1/24/2014
3:30:04 PM
Kailangan ba
talagang magka-Death Penalty muli sa ating bansa? Kung pagbabasehan ang mga
pangyayari sa ating lipunan – na lagi na lang yata nagkakaroon ng marahas na
kriment – siguro. Yan ay mas solido pa kung ikaw mismo ay biktima ng mga
kaganapan na gawa ng mga halang na bituka.
Pero ayaw
kasi ng Simbahan yan e. Ayon sa isa sa mga opisyales nilang si Fr. Melvin
Castro na ang simbahan ay naniniwala sa restorative justice – isang hustisya na
nakakamit sa pamamaraan ng paghilom sa mga sugat. Ito ang problema – ang paghilom
ay mas matagal, at kung sakali man na dumating sa punto na gumaling ang mga
sakit ay hindi na ito makakagalaw pa tulad ng dati (tignan mo na lgn sa malaim
na perspektibo ang mga salitang ito).
In short,
hindi siya naniniwala sa pamamaraan na kailangan pang dumaan ng dahas. Parang kasabihan
ba na “hindi maitatama ng isang mali ang isa pang pagkakamali” ba? Depende kasi
yan eh. Siguro tahasan itong kinokontra ang mga istilo ng pamamaraan ng
pagparusa sa pamamagitan ng mga salita sa code ni Hammurabi, na “fight fire
with fire.”
Tingin ko,
ganun din ang pananaw ng Commission of Human Rights dyan. Tulad ng sinabi ni Etta
Rosales sa programang “Wasak,” ang may problema dito ay ang sistema.
Naku,
talaga lang ha? Sabagay, talaga naman may problema ang sistema allo na kung hustisya
ang usapan dahil lgui ang mga mahihirap eh.
Pero ito pa
ang isang suliranin dyan: kung hindi maiimplementa ang death penalty, paano
masisisguro ang seguridad natin? Lalo na sa panahon na may mga kawatn sa
lipunan? Ano ‘to? Kasalanan ba ng media na lagging palaman ng kanilang
pangbalitaan ay ang mga crime beat report?
Naalala ko
si Erap bigla. Isa siya sa mga tumawag ng atensyon ng CBCP ukol dito. May kaso
kasi sa Paco na namatay at nagahasa pa ang isang musmos na bata. At kung
maalala ko, maliban sa downside na katiwalian, ay isa rin siyang crimebuster. Sino
ba ang makakaalala sa mga huling pag-implementa ng death penalty, tulad noong
nangyari kay Leo Echegaray?
Hindi ito
usapin ng lumalaki ang populasyon (anak ng, anong konek?). Pero ang tama ay
hindi sa lahat ng oras ay nadadaan sa matiwasay na pamamaraan. Parang sermon ng
magulang sa pasaway na anak, o ultimo ang ‘sampal.’
Sa totoo
lang, mas okay ngang irevive ang death penalty. Yun nga lang, dapat ay mas
salain pa ang mga taong masasakdal kung sakali man. Marami nang kriminal sa ating lugar. Kung hindi sila madaan sa santong paspasan, e baka pwede pang maidaan sa maladelubyong hampasan!
Author:
slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
Tutol ako. Katulad ng lagi kong sinasabi about that, nagca-cause lang ito sa ilang jailguards (na mismong nagsasagawa ng death penalty process) ng pagkakaron ng guilty or tila nangungunsensya sila sa ginagawa nila, kahit "call of duty" nila ito. Dahil nararamdaman nila na parang pumapatay na rin sila sa kapwa.
ReplyDelete