Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

20 January 2014

Wanted: Job Description Blues

7/24/2013 4:10:17 PM

Sa halos lahat ng bagay sa lipuan mo makikita ang tinatawag na “diskriminasyon.” Isa sa mga ito ay pag naghahanap ka ng trabaho.

Ano ang ibig kong sabihin? Pansinin ang mga ito.


“Graduate from any reputable university.” Meron pa nga d’yan ay “must be top 10/consisten dean’s lister/etc.” E paano na lang kung hindi kilala ang pamntasang pinag-aralan mo? Kung hindi ka graduate mula sa mga eskwelahan na tulad ng Ateneo, La Salle, Assumption, UP o kung saan pa yan, basta reputable. Kahit obob ka, o talamak sa transcript of records mo na tumataginging na tres, tres-singko, kwatro o singko (kung 1 ang pinakamataas na marka), basta graduate ka ng mga ganitong klaseng eskewlahan, pasok ka pa rin. Kawawa naman yung mga suma cum laude mula sa hindi kilalalng unibersidad. Matalino nga pero hindi kilala ang eskwelahan, patay kang bata ka.

Pag secretary ang post na open, madalas ay “female.” Gender discriminatory bamng maituturing? Sabagay ang awkward naman kasi kung lalake ang boss mo, tapos lalake din ang secretary mo. Kung racist pa ang titignin… “bro, awkward!” ang madalas na irereact. “I smell bromance,” o kung anu-ano pa. Pero sa kabilang banda pa rin kasi, karamihan sa mga unemployed ay ang mga babae.

Ang hindi mawawala sa halos kada job classified ad. “With pleasing personality.” Okay sanan, kaso superficial kasi ang concept ng tinatawag na “pleasing personality.” Sa itsura kasi ang pinakabasehan. Pag pangit ka, hindi ka pleasing sa mata ng tao, particular sa employer mo. Meron pa ngang tinatawag na “height requirement” e. Echapwera ang kabuaan ng medical. Ibig sabhin, kahit singtangkad mo pala ang giraffe kahit lalampa-lampa ka, mataas ang tiyansa mo na pumasa? Sa malamang daw.  Pero kawawa pa rin ang mga hindi ganun kapleasing ang itsura.

Kung ganun man pala ang mga dahilan, naku, kaya naman pala maraming walang trabaho sa bansa e. Maliban pa sa tamad ang iilan, o hindi akma ang kursong pinag-aralan sa trabahong inaasam na pasukan… itong mga ‘to pala ang iilan sa mga pinakadahilan.

Kung tutuusin, kahit ako ay nawawalan rin ng gana mag-apply ng trabaho kung ang mga ganitong salita ang tumutumbad sa kada classified ad na nakikita ko, ke dyaryo man o internet.
Diskriminasyon nga ito. Tsk!


Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!