Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

28 December 2013

Sound Bites: Statements of 2013

11/28/2013 3:53:57 PM

Wow, maliban sa mga kolokyal na salita na nauuso sa mga social networking sites, mukhang ang mga katagang ito ay nagkaroon ng matinding impact sa buhay ng sinuman na nanunood ng mga mbalita o nakikiusyoso lamang sa mga social networking sites.

Parang ‘tong mga ‘to, panalo gawing soundbyte sa mga programa sa radyo eh. Panalo ring gawing status o tweet, o gawing sagot sa mga nangyayari sa mga isyu at sitwasyon sa paligid.


“You Don’t Do That To Me!” Para sa mga taong walang utang na loob tulad na lamang niya na walang habas na sinumbatan ang mga co-host na napikon di umano sa backstage. Eh teka, kelangan ba talagang mapahiya sila nang live sa national television? What happens in backstage should only stay in backstage, di ba? Sa totoo lang, wala namang pakialam ang manunood sa mga naganap sa likuran eh, as long as napapasaya mo ang mga yan in the first place. Mabuti pa, mamigay ka na lang ng jacket.

“You’re Hurting?” Wala nang mas nakakairita pa sa isang stupid lovelife question na “Ang sakit no? You’re hurting?” Teka, inanunsyo ng ex-jowa mo na may pagtingin siya sa isang band vocalist noong nagtanghal sila sa ating bansa, at kasama mo siya nun. To the extent na nahalungkat pa ang away niyo sa national TV. At umagang-umaga, ganito ang bungad na tanong? Ano, insensitive lang ba ang ex mong beauty queen? O sadyang mahilig lang manggatong ang celebrity talk show host na ito? Ang sarap sagutin ng “HINDI! ANG SARAP PA NGA SA PAKIRAMDAM EH! (with sarcasm, of course)”

“Senador Agad?” Ambisyosa ba ang datingan niya, kaya walang habas itong sinabi ng isang komedyante sa harap ng media? At dahil eleksyon pa nun? Perfect pag-usapan, di ba? Pero huwag ka – nanalo siya. At alam ko, is aka sa mga maraming nadismaya sa kanya. Ikaw kasi eh. Alam mo naman na mahilig sa drama at underdog ang mga kababayan mo eh, inapi mo pa ang idolo nila. Yan tuloy, ang sagot d’yanay “oo, senador agad.”

“Hindi Ko Alam.” Dati, ito ang sagot ng mga taong inosente talaga. As in walang alam. Ngayon, ito ang sagot ng mga taong nagpapanggao na inosente, kahit hindi naman talaga bagay sa kanila ang salitang yun. Hindi mo alam? Next time, dapat may lie detector na sa Senado. Para niyo namang ginagago ang publiko niyan eh.

“Saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha?” Wow, havey, pare. Ang tindi rin ng kuya mo kung magpasaring. Sa State of the Nation Address pa nasabi ito. Astig, ‘di ba? Pero ito ang problema: marami sa hanay niya ngayon ang “makakapal ang mukha.” I mean, sa pamahlaan niya. Kaya tuloy ang “tuwid na daan,” nahahaluan ng kung sino-sinong baluktot. Kaya Kuya, I suggest na sa kanila ka magtanong, baka sakaling alukan ka pa ng ganyan. At doon mo sila batikusin pa.

“Paki-explain. Labyu.” Dahil sa dumarami ang mga idiota sa social networking site, salamat sa matabang utak ng mga tao sa likod ng isang sikat na gag show at ipinanganak ang segment na “Ikaw at ang Ina.” Oo, ngayon, kelangan ipaliwanag ng mga makakapl ng apog na ‘to sa kanilang nakatatanda ang mga kalokohan nila sa Facebook, Twitter at Instagram. Selfie pa kayong nalalaman ha? Paki-explain!

“#IpasokSiDick.” Short-lived lang ang hashtag na ito, kung ikukumpara sa mga trending topic na may kinalaman sa kung anu-anong kabullshitan tulad na lamang ng pagiging malandi ng mga fans ng isang sikat na Irish pop band, at pati yung jeskeng palabas sa primetime TV na ipinapakita pa ang eksena ng kalandian sa eskwelahan sa halip na pag-aaral. Pero alam mo, ito ang dapat gawaran ng “hashtag of the year” award. Bakit kanyo? Hindi dahil sa maraming inosente kuno ang umalma na “ang lilibog niyo!” Kundi dahil sa kasagsagan ito ng eleksyon noong nakaraang Mayo. Maraming umaasa na makakapasok ang isang Dick Gordon sa Senado, at hindi ang mga… eh, wag na, ma-libel pa tayo eh. Sa kasamaang palad nga lang ay hindi siya pinalad na manalo sa Senado. Pero ayos lang, at least kahit papaano ay may mga tao na matatalinong bumoto. Yun nga lang, marami pa rin ang matatalino sa kabaligtaran.


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!