Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 February 2014

Gone Too Soon, Tado.

2/12/2014 9:54:40 AM

Tutal lahat naman ay may kwento ukol sa namanaty na sikat na personalidad na iniiolo nila. Aba, wala ako eh. Isang karanasan lang ang maipapaskil ko.

At alam ko, hindi throwback Thursday ngayon. E ano naman?

Naalala ko pa ang kauna-unahang beses kong naengkwentrong ang mamang ito. Once upon a time, sa Save More Riverbanks (taong 2000 yun kung tama pa ang memorya ko; kung hindi? Mas maaga pa dun, mga 1999), ang ermat at pinsan ko ang unang nakapansin sa komedyanteng yun, samantalang ako ay walang kaide-ideya na nakikita nila ang isa sa mga pinapanood nila sa telebisyon.


Sambit ng ermat ko, “Nes, si Tado oh!”

Ako, aanga-anga naman, “saan?”

“Ayun oh,” wala lang, salita lang nila, di nila manguso o maituro man lang (aba, pag ginawa nila yun, malamang mapagkamalan pa silang iskanadloso at iskandalosa no?), kaya dinaan na lang nila sa tingin.

Palapit at patapat ang magtatatlong dekadang edad na komedyante sa shopping cart naming, doon ko nga lang napain na (sa isip-isip ko lang naman), “aba, pucha, totoo nga.”

Sabi ko sa kanila, “oo nga no.”

Sabay reply naman ng mamang nakasalamin at saksakan ang pagkahaba ng buhok, “oo nga no.”

Oo, ginaya lang ako. Pero tanginang yan, na-starstruck ako dun ah.

Sa totoo lang, hindi naman ako ganung iniidolo si Arvin Jimenez eh. Pero naastigan lang ako sa istilo ng pananalita niya sa paghohost at pagpapatawa. Yun nga lang, kung saksakan ng kababawan lang ang alam mo, baka mapataka ka na “what the heck. Nagpapatawa ba talaga ang mamang ‘to?”

Ni aminado nga ako, na hindi ko alam na kasama siya sa Sineskwela until nung nireplay yan sa Knowledgea Channel at Studio 23 nun. Oo, minsan ay kasama niya ang mga bata pa nung si Palikpik at Agaton, isama mo na rin si Kuya Bon, Ugat-Puno, at Kulitsap. Siyempre, si Tintin Bersola at Winnie Cordero kasama din dun no.

Noong 2007 nga lang ako mas nahook-up sa radio nun, sabayan kong napapakinggan ang RT at Magic nun. At sa pagsisimula ng isang programa dun sa RT nun ay napansin ko ang dalawa sa tatlong boses nun na pamilyar sa akin – tama, si Ramon Bautista at Tado. At isama mo na rin si Erning, bagamat hindi ako masyado nakapanood nun ng Strangebrew.

Meron pa ngang pagkakataon na pinopormahan pa nga ata ni Tado nun si Kelly (na DJ din sa 99.5 na nagging Hit FM na nun). Mangilanbg beses ko rin na nirecord ang ilang segment ng programa nila nun para lang may mareplay ako pag nagsasoundtrip ako nun sa biyahe (medyo nagasasawa na rin ako sa nakakasurang tunog ng mainstream nun eh), at napapatawa na lang mag-isa sa kapapakinig nun.

Sayng nga lang dahil sa sorang obsolete na ng PC ko (at nalubog pa nga ang isang CPU ko noong Ondoy), hindi ko na naretrieve ang mga ito.

At noong kasagsakagan ng bangaan nila ni Vice Ganda, hindi ko napanood ang live footage nun sa Kapamilya channel, at nireplay lang ni Tado yun sa programa niya sa Brewrats na nakaistayson na nun sa U92.

Huling beses na nakita ko sa personal ang mamang ito ay noong book launch ni Ramon Bautista noong Nobyembre 2012. Kasama ang kanyang produkto mula sa Limitado (hindi lang yung T-Shirt nya ang tinutukoy ko ha?) na mala-Voodoo na isturang manika. May nakaumbok pa nga eh.

Sa totoo lang, wala ako sa posisyon na magsalita ukol sa taong ito (teka, sino nga ba ako, di ba, maliban sa minsa’y naging tagahanga nya), pero siguro, isa na siya sa mga taong makabayan at may matabang utak ng isang manlilikha sa panahon ngayon. Bagay na mas malawak pa sa mga tulad ni Kiko (na kapwa artista niya at may makabayang tema sa mga gawa niyang musika).

Isa rin siya sa mga tumutulong sa kanyang mga kababayan nun (kung hindi ako nagkakamali ay isa rin siya sa mga tumulong sa mga evacuees ditto sa lugar naming noong nanalasa si Habagat noong Agosto 2012).
Sayang nga lang, hindi siya pinalad manalo. At sayang din na marami pala siyang nais gawin (na may kabuluhan) sa buhay.

Minsan, mapapataka ka na lang, bakit hindi pa mamatay ang mga tarantado (as in mga gago, bastardo, at siraulo talaga; hindi yung mga dala lang ng pagkakataon kung bakit sila napasama) sa lipunan, at bakit ang mga tulad pa ni Tado ang dapat mawala sa pamamgitan ng aksidente sa Bontoc?

Kaso ganun talaga ang buhay eh. Bagamat sa totoo lang, hidni ako masyaod nagpapakakumbinsido sa kasabihang ‘ang masamang damo, matagal mamatay.’

Napadayo pa nga ako sa public viewing niya kahapon. Blockbuster ang pila, ‘tol. Yan ang patunay na maraming nagmamahal sa kanya. Siyemrpe, malaki rin ang fan base niya sa Brewrats at Strangebrew eh. Hindi pa dyan kasama ang mga adbokasiya niya sa buhay at pati na rin ang mga kaalyado sa pulitika.
Grabe lang.

Mabuhay ka, Tado. Ika mo nga , “ang mabuhay nang dahil sa iyo.” Saludo ako sa iyo at sa mga adhikain mo sa buhay.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!