Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 January 2014

National Problem: Internet Connection

7/29/2013 3:48:50 PM

Isa sa mga bagay na pinakakilangan ng tao… ay ang internet connection!

Seryoso? Oo nga. Intenet connection. Sa panahon na halos importante pa sa mga ito ang kanilang gadget kesa sa pagkain ng tatlong beses sa isang araw, ang internet connection ay hindi dapat balewalain.


Dito nakasalalay ang ilang importanteng bagay sa buhay ng maraming tao. Koneksyon sa kapwa tao, trabaho, assignment sa school, research sa thesis, relasyon sa kasintahan, negosyo, online games, at ano pa yan.

Kaya nga maraming nag-aalburoto kapag walang signal ang kanialng cellhpone o broadband, ‘di ba? Marami rin ang badtrip kapag walang wi-fi sa lugar na kinatatayuan nila. Nasa gitna ka man ng bukirin o nasa tuktok ng bundok, kung techie ka, at nagkataon na walang masagap ang iyong provider, baka itapon mo na lang ito. Siguro, dito rin ipinanganak ang panukalang “Ipawi-fi ang Buong Pilipinas!”

Kaya nga nauso rin ang kasabihan na “ang mabait na kapitbahay, walang password ang wi-fi.” Pero pustahan, pag wala ngang password ang wi-fi nila, marami rin ang aabuso at makiki-connect to the extent na yung mga taong may-ari ng wi-fi hotspot mismo e mabadtrip sa dalawang bagay: either sobrang bagal ng net speed, o hindi na makakoek sa dami ng nakikikonek.

At pag nakaprivate naman ito, masasambitan mo pa ang mga ‘to ng “Pucha! Ang damot n’yo naman!” At ang possible namang sagot d’yan ay “Bakit? Kayo ba ang nagpagawa at nagbabayad para umangal kayo nang ganyan? Kapal ng mga pagmumukha n’yo ha?!”

Sa sobrang halaga ng internet connection, mas gugustuhin mo pa maging katuwang sa buhay ito kesa sa mga tinatawag na “kasintahan.” Ika nga ng kasabihan na nakapaloob sa isang post ng isang Reygel Perales, “Okay lang maging single, huwag lang mawalan ng internet connection.”

Oo nga naman. Mas matinding problema pa kasi ang haharapin mo pag nawalan ka ng connection sa internet. Sino ba naman ang hindi nagmumura o naiinis kapag sobrang bagal ng internet mo at nagdadwonload ka sa PC mo, ke pelikula galing Torrent, mp3, video sa YouTube, litrato, e-book, PDF at iba pang mahalagang dokumento, o kahit ultimo ang mga clip mula sa isang pornography site? Kahit ang inyong lingkod ay nauurat ng sobra-sobra kung mas mabilis pa ang pag-buff ng video kesa sa pag-download nito mismo.

Ulit, gaano ba kahalaga ang internet connection sa panahon ngayon? Maliban sa mga kasabihan na nilathala ko sa post na ito, ang internet conection kasi ay parang pera, o pagkain. Pangunahing kailangan na rin kung maituturing. Pag wala ka nito, parang hindi ka ganap na tao. Parang hindi ka “in” sa lipunang ginagalawan mo. Kahit in fact, e material na bagay pa rin namang masasabi ang bagay na ito. Oo, material na bagay lamang, pero dala naman nito ang sandamukal na kaligayahan na maaring matamo ng tao. Siyempre, pag mabilis ang internet connection mo, hindi uso ang salitang “buffering.” Hindi ka mala-lag sa mga nilalaro mo. Makakapag-Facebook o Twitter ka nang mabilis. Ganun kasimple, ‘di ba?

Pag wala ka nito, napaparenta ka sa labas. At hassle pa gumastos. Possible rin na magtampo sa iyo ang mga kaibigan na palagiang online sa fb, malulugi ang negosyo, masira ang flow mo sa trabaho, makapagbibigay sa’yo ng stress, at baka nga mapapalabo rin nito ang relasyon mo (i.e. “bakit ka nag-offline? Nambabae ka no?” “hindi. Ang bagal ng internet ko.” “ambagal?! E ‘di ba 1000Mbps na yang pinakabitan mo? O may kumabit naman sa atin, ha?”).

Naku, kung ganun lang ‘din, ito lang ang solusyon d’yan: ‘Wag kang manuyo ng isang nagger at hindi pasensyosang babae.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!