7/24/2013 2:50:35 PM
Pre-script: Una akong nagsulat ng draft nito noong Pebrero 2012 pa. Sa kasamaang palad nga lang ay 'di ko siya naretrieve. AT siguro, mas okay na siyang isulat ko sa wikang Filipino tutal aminado naman ang inyong lingkod na sumasablay din ako paminsan-minsan sa pagsusulat ng Ingles. Anyway....
I-set aside muna natin ang dahilan na "meron namang Jeepney Tv eh!" o pati yung Fox Filipino.Tol, hindi lahat sa atin ay may cable (kahit ang inyong lingkod - wala ring cable). Kung may time machine lang ako, siguro babalik ako sa mga araw at gabi na umeere ang mga ganitong palabas.
Pero maliban pa sa mga sitcom at gag shows, isama mo na rin ang pagpapalabs ng mga pelikula, ito ang mga palabas na sa tingin ng inyong lingkod, at dapat na umeere pa as panahon ngayon. Ang mga tinampok o sa
artikulong ito ay ang mga palabas na umere sa nakalipas na mga taon (sensya na, di ko matantiya).
|
www.ustream.tv |
Usapang Lalake.
Ito ang palabas ng mga Tunay Na Lalake. Dito mo malalaman ang mga kalokohan ng ilang kalalakihan, at ang mga
bagay na kinalolokohan nga naman. Dito rin nabigyan ng break ang ilang mga
personalidad tulad ni Kuya jobert
Austria at Alex Calleja. Nakakaaliw
lang sila kahit Rated SPG ito at t'wing Miyerkules ng gabi ito umeere sa Studio
23 nun. 4 na seasons din sila nagtagal, 'di ba?
|
PILIPINAS, GAME K N B? (http://www.abs-cbnglobal.com/) |
Pilipinas, Game K
N B? Alam ko, merong playback episodes ‘to sa Jeepney TV. Pero mas aliw
ako sa mga panahon na si Doods pa ang host nito. The other side ni Edu Manzano, ika
nga. Sobrang ibang-iba mula noong nag-host siya ng The Weakest Link sa IBC 13,
na matapang o maangas. Dito, kwelang kwela kahit ganun ang datingan ng kanyang
persona. Naalala ko na pinapanood namin ‘to twing lunch time noong high school
kami.
|
THE FRONT ACT SHOW. (forum.flipbykes.com) |
The Front Act
Show. Tatlong bagay kung bakit: Stanley Chi, Mike Chan at Bogart The
Explorer.
|
TAYUAN MO! AT PANINDIGAN (http://pgnl.ph) |
Tayuan Mo At Panindigan. Isa sa mga
paboritong talk shows ko noong 2011. Pinakapaborito ko sa channel na Aksyon TV.
Lalo na’t ibang klase ang on-air chemisty ng apat na tao na may pangalang Aida
Sy, Carlos Celdran, Lourd de Veyra at Direk Joey Reyes. May pagkakataon pa nun
na napansin ang aking Facebook comment nun na nagsasabing dapat may Facebook
account na ang babaeng host nila nun.
|
DUELO: BARILAN NG OPINYON (https://www.facebook.com/duelo.aksyontv) |
Duelo.
Natatanging palabas ng isang Dick Gordon. Napakatalinong mama, maliban sa malaki
ang kanyang kamay noong minsang kinamayan ko sa kasagsagan ng pangangampanya sa
darating na 2010 Presidential Elections. Ito ang isa sa mga palabas nun, kasama
ang De Kalibreng usapan ni Dong Puno at ang TMP, na dapat pinanunood ng
sinumang may pakialam sa mga isyu ng bayan. Ilang beses rin nakilahok ang
inyong lingkod sa kanilang diskusyunan sa Facebook account nito.
BITAG Live.
Bagamat umeere pa naman ito sa Radyo5 92.3 News FM at sa Aksyon TV, namimiss ko
pa rin ang dating... err, datingan ng palabas na ito sa UNTV. Kada umaga yun, halos kada araw
ay pinapanood ko ‘to, lalo na pag live na live na tumatalakay ng anong isyu si
Ben Tulfo. Pati na rin ang mga BITAG classic segments nila Pero ayon na rin sa
isa sa mga nakausap ko na dating personalidad ng naturang channel, nagpasya na
rin siya na umalis dun at sa mga istasyon ng TV5 at PTV4 nga ituloy ang kanyang
pambibitag sa mga tiwali sa lipunan.
|
STRANGEBREW (www.istorya.net) |
Strangebrew.
Kung isa kang Brewster, dapat alam mo ito, na ang quartet nila Direk RA Rivera,
Ramon Bautista, Arvin “Tado” Jimenez, at Angel “Erning” Rivero ay nabuo nang
solido sa palabas na ito (kahit tatlo sa kanila ang nasa screen at ang isa... well, nagdi-direct). Ito yung mga panahon na hindi pa pagmamay-ari ng Ang
Dating daan ang UNTV. Kung hindi nga ako nagkakamali nun ay ang mga tao sa
NU107 rin ang may hawak sa istasyon na ito nun e. Well, tamang-trip lang, na parang signature word ni Erning.
|
WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE (wikimedia.org) |
Who Wants To Be A
Millionaire? Ke to man ang panahon na si Boyet o ni Bossing (pero buti na lang kahit papaano ay 10 season na tong umeere sa TV 5 and so far, okay sa akin ang content ng kasalukuyang Millionaire game show) . Ito ang
isa sa mga foreign-franchised game show na umeere sa IBC 13 nun. At Viva
Television pala ang tawag sa kanila nun ng mas madalas kasi blocktimer dun ang
VIVA. Basta, gusto ko lang ang palabas na ito dahil marami akong natututunan e,
tulad rin ng mga tulad ng Battle Of The Brains, Digital LG Quiz, at pati na rin
ang Game KNB?
|
DIGITAL LG QUIZ (http://driveandgrind.blogspot.com/) |
Digital LG Quiz.
Isa sa mga natatanging palabas na naglarawan kay Paolo Bediones ng pagiging
maalam niya. Nerd o geek, you nemae them. Pero akmang-akma sa kanya ang palabas
na ito, kasama si Regine Tolentino. Linggo ng umaga ito umeere sa Siyete, kung
hindi ako nagkakamali. Sayang nga lang, tila wala nang ganito sa mga major TV
network sa panahon ngayon. Mas pinaunlakan pa yata nila ang kalandian kesa sa
pag-aaral.
Dami kong hiling, no? Pustahan, hindi lang naman ako ang may pananaw na ganito e, na yung panahon na usong-uso pa ang mga ganitong palabas. Now, if only may mga mga VCR recorder ako tulad ng mga tao na gawain ay ganun noong mga nagdaang dekada. Naalala ko kasi yun ang pamamaraan ng ilan para makapagpadala ng mga tape na naglalaman ng mga programa sa telebisyon papunta sa mga lugar na 'di maabot ng mga istasyon.
Post Script: Libre mag-comment, ha? Baka sa mga feedback n'yo ay makagawa pa ako ng part 2 ng post na ito as long as familiar din sa akin ang mga palabas na yun. For the mean time, ito muna.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!