Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

06 December 2013

Must Die Or Must Exist?: Trending Words - Part 2

7/31/2013 10:42:46 AM

Ang mga tampok na salita na nailahad sa blog post na ito ay ang mga salita na naging uso sa kamalayan ng mga tao - sa personal man na approach o sa birtwal na mundo lang ng internet. Karamihan ay may kanya-kanyang panahon ng pagsibol. Tinatayang mula 2009 hanggang sa kasalukuyang taon ang itinampok rito.

Karamihan sa mga salitang nauuso ay maituturing na kabilang na kolokyal na lengwahe. Pero ang tanong ay may kabuluhan ba ang mga ito? Kung bitin kayo sa part 1 ng blog na ito, e... tigil-tiglan n'yo na ang pagta-tantrums n'yo, dahil narito na ang Part 2 ng serye ng mga pananaw ko ukol sa mga nauusong salita.


Major major – Must die. 
Alam ko, dito napansin si Venus Raj, pero hindi n’yo ba napagtanto na baka dito rin na-cost ang tiyansa nya na maging Miss Universe sa halip na maging parte ng mga runner-up lang? Alam mo naman ang mga hurado, hindi lang sa confidence sa pagsagot ng bawat contestant ang tinitignan, kundi pati na rin sa grammatika. Lalo na’t English pa ang sinagot.
Yung totoo? – Must exist. 
Buti naman sa lahat ng mga binitiwang patawa na tirada ni Vice Ganda e mukhang okay pa ‘to. May tama ring kinalulugaran ‘to e. (i.e.: “Yung totoo, naligo ka ba ngayong araw o hindi?”)
“Yung feeling na…” – Must exist. 
Naalala ko ang ilan sa Facebook friend ko at admin ng mga page ko na ganito palagi ang paunang laman ng post niya. Well, okay lang yan kung nakakarelate ka. Kahit ako, impressed sa ganitong expression e.
“That awkward moment…” – Must exist. 
English version lang ito ng “yung feeling na…” palagi ko rin ‘to nakikita, sa Twitter nga lang. Same concept lang din ng statement tulad nung nauna.
AWKWARD! (as in “AWWWWWKWWAAAAAAARRRD!”) – Must die. 
‘Di naman halatang nanghu-humiliate ka ng tao niyan no? Nahiya na nga sa dyahe-trip n’ya, ginatungan mo pa? Pero kunsabagay, minsan sila na rin mismo ay pinagtatawanan ang mga kasablayan nila. Kaya okay lang yan kahit papano.
Kwento mo sa pagong! – Must die. 
Patok ‘to kung basagan ng trip ang hanap mo e. Kaso, kawawa naman ang pagong sa pambasag na ito.  In fact, umaalma na nga sila sa kalokohan n’yo e. dito rin nagumla ang mga kung anu-anong kasabihang pambasag na “kwento mo sa…”
So Mainstream – Must exist.
Patunay lang ito na minsa’y nakakasawa din ang mga bagay-bagay sa panahon ngayon. Kung sa pagkain ay nakakaumay na.

Nese Ye Ne Eng Lehet... – Must die. 
At kahit yung orihinal na intepretasyon nito, ang labo lang. parang hindi inayos ang kanta kung sa datingan ang usapan e. alam ko, sasabihin n’yo, “bigyan nyo naman ng pagkakaton na siya’y kumanta.” Okay lang bigyan naman ng pagkakataon e. Isaayos lang sana. E ayan, di kataka-taka kung bakit nilalait ang pagkanta niya sa pamamagitan ng paggaya o pag-mock e.

“Ang tunay na lalake…” – Must exist kung gagamitin sa machismo, pero must die kung sa romansa ito gagamitin. 
Oo, must die kung iuugnay ito sa pag-ibig, dahil hindi ba alam ng mga mokong at lokang ‘to, na sadyang nawawalan ng saysay ang mga quotes ng Ang tunay Na Lalake kung hihiritan ng mga kasabihan na may kinalaman sa pag-ibig at relasyon? Buti pa yung mga nagpasimuno nito, na nagpapatakbo ng blog na “Hay! Men!”
EPIC FAIL – Definitely must die. 
Sino ba ang hunyagong nagpauso ng mga salitang “epic fail?” Kahit sinong English Grammar Nazi ay magsasabing isang malaking FAIL, err, FAILURE ang 2-word phrase na ito. Magkaibang kahulugan ang EPIC saka FAIL.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!