Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

23 January 2014

When The Philippines Need "The Punisher."

1/23/2014 3:17:29 PM

Siguro, kung may isang tao na kailangan sa Pilipinas ngayon – ito ay ang mga katulad ni Davao City Mayopr Rodrigo Duterte. Oo, seryoso.

Tinaguriang “The Punisher” ng Time Magazine, pero isa sa mga pinakatauhan sa likod ng pagbabago diumano sa pinakasikat na lungsod sa Katimugang Pilipinas. Mula noong umupo siya, bumaba ang crime rate nila, bagay na mapapansin mo lang kapag may laban si Pacquiao (noong nananalo pa siya via knock out).

Alam ko, aalma ka – “e sobrang haras ng ginagawa niyan eh.” Alam ko rin. Napakarahas. Sa mata ng natural na kamalayan natin – baka barbaric pa ngang maituturing. Pero tignan mo naman – epektib ang ginawa niya at halata na ito sa statistika at kasaysayan.

Kung may nabubulabog sa kanila, siya mismo ang magsasalita at kikilos. Eh dito, kaya bang gawin ba ng mga alkalde natin?


Marahas na kung sa marahas. Pero ito ang problema eh. Masaydo nang kampante, kalmado, at diplomatiko ang lugar natin. Okay sanang gamitin ‘to kung ganun din naman ang mga criminal (and aasahan mo bang mangyayari ang mga ganyan? Eh di sana at peace na sana tayo).

Alam ko, masaydo na siyang matapang. Pero may binuga naman ang tapang niya kahit papaano. At actually, sa tingin ko, hindi naman siya ang dapat kalabanin ng CHR eh. Kung hindi ang sistemang ginagalawan natin mismo, lalo na kapag sa usapin ng krimen. Bagay na sinabi naman ni Commission of Human Rights chairman Etta Rosales sa kanyang panayam sa programang Wasak last year.

Tignan mo, sa ganung kinalalabasan, mas napoprotektahan pa yata ng mga ‘to ang mga nasasakdal kesa sa mga nabibiktima. Kawawa naman tayong mga tao pag ganun, kaya tuloy hindi maalis-alis sa ating kaisipan ang ‘victim mentality.’ OO,  palagi na lang tayo nagpapaapi. Baka kulang na lang ipasunggab na lang natin ang mga kawatan natin sa mga mananamantala kung harap-harapan ay tahasan na tayong masasaksak. Wag naman ganun. Idagdag mo pa ang pagsupalpal sa atin ng mga basurang teleserye na nagpapakita ng ganung kaisipan.

At hindi siguro pangbe-brainwash yun. Dahil kahit napakalaya naman natin ay kailangan din naman natin ng “security.” Oo, seguridad – assurance na safe tayo sa tirahan natin mismo. E tayo nga sa Kamaynilaan e inaatake ng mga halang ang bituka in broad daylight pag minsan eh. May gana pang umastang siga sa territory na dapat ay tayo ang mas umaasata na ganun.

Ang tanong – is he acting like a mayor? ‘Hindi raw’ sabi ng CHR. Siguro ang kinatatakot lang ng CHR dito ay yung sinabi sa mga guideling ng PNP sa Human Rights based policing, na ang sinumang mamamatay sa sitwasyon na nag-intervene ang mga pulis ay maituturing na malaking kapalpakan sa hanay ng operasyon nila.

Pero ulit, paano mo maitatama yan kung titignan mo ang sitwasyon ng lipunan sa ngayon – na tila mga criminal lang ang mas may higit na karapatan at mapoporotektahan kesa sa mga naabusong tao? You tell me. Hindi nga natin mapabalik ang death penalty eh. Samahan mo pa ng 1:700+ police-citizen ratio. Ouch!

Sa totoo lang, maaring mas higit pa sa pwesto nya ang inaakto niya. Pero kailangan din yan eh. Ganyan siya magtrabaho – at dahil nga dyan, hindi ‘lawless’ ang Davao e, unlike sa... ehem, kelangan pa bang magbanggit?

Kaya, Mayor, saludo ako!


Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Interesting post.

    I'm not a fan of Duterte, but I have to admit that he's reign as Davao city mayor has helped the area keep its peace and prosperity. But the truth is, that's not enough to make him "presidential".

    For me, he's too radical; his extreme beliefs of governing in his "own way" may be counterproductive. Furthermore, if PH is to have a strong voice in foreign affairs, it needs a sophisticated and open-minded leader. Duterte dismissed the criticisms of the local CHR/DOJ regarding his plans to "kill" criminals, which is a bad move. But what if he does something worse as president and the UN stepped in to criticize? His response would be regrettable.

    Duterte is the leader the Philippines needs, but not what it deserves.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!