Kelangan bang ikumpara? Teka, maari bang rumespeto na lamang tayo sa kanila?
Ito ang problema. Hindi tayo marurunong gumalang sa paggalang sa mga taong namayapa na. Aba'y pagkumparahin ba naman ang pagkamatay ng isang aktor sa isang diplomatikong icon?
Ano ang ibig kong sabihin? Ito lang naman: ang pagkamatay ni Paul Walker, isang action star na tampok sa limang pelikula ng the Fast and the Furious, ay pinagluluksahan ng halos sinuman. Samantalang yung pagpanaw naman ni Nelson Mandela, dating presidente ng Timog Africa, ay pawang mga diplomat lang ang nakikidalamhati.
Sa tindi ng impact ng pagkamatay ni Walker, kumalat kagad sa social media ang balita. Naging trending pa nga diumano ito ng ilang araw sa Twitter.
Samantalang ang pagpanaw naman ni Mandela, pinagluluksahan ng buong mundo, pero walang binatbat raw ang numero ng mga taong nakiramay kung ikukumpara sa mga nauna?
Ganun? Kelangan bang mangumpara?
Pero bakit nga ba humahantong sa mga ganitong klaseng kasabihan ang piling tao? Nakikita ko na kaya ang mga ganyang mga kataga sa mga post sa mga social networking sites eh.
Ito ang problema kapag hindi lahat ng tao ay mahihilig sa mga seryosong bagay tulad na lamang ng pulitika at kasaysayan. Para sa kanila,"sino ba yan?" Baka nga ang iba ay magbitaw pa ng mga hindi magagandang salita eh.
Yan din ang problema kapag mas mahihilig ang tao sa mga mababaw na bagay tulad na lamang ng showbiz. Kasi si Walker, may naiambag sa kabihasnan nila, sa pamamagitan ng pagtangkilik lamang sa mga pelikula niya. Wapakels na kung peke man ito o sa sinehan. Parte na rin kasi ng human nature natin ang mas labis na pagkahulig sa mga kagustuhan natin kesa sa mga bagay na mas kailangan natin.
Aminin man natin o i-deny pa, mas mararaming tao ang mahihilig sa mga bagay na nakapag-eentertain sa natin.
Pero ito siguro ang dahilan kung bakit siya tiningala ng tao - siya, tumutulong sa kalamdiad. In fact, galing siya sa isang event na nagre-raise ng pondo nun sa biktima ng bagyong Yolanda.
Ngunit sa kabilang banda, paano kaya kung hindi naganap ang trahedya pero namatay din siya. Ganito kaya ang magiging reaksyon ng tao sa kanya? Hindi natin masasabi.
Pero sana naman, sa kabilang banda, patabain naman natin ang utak natin kahit papaano. Wala tayong mararating kung ampaw o sabaw lang ang laman niyan. Si Mandela ay isang alamat sa larangan ng mundo ng pakikipag-uganayan. Sa parehong diplomatika at pulitika. Google-Google din pag may time para maintindihan mo kung ano ang kanyang mga nagawa sa South Africa.
Basta ako, respeto na ang at saludo ang igagawad ko sa dalawang ito.
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
ako rin po, respeto ko rin po sa kanilang dalawa. Dagdag lang po sa sinabi nyo mula sa aking analohiya sa ganap na pangyayari. Kaya po cguro nakalat sa media ng husto ang tungkol kay Walker ay dahil hindi po inaasahan ang kanyang pagkamatay kaya marami ang nagulat at naghinayang. Para po kay Sir Mandela, nasa matandang edad na po siya kaya ang kanyang pagkamatay ay inaasahan na ano mang oras. Ang pagkumpara rin po sa kanilang ambag sa mundo ay hindi kaaya-aya sapagkat ang sitwasyon na kanilang kinalagpakan ay magkaiba. Para po sa akin, mabubuti po silang tao at naging inspirasyon kaya mayroon po ang aking paggalang sa kanilang dalawa. Sa pagkamatay ni Walker, nalaman po natin ang kanyang mga kawanggawa, at sa pagkamatay po ni Sir Mandela, nalaman ng batang henerasyon kung sino siya.
ReplyDelete