Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 January 2014

Blame Yolanda?

1/15/2014 11:18:58 AM

Teka, pasensya na ha? Di ko magwa-gawa ang mga unang proyekto ko na dapat ay medyo matagal-tagal ko nanag nailabas. Anyway, ditto muna ako sa isyung ito.

Aniya sinisisi ni Pangulong Noynoy Aquino ang Bagyong Yolanda dahil raw sa maraming tao ang nagging mahirap ngayon.

Ha? Ano raw? Seryoso ba yan?!

Teka, sisihin ba ang bagyo dahil sa mga naganap na kalamidad?


Sabagay, ilang araw kasi matapos hampasin ni Yolanda ang mga isla at probinsya sa gitnang Pilipinas ay may lumabas na video na “man-made daw diumano” ang bagyo na tulad na lamang ni... well, Yolanda.

Pero sapat na bang dahilan yun para sisihin ng pangulo ang bagyo dahil sa kahirapan?

Teka, ang dami naman talagang naghihirap sa Pilipinas. Sa totoo lang, magmasid ka lamang sa paligid mo eh. Pumunta ka lang sa halos kahit saang lugar as Pilipinas ay makakakita ka na ng sitwasyon na magsasabing “mahirap” sila.

O kung basehan lang naman nila ay ang survey na tulad na lamang ng mga nilalabas ng Pulse Asia at SWS, sapat na ba ang kredibilidad nito para sabihin na mahihirap sila? Sabagay, depende rin yan sa demographic ng mga respondents nito. At kung anu-ano ang mga ito? Pag-aralan mo na lang. Masyadong kumplikado pa para i-explain yan sa inyo (besides, hindi ako si Donya Ina).

Kaya teka lang. Ano bang pinaglalaban ng kuya mo?

Pero teka ulit, alam mo, 11.8 milyong katao raw kasi sa ating bansa ang mga “mahihirap.” Kaya siguro, malaking factor rin ang mga kalamidad para maapektuhan ang pamumuhay ng isang tao. Natural, maapektuhan nito ang pang araw-araw mo. Isipin mo, mawawalan ka ng gamit dahil dyan, o masisiraan. O ng bahay? O di kaya ay mas masaklap... buhay ng mga malalapit sa iyo (siyempre, gagastusan mo rin ang lamay at pagpapalibing d’yan no? Kahit abuloy man lang).

Pero leche, sisihin ba si Yolanda sa kahirapan ng mga Pinoy? Kung ganun lang naman, bakit di rin sisihin ang lindol sa Bohol at Cebu, pati na rin ang bagyong Sendong, pati Santi, Pedring at ultimo ang Ondoy at Pepeng?!

Ang sinasabi ko, natural na parte na ng ating buhay ang kalamidad. At kung totoo man yung video na “man-made ito,” still, siyam sa sampung beses na naranasan nating ito ay “acts of nature,” o “acts of God.”

Besides, nagbabao na ang panahon. Kaya dapat siguro ay matuto na rin tayo. Lalo na’t tila paulit-ulit na lang ang mga malalakas na ulan na nagpapabaha sa ating kalsada at tirahan.

Sisihin ba ang bagyo, kuya? Anong klaseng lohika yan?! Parang ang dating ay “may masisi lang.” Ika nga ng tropa ko, “MAY MA (parang ‘may masabi lang).” At sa konteksto ng lipunan natin, lagi na lang may nasisi sa alinmang bagay na nangyayari.

Pumalpak ang proyekto? Sisihin si contractor!

Nang-isnab siya sa media? Sisihin ang actress! Kapal ng mukha niya magtaray sa media (pero mas dapat ay “sisihin ang reporter! Kapal kasi ng mukha na makialam sa lovelife ng may lovelife eh!”).

Tama, lagi na lang may ganito. Eh paano pag delubyo na hindi gawa ng tao ang mangyari? Tulad ba ng dati? Na sinisi ng national government ang pamahalaan ng lungsod ng Tacloban dahil raw sa kapabayaan diumano nila? Dahil sa hindi pagkakaroon ng presensya ng tinatawag na “command responsibility?”

Sishin ang bagyo? Kaya nga “natural calamity,” di ba? Ulit, acts of nature, o acts of God (in case na relihiyoso ka) yan. Sisihin ang bagyo? Kalokohan n’yo talaga oh.

Sisihin ba naman ang bagyo? Naku, baka bagyuhin tayo lalo nito eh. HUWAG NAMAN SANA.


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Naalala ko lang, magkano nga ba ulit yung lahat ng nai-donate sa atin ng ibang mga bansa? Hindi pa kasama sa total yung mga foods diba? I wonder ano na kaya ang nangyayari dun. Hmm....

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!