12/25/2013 8:23:16 PM
Next year, pakisabihan nga ang mga magulang niyo na tawagin kaming
"ninong" kahit hindi araw ng Pasko ha? HINDI yung tatawagin kang
"tito" pag ordinaryong araw lang, tapos kapag December 25 na,
"NINONG! Pamasko ko?" ang isusumbat, ni hindi pa nga kayo tinuruan
kung paano ang tamang pagmamano eh.
Kelangan ko pa bang i-explain ‘to? Sige na nga kahit hindi
ako si Donya Ina, dahil tamad tayong umintindi (at marami pang mga
tatanga-tanga d’yan na nagrereact kahit hindi naman sila nagbabasa man lang),
pagbigyan. Pasko naman eh.
Sa totoo lang, wala nang mas nakakairita pa sa mga taong
lumalapit sa iyo kapag may kailangan ka. Parang ‘tong mga ‘to: mga inaanak na
bigla na lamang susulpot sa bahay mo kapag arawa ng kapaskuhan.
Pero kawawa naman ang mga musmos na bata ‘pag pinatikim mo
ng kalupitan. Nang dahil lang sa pagiging supot ang utak ng mga magulang nila.
Oo nga eh, pero leche, para sa isang straightforward na
tulad ko, hindi uso yan. ‘De, hindi naman ako nagiging malupit pagdating ng
Pasko eh.
Pero still mas nakapang-iinit ng ulo ang mga magulang pag
tinuruan nila ang mga anak nila ng ganito: “pag hindi Pasko, iba ang tawag sa
iyo (i.e. “tito, kuya, uncle”). Pero kapag yun na, “HI NINONG!”
ABA. Wow ha? Sobra naman yata ang pagiging kapal ng mukha
niyan. Mas lalo na kung pagkatapos ng Pasko ay echapwera ka na sa eksena nila,
as in pag nakasalubong ka nila sa daan, hindi ka nila papansinin o babatiin man
lang. Oo, kahit eye to eye na ang contact n’yo.
Ayaw ko sabihin ‘to, pero sinumang magulang ng mga gan’ong
bata ay sobrang iskwater. Hindi sa pagiging scrooge o sinumang maangas na siga
ha?
Skwater nila kasi magkukumbida sila ng mga tao na feeling
nila ay makakaiskor sila ng kahit kaunting material na yaman, lalo na kung
hindi sila naghihirap o ni nagtatrabaho man lang.
Okay lang sana ang magbigay (no question dun), pero ang
lahat ng kabaitan, tulad ng lahat ng mga akto ng kasamaan, ay may hangganan. Ibig
sabihin pag lumabis ka, abusado ka.
Eh paano pa sa panahon ngayon na masaydong nang
materyalistiko ang mga tao? Eh paano pa sa kasalukuyan na “pera” na ang
nagpapaikot sa isip ng tao? Totoo rin naman dahil ayon sa mga ulat, pera ang mas
kailangan ng tao, kaya di kataka-taka na marami sa mga bata ay nagaalburoto
kapag nakatatanggap ng regalo na laruan, gamit pang-eskwela, o ni damit.
Yung mga magulang din kasi eh. Mahilig din manggatong, pasimpleng
hirit ba ng “perahin mo na lang ang bigay mo sa inaanak mo!” Kahit pabiro ‘to,
nakakasakit pa rin. Para mo na rin kasing sinabi na “hindi ko kailangan niyan. Nagregalo
ka pa!”
Kinginang yan, baka naitak ko pa ang nagsabi niyan sa akin
pag nagkataon, at sabihing “tarantado ka pala eh! Buti nga niregaluhan ko pa
kayo!”
At please lang ha? “huwag masyado maging demanding. Hindi kami
nagtatae ng pera.”
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!