Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

03 December 2013

Nalasing Lang, Bad Image Na Kagad?

12/3/2013 2:48:22 AM

Hindi ako fan ni Anne Curtis. Lalo na ng kanyang pag-awit. Kung may bagay na kahanga-hanga para sa akin, yun ay ang kanyang “confidence” na humarap sa entablado para mag-perform. Of course, maliban pa yan sa talent niya sa pag-acting.

Pero para husgahan si Anne Curtis nang dahil lamang sa katiting na pagkakamali? Nah.

Alam ko, na pumangit ang imahe ng Showtime host at TV actress ng Viva Films at ng Kapamilya network nang dahil sa nangyari sa kanya. Nanampal ba naman ng babae at ultimo ang isa sa mga tunay na crush ng mga dalagita na si John Lloyd Cruz ay nakatikim din ng lumilipad na kamay eh.

At alam ko na isa ring malaking dagok ito sa buhay-showbiz niya considering na isa siya sa mga most-followed celebrities sa Twitter. Samahan mo pa ng samu’t saring mga endorsements mula sa iba’t ibang mga brand ng mga produkto at serbisyo. At may napanalunan pa siyang mga parangal sa iba’t ibang mga gawa sa kanyang career bilang aktres.

Pero para husgahan kagad na si Anne Curtis ay kesyo ganito o ganyano ganire? Nah.

Alam ko, masama ang ispiritu ng alak pag pumasok ito sa katawan ninuman. At yan ang problema – ang baluktot na lohika natin. Sino ba namang gago ang hindi maninisi sa alak pag sila’y nalasing na? Halimbawa na lamang ang mga katagang “Tanginang kasing alak ‘to eh. Nilasing tuloy ako. Ayan…” at ang karugtong ng mga kasabihang yan ay either:
A) “nasa kama tuloy ako sa ospital, nakaratay. Sakit na nga ng katawan ko, masakit pa sa bulsa ‘to.”
B) “nasa presinto tuloy ako. Gago kasi ‘tong napatay ko eh. Mang-aasar pa! Yan tuloy, natuluyan siya.”
C) “nakabuntis tuloy ako. Okay sana, kaso wala akong pera, at hipon pa ‘tong dinale ko sa kama.”
D) “ayan tuloy, wala nang lamn ang pitaka ko, wala na rin ang mga kasama ko. At nawawala pa ko!”
‘Di raw kasi ma-control, kaya nagkaganyan.

"E ‘di ba dapat ay role model ang bawat artista ah. Kaya may karapatan kami na husgahan ang mga kilos niya!"

Mali. Hindi sapat, dahil una, kahit superstar pa siya sa mata ng mga henerasyon ng mga taong nanunood sa kanya, tao pa rin siya. Natural, vulnerable na magkamali. Bagamat ang pinagkaiba lang niya sa iang personalidad ay kahit papaano ay either nagging maingat siya sa mga gawain niya, o hindi lang nagsasalita ang media sa mga pagkakasablay niya.

Pero para husgahan ang mahe ni Anne Curtis na may bahid na? Nah.

Obviously, lahat naman tayo, kilala man o hindi ay nagkakamali. At ang sinumang nagdedeny nito ay baka sa malamang, hipokrito.

Porket lasing, bad image na kagad? Eh mind you, baka nga ang ibang perosonalidad d’yan na lango sa alak ay mas may nagagawa pang matino kesa sa mga tao na hindi nga nakainom, pero kung umasta sa kapwa ay parang nakatungga na ng isang case ng gin bulag o isang 3 litro ng bote ng tuba.
Sabagay, iniiwasan kasi ng mga tao na mapabilang ang mga idolo nila sa mga ilang personalidad sa mundo na kapag nakainom ay panay kagaguhan na ang nagagawa sa buhay, kabilang na riyan ang mga kaso ng DUI o Driving Under the Influence.

Pero para husgahan ang pagkatao ni Anne Curtis nang dahil sa isang drunking incident?

Un-becoming man ang nangyari, eh nag-sorry siya. At least nga kahit papaano ay may tulad niya na umaamin, hindi tulad ng mga siraulo d’yan na ipapangalandakan pa ang mga katarantaduhan nila na tama, ke lasing man o hindi.

Sa kasaysayan, kadalasa’y ang ang sinumang magagaling na mga tao ay ang may silang mas matinding kahinaan sa buhay. Sila ay mas may pinagdadaanan kesa sa ating mga ordinaryong nilalang lamang. Hindi ko na kelangan pang mag-name drop. Either mag-Google ka paminsan-minsan, o tutal naman ay mas ma-shoebiz ka pa kesa sa akin, magmasid ka lang sa mga paborito mong item at babasahin sa mainstream.

May kasaibihan: One mistake can’t define a man. Ibig sabihin, hindi porket nagkamali siya ay ganyan na ang pagkatao niya. Hindi porket naging lasinggero sa isang pagkakataon ang isang tulad ni Anne Curtis ay lasinggero na ang kanyang pagkatao sa tanang panahon.

Pero pag maraming beses, ibang usapan na yun siyempre.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!