11/15/2013 4:23:27 PM
Naalala ko ang tropa ko
habang nasa gitna kami ng laot (pauwi kami mula Marinduque nun), sinabi niya kasi
na “ang kasaysayan ay pumapanig lamang sa isa. Dahil ito ay nasusulat lamang ng
sinumang naka-survive sa panahon na iyun.”
Pero fast-forward na tayo sa dos-mil-trese.
Saktong-sakto yata ang programang ito sa tinatawag
na “throwback thrusday,” o mas maganda siguro, #throwbackthrusday. Oo, sa panahon
na usong-uso pa yata ang magsalita ng #hashtag kesa sa mga salita mismo, ito ay
isang makabuluhang post sa Twitter, instagram o kahit Facebook.
E teka, hindi ko naman naabutan ‘to sa TV5
o AksyonTV eh. Sa mga recap episodes lang nila sa news portal ng TV5 na News5
Everywhere ko nga lang napapanood ito eh. Pero, ano bang meron sa History
na ito?
Sinasabi na sa programang ito mo malalaman ang
mga bagay-bagay sa kasaysayan na hindi naituturo sa eskwelahan. Kaya siguro siya
rated SPG no? Naku, kung bata pa ako, baka pinalo na ako ng magulang ko dahil sa…
well, kung anu-ano ang pinapanood ko. To which I will retaliate, at sasabihin ko
na “Eh Nay! Mas okay nang manood ako ng History kesa naman sa kalandian tulad na
lamang ng paborito niyong teleseryeng (insert name of program here)!”
Pero alam mo, kahit nasa ganung edad ako,
baka mas papatulan ko pa talaga ang mga programang tulad ng History. Hindi lang
dahil sa ito na lang ang isa sa mangilan-ngilang palatuntunang “may
kabuhuluhan,” kundi dahil sa isa ang kasaysayan sa mga paborito kong subject.
Lalo na sa panahon na hindi ko naman ma-afford na magka-cable para lang panoorin
ang Discovery, National Geographic, Bio at kung anu-ano ang mga channel.
Pero bakit ito ang dapat panoorin ng masa ngayon?
Kalimutan mo na ang SPG rating (asus, hindi naman nasusunod yan e. Lokohin n’yonga
‘ko.), hot na chicks, at (errr…) generic plotlines. Simple: maraming matututnan
eh. Mantakin mo, mula sa noong nagwo-Word of the Lourd pa lang si Lourd de
Veyra, ay isa na siyang epektibong host eh (at hindi ko sinasabi ‘to dahil fan
ako ha?), pero tignan mo ‘to: mataba ang utak, matataas ang mga punto de bista,
pero kaya niya itong sabihin sa lahat ng estado sa ating lipunan; samahan mo pa
ng halong patawang may dating at substansya. Ayos, ‘di ba? Package ang datingan.
Siguro, dahil sa mga tag line nitong
“Tsismis noon, kasaysayan ngayon.” Oo, since immemorial, usong-uso na rin ang tsismis.
Maraming mga spekulasyong nagaganap. Mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng mga
textbook. Ito ang sasagot sa mga tanong ukol sa madidilim na nakaraan.
Ayos ba?
Kung ako ang tatanungin, mas irerekomenda ko
ang mga ganitong palabas sa primetime. Kalimutan mo na ang timeslot tutal mas
marami naming nilalang ang buhay sa gabi kesa sa araw e.
Author: slickmaster | (c) 2013 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!