dahil nakakatulong sila sa bayan. Kaso, may problema lang: kulang sa ethical
standard, o minsan, hindi pa balance ang ulat. Minsan kasi ang mga ulat na
naipapadala sa pamamagitan ng video, o kahit litrato lamang, ay naglalarawan
lamang ng isang panig ng kada kwento. Hindi ito sapat kung balanced news
reporting ang hanap mo.
Tignan mo na lamang nag mga naging viral hit sa social media
sa mga nakalipas na taon. bagamat big scoop ito sa parte ng netizen na nakakuha
nito, ang mga subject naman ng mga naturang citizen journalism report ay tila
umaaray dahil sa pambubully ng mga netizens na nakialam. Nariyan ang tinatawag
na “conspiracy.” At madali ring mapaniwala ang mga tao porket may video.
Kunsabagay naman kasi, hindi naman posibleng magsinungaling ang mga clip na ‘to,
‘di ba? Lalo na’t hindi sila scripted o acting lang,. Pero minsan kasi, kulang
pa rin e. Bitin ba.
Kung sa kaso ng pagkakaroon ng pagkukulang sa ethical
standards, dito lang nagagwan ng mga media news organizations ng pamamraan, at
dito pumapasok ang censorhip.
Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, hindi ko tahasang
ine-encourage ang citizen journalism. Hindi naman dahil sa kadahilanan na
hayaan natin ang traditional media ang gumawa ng kanilang trabaho. Kundi dahil
sa mga kadahilanang hindi pa totally alam ng tao ang kanilang kapangyarihan
bilang isang netizen, at kung gaano katindi ang kapangyarihan ng media para
pasikatin o sirain ang isang tao.
Sariling diskresyon na lamang ito ng sinumang magtatangka.
Ngapala, salamat sa mga estudyanteng yun ng Mass
Communication na taga-Lyceum of the Philippines University sa Laguna. Kung
hindi dahil sa inyo, hindi ko maibabahagi ang aking pananaw ukol sa paksa ng
thesis n’yo.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!