Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

24 December 2013

SMP ka? Eh Ano Ngayon? (v. 2013)

12/20/2013 2:58:35 PM

Salamat sa isang brand ng iced tea, na medyo kahawig pa ata ng pangalan ko, at nauso ang acronym na S.M.P. – o sa madaling sabi, Samahan ng Malalamig Ang Pasko. Lakas talaga sa atin ang copywriter ng adversiting agency na gumawa ng TV commercial nun, no?

Ah, talaga lang ha? SMP ka ha? Parang Single at Mapag-isa sa Pasko?

Oh, eh ano naman ngayon? Masyadong maaga ang timing ng unang bersyon ng sulatin na ito dahil Oktubre pa lang nun ay may ginawa na akong ganito.


Pero dahil sa isa rin daw akong SMP (yung orihinal na acronym ha?) ngayong taon, sinadya ko na gawin talaga ito limang araw bago mag-Pasko.

Pero kung nagtataka ka kung bakit ang daming SMP ngayon Pasko? Well, ewan ko. Nakisabay sa agos ng buhay o sadyang marami lang ang naiinggit sa t’wing nakakakita sila ng isang magsyotang magkatabi sa simbang gabi? Yan ay sa kabila ng baduy na porma nilang varsity jacket na kalokalike naman ng mga rumorondang barangay tanod t’wing oras ng curfew (teka, uso ba yun?).

Maraming nagbe-break? Maraming naba-basted? Baka naman, “pana-panahon lang yan.”

Pero… SMP? Teka, bakit, naging summer na ba ang Pasko sa ngayon? Oo, pero hindi sa oras ng inaasahan natin. In short, hindi sa gabi siya mainit. Buti nga yun eh. At come on, mga tol. Nasa advent tayo ng climate change kaya mas umiinit ang panahon (at hindi ang pakiramdam mo – may gusto ka lang landiin d’yan eh) sa oras niya. Hindi porket parang summer ang init ng tanghali twing Disyembre ang SMP ka na kagad.

SMP ka? Eh ano ngayon? Natural na malamig pa rin ang pasko sa kabila ng climate change. Buti nga “malamig” eh. At least, hindi samahan ng malulungkot ang Pasko. Yung tipong naglulupasay ka habang pinapakinggan mo ang kantang “Sana Ngayong Pasko” ni Ariel Rivera o yung “Miss kita kung Christmas” ng… teka, di ko kilala eh.

At hindi lahat ng “malalamig” ay “malulungkot.” Tulad ng ice cream, iced tea, ice tubig (basta, nagtataka pa rin ako kung sinong kupal ang nagpauso niyan maliban pa sa mga kumag na batak sa basketball court namin?). Speaking of which, nag-crave tuloy ako bigla (pero tatapusin ko muna itong sinusulat ko, no). Oo, malay mo, d’yan ka pa sumaya. Kalimutan mo na ang dahilan na “eh, baka magkasipon pa ako o tonsillitis.”
Dahil pasko na ngayon, dapat magsaya ka. Natural na malamig, pero dapat, masaya ka.

Teka, bakit nga ba SMP? Binasted ka ba ni Matilda? Nagbreak kayo ng jowa mo? Nakita mong may ka-HHWW (holding hands while walking) – or in short, kalandian – ang babae o lalakeng pinagpapantasyahan mo?

O baka naman SMP ka dahil sa mga ganitong dahilan?

Marami kang inaanak – at dahil marami kang inaanak, marami ka ring bibigyan, kaya ang 13th month mo, ang huling sweldo mo bago mag-Pasko, at ang Christmas bonus mo ay parang ordinaryong sahod mo na lang – as in bigay sa ATM mo, pero dadaplis lang yansa palad mo pagaktapos mong mag-withdraw. Kung ganun nga, kawawa ka naman.

Baka naman SMP ka dahil literal na mag-isa ka nagyong Pasko. Parang yung kamag-anak mo ay nasa probinsya at ikaw naman, nasa Japan nagtatrabaho. Oo, mahirap ang mahomesick, parekoy. Mas matindi pa yan sa mga pinagdadaanan ng mga malalanding bata na umiiyak sa tili pag nakikita ang crush nila pero mas nanaig ang luha dahil taken na sila. Yan literal, ang SMP talaga. At di sasapat ang kape para lang painitin ang sikmura mo, at lalong hindi pa sapat ang porn kung gusto mong mainitan ang katawan mo.

Hindi kayo nagkabati? Ay, yaan mo muna hanggang maging malamig yan – yung temper ng tao ang tinutukoy ko, ha?

Wala sanang masama sa pagiging SMP – kung matututo tayong magpahalaga sa ating mga sarili. Pati na rin sa mga mahal mo sa buhay – kadugo man yan o tropa. Yan naman ang golden rule bago ka magmahal sa kapwa mo eh – love yourself.

At kung ayaw mong maging SMP ka – as in yung malamig na nga, malungkot ka pa – try mo kayang mag-relax. Regaluhan mo ang sarili mo matapos ang sandamukal na mga araw na kumakayod-kalabaw ka. Relax-relax din pag may time. Wag masyadong magpaseryoso at mase-stress ka lang.

And I’ll quote yung dati kong kasamahan sa trabaho sa kasabihang ito: “mag-relax ka din minsan, sir. Para yang pera mo, mapakinabangan mo talaga, at hindi magiging pera ng doctor mo.” May punto yan, laliman mo lang ang pag-iisip mo.

SMP ka? Eh ano ngayon? Magpakasaya ka kaya.

Bigyan ng jacket!


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!