2/5/2014 4:35:43 PM
“Sorry,” is all that you can say…
Alam ko, tunog Tracy Chapman o Boyzone yan. Malamang, eh
linya ng kanta nila yan eh.
Pero yan din ang isa sa mga pinakamahirap bigkasin na
salita. As in mas malala pa ‘to sa mga nauutal o nabubulol sa mga kataga sa
bokabularyo.
Oo nga naman. Pero teka, ano nga bang meron sa salitang
“sorry?”
Sorry, o “patawad” (“LOOOOORRD, PATAWAAAADD!”), o
“paumanhin” o kung anu-anong translation pa yan sa iba’t ibang lengwahe at
dayalekto. Ang daling isulat pero mahirap bigkasin, lalo na kung ikaw ay may
nagawang mabigat na pagkakasala sa kapwa. Ke nagnakaw ka man ng cellphone ng
kapitbahay mo, o nanloko ka ng babae, o nangursunada ka lang ng isang taong
akala mo’y umaasta nang siga sa harapan mo.
Pero bakit nga ba mahirap sabihin ang salitang “sorry?” Ano
bang meron sa salitang ito na parang ang hirap-hirap naman niyang sabihin?
Aba, itanong mo na lang sa kuya mo. Noong isang taon,
naharap tayo sa isang malaking crisis sa ating bansa na humantong pa sa
pagkakaroon ng lamat sa uganayang diplomatika natin sa kapitbahay natin na kung
tawagin ay “Hong Kong.”
Marami kasi sa kanilang kababayan ang nasawi sa isang
hostage taking incident na pinasinayaan ng isang pulis na nagngangalang Rolando
Mendoza. Nauwi sa madugong patayan ang isang mauling gabi na punong-puno na
yata ng lagim dala ng mga blow-by-blow account ng mga live coverage sa isyung
ito.
Kaya nagngitngit sa galit ang maraming taga-HK. Apektado
tuloy ang mga kababayan natin. Pati ang football match, pinutakte. Kahit olats
sila sa Azkals, di natinag ang mga mapag-diskriminang salita. Talaga naman…
Mag-sorry na raw kasi tayo. Lalo na si PNoy. Bakit kanyo?
Command responsibility eh.
Eh kaso, ayaw ng kuya mo. Paano ba yan?
Kahit si Erap gusto nang humingi ng paumanhin. Pero teka, di
naman siya ang may-sala sa mga nangyari eh.
Eh kung ganun, sino ang dapat humingi ng “sorry?”
Yung mga pulis ba na pumalpak sa operasyon nila? Kasama yung
mga taga-SWAT dahil “Sorry, Wala Akong Training?”
Yung mga taga-media ba dahil sa literal na “blow-by-blow
account na ginawa nila sa pag-civer? At sa sobrang blow-by-blow coverage nito
ay tila nabugbog na ang kapulisan sa pagkakakita ng kapalpakan nila? At sa
sobrang blow-by-blow na rin ba ay nabugbog na ang mata ng mga manunood
kakatutok dun?
Si Mayor Fred Lim ba ang dapat humingi ng patawad sa Hong
Kong?
O yung kuya ni Rolando? Na nagpasimuno ng isang malaking
komosyon? Kaso, may magagwa pa ba tayo dun?
O dapat talaga si Mr. Presdient?
Eh ayaw nga ni PNoy na mag-sorry eh. Mataas ba ang kanyang
ihi? Ewan.
Tama na nga ang sisihan. Pero mag-sorry na ang dapat
mag-sorry dyan. Naapektuhan tuoy ang visa ng mga parehong mamayan.
At di ito usapin kung sinong talo. Usapang diplomatika at
diplomasya to. Para naming kayong mga gago nyan eh.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight
productions
Sorry. If there's no acceptence of one's fault due to some factors, like pride or finding reason to say it. Mahirap talaga. XD No one's excuse on that.
ReplyDelete