8/3/2013 1:10:48 PM
Minsan, ba nagiging over-rated ang pag-ibig? Oo, kapag (1)
hindi ito isinapuso ng maayos; (2) 'pag nakalimutan mo nang gamitin ang utak;
(3) kung sarili mo na lang ang iniisip mo; (4) kapag ginamit mo ‘to bilang capital
sa negosyo; at (5) kapag nagpadala ka sa bugso ng iyong emosyon.
Oo, love can be over-rated sometimes nga. Dahil bumebenta
ito, minsan ay nakakaumay na. mula sa mga telenovela hanggang sa lokal na
pelikula hanggang sa showbiz balita (at kahit nga pulitika dahil single ang
kuya mo sa tanan ng kanyang panunungkulan), hanggang sa mga tsismisan ng
kapitbahay mo.
Minsan nga hindi mo nalalaman, pinuputakte na ng mga mokong
at loka ang lovelife mo. Kung may nangyari ba sa inyo ng girlfriend mo. Kung
bakit ang lakas ng kalabog sa kwatro mo. At kung anu-ano pa ang development sa
istorya niyo. Humahaba ang walang kwentang kwento, porket para itong pelikula
na pumapatok sa takilya.
Pero minsan, over-rated na rin ang pag-ibig. Kapag inabuso,
nakamamatay. Parang yung mga crime of passion na nagaganap sa ating lipunan. Sa
dinami-dami ng mga ulat ng kapulisan na nagaganap sa ating bansa, may iilan
d’yan na ang pinag-ugatan ay “selos.” Tila may sapi na sa ulo ang sinumang
perpetrator ng krimen na ang biniktima ay ang kanyang partner na relasyon.
Love can be over-rated sometimes kung wala pa sa tamang edad
ang turingan ng magkasintahan. Buti sana
kung tapos na ng pag-aaral ang mga ‘to e. Kaya ayan, ang mga loka at mokong,
nagkaroon ng anak nang wala sa tamang oras. Napahinto sa pag-aaral. Napilitan
magtrabaho. Imbes na umasenso ang buhay at relasyon, naghirap pa lalo.
Minsan nga ganito pa ang scenario e. Sobrang obsessed nila
sa pag-ibig, nauuso sa social media ang mga linyang may kinalaman sa pag-ibig.
Mula pick-up ling hanggang sa mga quote mismo hanggang sa mga patama. Halos
lahat ng emosyon ay andun na. sobrang obesses nga lang nila dito rin
nagkakaroon ng gender superiority. Ke ang mga abbae ay ganito, ang mga babae ay
ganito. Pataas ng ego ang gago at gaga.
Tama, love is so-over-rated nga paminsan-minsan, lalo na
kapag hindi ginagamit ang emosyon ng tama.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!