1/16/2014
1:21:15 PM
Sa totoo
lang, mula noong kalagitnaan ng nakaraang dekada lang ako mas nakatutok sa
Studio 23. Siguro dala ng pagkahumaling ko nun sa panunood ng mga collegiate league
sa Kamaynilaan tulad ng UAAP at NCAA.
Samahan mo
pa ng mga palabas na banyaga na dati rati ay laman ng Channel 2. At pati ang
mga locally-produced na programa na ganun din. Pati nga yata yung Family Rosary
Crusade ay kasama din dun eh.
Naalala ko
pa nga kung gaano kaastig ang chemistry nila Ryan Agoncillo at Bianca Gonzalez
sa Y Speak. Sa totoo lang, kung ang ANC ay may “Square Off,” ito yung masa version.
Pero “masa” in a sense na hindi gaguhan ang laman. Siguro nung nawala ito, (at
isama mo na rin ang "Debate nila Mare at Pare" sa GMA7), naging basura na rin ang pamamaraan ng
pakikipagtalo sa panahon ngayon, lalo na’t mahahalata mo yans amga forums at
post sa Facebook.
Naalala ko
nga na may mala-Misfit segment nun si Ramon Bautista sa Gameplan. Pati yung
Stoplight TV, at ultimo ang Strangebrew.
Pero kung
datingan kasi ang usapan, tiyak na naalala ang Studio 23 dahil sa coverage nila
ng UAAP at NCAA nun (until napunta sa TV5 ang pagcover ng NCAA noong 2011).
At sino pa bang
makakalimot nun sa “Wazzup Wazzup,” ang comical news show nila Vhoing Navarro,
Toni Gonzaga, at Archie Alemania? Parang nabuhay ang dating Sic O Clock News sa
WW, e no? Or kung mas mapagmasid ka, sa CQC ng Argentina.
At oo nga
pala? Ang Usapang Lalake? Kahit two years lang nagtagal ang programang ito sa
ere, aba, isa kaya ito sa mga palabas para sa mga... ehem, tunay na lalake.
Kung
tutuusin, ang talagang target audience ng channel 23 nun ay ang mga kabataan,
at halata yan sa mga slogan nila – partikular na ang “Kabarkada Mo!” noong 2004
hanggang 2009, at ang “Iba Kabarkada” noong 2010 hanggang sa paghinto nito sa
ere sa darating na Biyernes, January 17, 2014.
Pero
sabagay, nagbabago din ang dikta ng industriya ng media. At least, ito, hindi
ito tulad ng mga mainstream network talaga na sobrang baduy at basura na lang
ang mga programang ipinapalamaon nila sa karamihan. Medyo pabor pa rin sa
audience ang magiging panibagong format nito na 75-25 – as in 75 percent sports
and 25 percent entertainment.
Mukhang men’s
channel pa nga ang datingan nito.
Anyway, 17
years? Hindi biro ang paglalakbay ng Studio 23, na unang nagsimula bilang
taga-broadcast din ng MTV Asia nun, bago nagkaroon ang ABS-CBN ng sariling
music channel sa pangalan ng Myx.
Saludo ako
sa mga tao ng Studio 23. Salamat, mula sa isa sa inyong kabarkada.
Author: slickmaster
| © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!