Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 December 2013

Primetime TV: Television’s Darkest Hour

7/24/2013 3:08:38 PM

Literally speaking, nasa darkest hour nga tayo ng ating kasalukuyang panahon, kung telebisyon ang usapan.

Bakit ko nasabi ito? Hindi ba naman kasi obvious na ganito na lang palagi ang mga nakikita natin sa telebisyon pagsapit ng gabi.


Ang dating alas-6 ng gabi na newscast, nagiging 6:30 na. Maliban sa isa sa tatlong higanteng network, ang 6 p.m. timeslot na udyok ng pagsisimula ng kanilang “primetime” block ay telenovela na ang umeere.

Oo, 6:30 na nga ang newscast. Kaso mas binabandera pa ng mga ‘to ang mga crime news as if na para kang nagbabasa ng isang piyesa ng literature. Ang mga salitang tulad ng “naliligo sa sariling dugo…” at ang mga kagatang pabor na pabor pa sa mga perpetrator ng krimen, tulad ng “malas nga lang ng suspek at kinuyog siya ng taumbayan” o 'di naman kaya'y “swerte namang may rumorondang pulis sa naturang lugar at nadakip ang…” Naku, sisihin ang punyetang "tabloidization."

Minsan nga, ganito pa ang eksena sa mga newscast na 'yan. Ang mga showbiz na item na pagkaliit at pagkababaw ng nilalaman, nagiging enws item pa. Kung malalim kang tumingin, ang maasambit mo na lang ay “Ano bang pake ng tuambayan kung mag-away si (artist 1) at (artist 2)?” Taliwas nga lang sa mga mababaw na nilalang dahil pag politics naman ang iuulat, “Yayaman ba kami pag nalaman namin ang balitang ‘to?”

Ang dating 30-minute na newscast, nagiging 1 oras (yung isa pa nga d'yan, umaabot ng 90 minuto e). Siguro dahil ito sa mga ganitong klaseng kadahilanan:

  • Una, mas hindi pagtuunan ng pansin ng tao ang mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.
  • Pangalawa, sobrang dami lang ng pangyayari sa lipunan. Kahit maliit, ibino-boradcast.
  • Pangatlo, dahil kumikita na rin sa tulong ng mga advertisers.
Pagakatapos ng mga newscast, ayan na, mga telenovela na. paborito ng karamihan. Pero kinaiinisan ng iilan. Bakit ka nga naman di maiinis kung mapapansin mo na:

Pare-pareho lang naman ang istilo at istruktura ng mga plot nila. Sobrang tipikal lang. Tignan mo na lang ang artikulo ni Akoposijayson na “Teleche Novela, Soap Cholera” at andun ang mahigit 35 sa mga generic plotline na palagian mong nakikita sa panunood ng mga telenovela.

Takaw-oras. Sa halip na dapat ay gumagawa ng gawiang bahay ang mga bata, o naghuhugas ng pinagkainan si inday, sa ganitong bagay pa umiikot ang gabi nila. Tapos ang ironoy lang sa mga ito ay naapply nila ang magdrama sa totoong buhay.

Maraming maling aral na maaring matutunan. Hindi sapat ang dahilan na “kaya nga mali para maiwasan e.” E para sa mga musmos na kasama mo, ang alinmang maling gawain na nakikita ay nagiging tama. Hindi nga sapat ang rated PG o SPG dahil pustahan, hindi naman ito nasusunod ng karamihan as mga manunood.

At after local telenovela, may foreign naman. Siyempre, kaya nga nauuso ang mga Chinovela o Koreanovela sa atin nitong mga nagdaang taon, ‘di ba?

So ayun, telenovela – newscast – telenovela (x3) lang naman ang istilo ng programming kada gabi. Dati nga may sitcom pa yan bago mag-balita ulit e. Kaso alaws na rin. Masyadong corny, masyadong emosyonal, masyadong… ewan.

Indeed, we’re living at the darkest hour of TV. Ain’t that shit?

Mabuti ngang patayin na lang ‘tong TV!

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. kaya mas minainam ko nalang manood ng porn at hentai at magtikol sa isang sulok kaysa bangngutin sa mga nagbabagang balita na hindi naman ikakahaba ng aking buhay.

    ReplyDelete
  2. dapat sisihin ang mga TV networks...kasi mahilig talaga sila sa heavy dramas....at ang mabenta lang ay mga artista HINDI ang palabas nila.

    #NEGAserye

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!