Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

17 December 2013

Taas-Presyo, Lungkot Pasko

12/13/2013 12:21:29 PM

Pambihira.

Lahat na lang tumataas. Mula krudo hanggang pangunahing bilihin, hanggang sa mga serbisyo.


Okay nga lang sana kung lahat ng commodity ay tumataas eh. Kaso, sa kasamaang palad, hindi ang pera natin na panagot sa mga gastos.


Nagsisitaaasan man ang mga gusali, hindi nga lang ang height natin. Pero balik tayo sa presyo. Lahat na lang, tumataas.

Pero ang problema, hindi na bago ang ganito. Mula halaga ng dolyar hanggang gasolina, hanggang kuryente at pamasahe na naman! History repeats himself – err, or itself ba ang peg?

Nakakabulabog man na magtataas ng pambihirang 4 na piso at 15 sentimos ang pangunahing power distributor ng Pilipinas – ang Manila Electric Company, or in short, Meralco. Oo, starting this month yan. Ang unang itataas sa rate hike nay an ay nagkakahalagang 2.45 pesos pe kilowatt hour. Sa madaling sabi, posibleng madagdagan ng halos 500 piso ang bill mo kung kumukonsumo ka ng mahigit 200 kWh.

Sakto pa ang timing… sa panahon na gumagamit ng maraming appliances ang mga tao. Maraming ilaw eh. Christmas lights. Kaya kung sabi nga naman nila ay may liwanag ang buhay, eh good luck na lang kung may magniningning pa ngayong Kapaskuhan.

Marami kasing nagshut-down na power plant. Malamang, mahirap ma-transport ang pinagkukunan ng power supply. Ganun? Oo, ganun nga, at kasama nga pala d’yan ang Malampaya power plant. Jeskeng mga iskandalosa kasing yan eh. Sige, magnakaw pa kayo mula sa Malampaya fund ha?

Kasabay pa ito ng pagtaas ng mga produkto ng petrol tulad na lamang ng gasolina at LPG. Maaalalang malaki rin ang price hike ng liquefied petroleum gas. As usual, ang pinakaugat ng araw-araw na kalbaryo ng isang ordinary at maralitang Juan dela Cruz. Ano pang aasahan mo? Kung hindi tataas ang gasolina, hindi rin tataas ang mga pangunahing bilihin sa ating bayan. Dahil may koneksyon yan sa negosyo at transportasyon.

Kung dati ang isang libong piso ay kayang magkarga ng 72 litro ng diesel, ngayon, baka nga di pa to umabot ng 20 o 25. Ang bilis nga ng mga pangyayari eh. Parang dati (mga 15 years ago) ay naglalaro lamang sa 20 hanggang 25 piso ang halaga ng krudo.

Tapos, usap-usapan pa ang pagtaas ng pasahe sa jeep. Mula otso, gagawing sampu. Oo, dos pesos nga. Bakit ganun? Tumaas ang gasolina eh. Malulugi kami. As usual ganun na naman ang tsuper. Nagigipit lang din sila. Ganun sana, pero mas ayos sana kung aayusin nila ang pagmamaneho nila, hindi yung  isa na nga lang ang bakante, hihirit ka pa ng “OH, LIMA PA! LIMA PA!”

Isa pang kalbaryo ay yung napipintong pagtaas ng pasahe sa mga tren. Aguy! Aminado ako nung una ay medyo okay pa sa akin ang fare hike (kung kelangan naman talaga eh). Kaso, sa panahon na sabay-sabay silang nagsitaasan? Tangina, ‘di tama yan ah! Buti sana kung sapat ang sinasahod ng karamihan? Wasak, ‘di ba?

Masyado nang negatibo no? Kasalanan ng media ba? Eh binabalita lang naman ang dapat i-balita eh. Masakit na katotohanan ba? Ewan. Masyado nang marahas ang mundo kung ganun.

At wrong timing pa… kung kelan magpa-Pasko!

Minsan tuloy naiisip ko, ito rin ba ang dahilan ng mga nangyaring kalamidad sa ating bansa? Maaring factor siguro, pero alam ko na ibang isyu na ‘yun na hindi na kailangan pang iugnay dito.

Kaya wag na ring magtaka kung una, wala kang malalamon na mual sa sarili mong pera ngayong darating na Pasko, at maraming maghihimutok na mga inaanak d'yan (pero UTANGNA-LOOB naman, huwag nga kayong demanding!).

Basta, masasabi ko na lang ay nawa’y maging maligaya a rin ang pasko, kahit tayo ay pinuputakte na ng sandamukal na kalbaryo.


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!