12/5/2013 11:34:08 AM
Nakakaurat na. May privilege speech pa
silang nalalaman. Ano naman ang laman? Tirada, kontra-tirada, insulto, bwelta
sa insult. Kumbaga sa elemento ng rap battle, debate, o kahit stand-up comdey,
may punch line at may rebuttal, at minsan ay may counter-rebuttal pa.
Nakakainis, ‘di ba? Sa nakalipas na dalawang
linggo ay nakarinig tayo ng magkasunod na ganitong patutsada sa Senado.
Pero, may bago pa ba sa mga ito?
Ito, ang aking mga paalala para sa inyo:
Gumalang
sa mga nakatatanda. Mahirap magpalaki ng
matanda, ika nga ng isang nababagot na anak. Kung tutuusin, self-explanatory na
‘to eh, unless kung hindi ka pumasa sa GMRC. Kaya naman pala balahura din ang
ugali mo. At dahil kailangan mong gumalang sa mga matatanda.
Wag
kang magsasalita nang basta-basta laban sa kanila. Parang batas lang yan sa boss at sa karelasyon mong babae eh:
Rule #1 – The
boss/woman is always right; at
Rule #2 – If he/she is wrong, please REFER TO RULE #1.
Rule #2 – If he/she is wrong, please REFER TO RULE #1.
Tanginang Corporate Rules at Sexist na
standard na ‘yan, e no? Pero bakit nga ba wag kang magsasalita ng basta-basta
laan sa kanila? Dahil…
Mag-ingat
sa mga makakaduelo mo. Dahil hindi lang paksa ng usapan ang ibabato nila laban
sa iyo. Tama, kung akala mo ay isyu lang ng pork
barrel scam ang iniinsulto ng mga ‘to sa isa’t isa, nagkakamali ka. Kitam mo
nga, nagkakaroon nga ng personalan na banatan laban sa kanila. Si Miriam,
siraulo. Si Enrile naman, babaero. Si Miriam, bagsak daw ethics. Si Enrile
naman, parang daga sa pagkaduwag. Saan kayang baul nila yan hinalungkat? Dapat
hindi pinag-uusapan ang mga labas sa pinag-uusapan eh. Contradictory nga ito sa
naunang binanggit. Pero sa kasamaang palad, hindi ito nangyayari. At kaugnay
niyan…
Controversy
sells, ika nga ni Mommyjoyce. Ang isang
kontrobersiyal na bagay ay mas tinatangkilik ng mga tao. Bakit ganun? Siguro,
out of curiousity.
Maari
ring likas tayo na mga nega, dahil aminin man
natin o hindi, mas pinapansin pa natin ang mga bangayan kesa sa mga magagandang
balita. Kaya nga mas namimiss natin ang Face-to-Face kesa sa mga programang may
kabuluhan eh.
Likas
tayong mapapel. OO, EPAL nga. Mahihilig tayong
sumawsaw sa mga isyu na hindi na dapat nating sinasawsawan pa. Mahihilig din
tayong pumuna sa kilos ng isa kahit hindi natin alam kung mali ba ang ating
iniisip sa kanya. Tignan mo na lang ang akto ng paglalaro ng Bejewelled ni JPE
habang nagsasalita ang Ilongga senator. Pustahan tayo, mas napansin pa natin
yan kesa sa mga nilalaman ng pahayag ni Santiago laban sa senador na mula sa
Cagayan.
Puro
lamang salita ang mga yan. Buti pa nga sa ibang
bansa, ang mga pulitiko, nagrarambulan eh. Masyado rin kasi tayong resilient
eh, dinadaan sa diplomasya ang lahat. Hindi sana masama. Pero kung
entertainment value ang hanap mo, gayahin na lang ang konsepto ng programa ni
Jerry Springer, o yung nasa World Wrestling Entertainment.
At narito naman ang aking mga suhestiyon:
Ipagbawal
ang paghahawak sa mga gadget pag may nagsasalita. Basic courtesy rule lang sa speaker. Masyado tayong nakakabastos
pag ang mata natin ay nasa cellphone, tablet, o kahit digicam habang tayo ay
nakikidaos sa isang talumpati. Hindi siya andyan sa podium para dedmahin o
gaguhin mo. Kung hindi mo lang trip makinig o kung inaantok ka sa sa mga
sinasabi niya, libreng lumabas. Pero pag siya ang nasa harapan, good luck kung
makakapag-“May I go out?” ka.
Kung
hindi naman konektado sa paksa ang sasabihin sa privilege speech, huwag na
itong sabihin o ni idagdag pa. Parang awa niyo
na. Hindi lahat ng tao ay interesado kung chicks mo nga ang dating chief of
staff mo, o kung ano ang resulta ng psychiatric exam niya. Hindi porket public
figure kayo ay hahayaan niyo na lang ibulatlat sa ang mga bagay na dapat ay
nakareserba lamang sa inyong pribadong estado ng buhay niyo. Madali pa naman
mapain ang media at publiko sa mga sinasabi niyo, at bumebenta sila kapalit ay
ang inyong katiting na lihim at dangal.
Huwag
idaan sa privilege speech ang mga patutsada. Gawin ito ng harapan. Parang yung debate ng ABS-CBN, tapos gawing host dun si Ka Tunying
o Tiyang Amy. O siguro, para mas
maintindihan kayo ng masa, gawin ito sa form ng rap battle. Yun nga
lang, kayo ang maghanap kung sinong tatayo na parang si Anygma dun.
Gawing
rated SPG ang mga media coverage na may kinalaman dito. Dahil hindi naman lahat ng bata ay nag-aaral at bagkus ay
nakatambay lang sa kanilang mga bahay, kuna manunood sila ng mga ganung
palabas, kailangan may “istriktong patnubay at gabay” ng magulang ang
kailangan.
Hindi tayo nagbabayad ng buwis para manood
ng mga kaganapan sa Senado na parang isang teleserye na laging may kasunod na
kabanata ang mga eksena (besides, mas magaling pa rin sa aktingan si Tessie
Tomas at Noel Trinidad kesa kila MDS at JPE no). Kaya please lang, mula sa mga
boss niyo, umayos kayo!
Author: slickmaster | (c) 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!