1/28/2014
12:57:11 PM
Nakakalito
na. Mabuti na lang ay hindi ako bumibiyahe sa oras na sinusualt ko ito dahil sa
malamang, kulang pa ang Bonamine at kung ano pa ang mga gamut na pangontra hilo
para dito.
Pero nakakalito
nga ba ang mga pinagsasabi nila? Sino ba sa kanila ang nagsasabi ng totoo?
O SADYANG ‘OVERLY
BOLOWN OUT OF PROPORTION’ NA ANG LAHAT NG ITO? Tama, OA na kung sa OA.
Sabi ng isa,
pumunta lang siya. Sabi naman ng kabila, inimbitihan.
Nasuntok
ang sikat na artista. Na-opsital dahil dun. Ang bwelta naman ng
kabila,nagtangka siyang manggahasa sa isang babae dun. At ‘citizen arrest’ lang
ang mga nangyari.
Ito ang
problema: kung nangrape si Vhong Navarro, bakit hindi nakalock ang pinto? Ano ‘to? Na siya nakapagpigil? Ganun?
Citizen arrest
lang daw ang nangyari? Pero ayon kila Cedric Lee, nagtatangkang pumiglas si
Vhong kaya tinalian nila ito gamit ng duct tape.
Teka, saan
nga ba ginagamit ang citizen arrest? Saka kung sasaklawan ang mga ito, dinadala
sa presinto ang alinmang gumagawa ng katarantaduhan. Hindi ito sinasamahan ng
kung anu-anong physical struggle. Ganun? Pero napakakumplikado lang, depende
siguro sa sitwasyon kung paano ieexecute talaga ang citizen arrest.
Attempted
rape ba? Pero teka, bakit hindi nagpamedico-legal si Deniece Cornejo? Di ba
madalas na SOP sa ganun kung masyado kang nasaktan o masyado kang naharass, ke
magpapablotter ka lang, nagpamedico legal pa?
Dahil inurong
ba ang reklamo? Ganun? Nagpablotter ka pa. Pero sabagay, parang ang dating
niyan ay sa susunod na magaganp ulit ang pagkakataong ito, ikaw ay masasakdal
sa pangalawang pagkakataon.
Ganun? Pero
still ebidensya mo pa rin eh. Preba.
Bakit hindi
rin nagpamedico-legal si Vhong? Hmm, pero teka, ‘di rin ba sapat ang itsura
niya sa ospital? O baka naman may hihirit ng “baka make-up lang yan.” At ang
tell all interview niya? Alam kong nagdrama siya minsan, pero I doubt it this
time around. Nah.
Yung
anggulong attempted rape. Yung report dun, bias nga ba? Ewan ko. Maaring bobo
din ba ang mga manunood? Mas maari din, considering na malakas ang
kapangyarihan ng media. Madaling makapagpa-impluwensya ng tao.
Eh kung sa
yun ang source nila eh. Ang tanong nga lang ay “pirma nga ba ni Vhong yun?” Sapat
ba ang ebidensya ng mga litrato ng kanyang pagkakahuli diumano sa police
station?
Kaya para
sabihin na worst network ang siyete ay isang malaking kagaguhan. Ganun din sa
side ng dos at singko, at kung ano pang network dyan. Network wars should be
putted aside, at sinumang ogag na magsasabi na “asus! Dos versus Siyete na yan!”
ay obiviously, isang gago. Palibahasa, nagpapakababaw. Nagpapakasasa sa mga
bagay na nakikita nila. Palibhasa na-inject sila ng virus na kung tawagin ay “mainstream.”
Pero kung
tutuusin, hindi sila bias. Ang problema dito ay ang media nga lang ang
nagpapalaki ng isyu dito – at yan ang pinakatotoong pangyayari sigurado.
Maaring hindi
nagsasabi ng ‘absolute truth’ ang magkabilang kampo at dinadaan sa abugado (and
considering na ang alinmang nalalamn nila ay isasala pa at yung matitira ay yun
lang ang tangi nilang pwedeng sabihin sa korte). Pero walang kasalanan dito ang
mga abugado. Trabaho nila yan eh.
Maaring may
tinatago ang magkabilang kampo, which is talaga naming nakakalito. Actually kahit
sa hanay ng pulis, may magsasabing nakuha nila ang blotter, may nagsasabi naman
na hindi nila ito natanggap. Labo pa rin, di ba? Pero again, kahit may
pagkukulang sila sa senaryong ito, hindi sila ang tunay na may sala.
Biyernes lang
ito nabalita, samantalang Miyerkules pa ito mismo nangyari. Ang tanong: anyare?
Abkit ngayon lang? Ano ‘to, ang dating ay ‘may mapag-usapan lang?’
Naalala ko
ang prof ko nun sa isang major subject: isa sa mga element ng pagbabalita ay
ang ‘proximity.’ Meaning, dapat ay mabilis pa sa alas-kwatro ang maghahatid ng
mga kaganapan. Kaya sa totoo lang, mukha na siyang panis (I mean yung balita)
noong panahon na yun kung susuriin. Stale, ika nga.
Nah, pareho
lang sila may mali eh. Pareho ring may tinatago. Pareho silang nagsusumbatan. Pareho
lang silang nagbababuyan ng pangalan sa harap ng mga mata ng publiko, pati na
rin ang mga tumututok sa social media. In other words, pare-pareho lang naman
nila kayong ginagago eh (wag mo kong idamay dyan).
I’m not
taking sides, pero dapat ma-settle na rin ‘to in such a way na sila na lang ang
mas nakakaalam – tual nung nangyari naman ito ay sila-sila rin naman ang mga
nagkakasangkutan eh (unless ilabas ang CCTV footage); habang sa totoo lang ay
marami pang mas mahahalagang balita ang dapa ibinabalita pa kesa dito.
Diversionary tactic ang dating eh. Mas mahalaga pa ring pag-usapan ang pork
barrel scam kesa sa mga nangyari sa isang host ng Showtime.
Pustahan, ilang
lingo magtatagal ang isyung ito. At dahil dyan, marami na naman ang mga siraulong tatamad-tamad
magtrabaho. At dahil d’yan... aabangan nila ang susunod na kabanata!
Nalito ka ba? Ako din eh.
Nalito ka ba? Ako din eh.
Sabi ng
isa, sabi ng kabila, ay pucha, nakakalito na! TAMA NA!
Author:
slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions
Do we even need to know who's right? How will we benefit from that? As an individual? as a nation? as a society? Wala diba.
ReplyDelete