8/3/2013 12:05:34 PM
Kung may downside man ang kasalukuyang kalakaran ng media sa
Pilipinas, meron din naman itong upside. – yan ay ang pagsulputan ng mga local
news channel sa free TV.
Dati kasi, sa cable ka lang makakakita nito. Kung Sky Cable
subscriber ka, malamang, alam mo na ang
ABS-CBN News Channel at DZMM Teleradyo ay ang counterpart ng BBC, CNN, o ultimo
ang Blomberg. Sa ibang cable companies ay may sariling atin na channel na
pambalitaan din – ang RH TV.
Pero dito sa free TV subscribers tulad ng inyong lingkod,
hindi lang isa kundi 3 pa ang mga ‘to. At ang dalawa sa kanila ay unang
sumulpot nitong Pebrero 2011. naalala ko pa ‘to nun dahil pag wala akong pasok
sa eskwelahan nun, nakatambay lang ako sa bahay at ito ang madalas na
tinatangkilik ko.
Halos nasa kalagitnaan na ng February 2011 ay umere sa
Channel 11 ang GMA News TV. May dating pangalan na Q or QTV ang channel onse,
na pagmamay-ari ng ZOE Broadcasting corp. at GMA Network. Dito mo mapapanood
ang ilan sa mga dokumentaryo ng GMA News kung sakali na namiss mo silang
panoorin sa Siyete. Alternately, may newscast rin sila dito tulad ng News To Go
(9am), Balitanghali (11:30am), at ang State OF The Nation (9pm).
Maliban sa news programming ay minsan nagpapalabas nga lang
sila ng mga pelikula. At dito rin ang naging home network ng huling Shkaye’s
V-League conference. At sa mga oras ng hatinggabi naman ay umeere ang programa
ng ZOE Broadcasting at pati na rin ang 700 Club Asia .
From 11, move naman tayo sa 41. Yup, ang dating channel ng
MTV sa Pilipinas. Well, ang network na nagmamay-ari ng MTV Philippines (o MTV
Pilipinas) ay binili rin ng Mediaquest, ang grupo na may-ari rin ng TV5. Pati
na rin ang radio counterpart nito na nasa 92.3 MHz, ay na-acquire din ni MVP at
trinansform sa kauna-unahang news station sa FM radio.
Halos 3 buwan matapos maging News FM ang dial ng 92.3 (na
may dating pangalan na Joey at U92), at magilang-ngilang linggong test
broadcast nito sa TV ay umarangkada na ang maaksyong programa sa channel 41.
Una ngang pumasada sa Aksyon TV nun ang TV simulcast ng programang Andar Ng Mga
Balita ni Martin Andanar sa alas-kwatro ng umaga ng Pebrero 21, 2011).
Nagkaroon din ng TV newscast version ang naturang programas
a oras ng alas-6:30 ng gabi (pagkatapos ng Aksyon). Ito ang nagsisilbing
flagship program ng naturang news channel. At ang counterpart ng Andar twing
weekend ay ang Balitang 60.
Pero kung sa onse ay dokumentaro ang madalas na laman ng
kanilang programming, dito naman ay ang mga simulcast ng radio programs at talk
shows. Umeere rin ang kanilang top-of-the-hour news update program na Aksyon
Breaking sa 16 beses kada araw twing Lunes hanggang Biyernes (at 12 beses naman
twing Sabado at Linggo).
At from 41 ay nagreformat ang 21. ang dating Talk TV ay
naging Solar News Channel. Pero ang SNC ay ino-occupy ang channel na SBN 21, at
ang mga programa ng SNC mula 12 midnight hanggang 6 am ay nasa cable na dahil
sign-off na ang 21 sa Free TV sa ganung oras.
(update: Ang SNC ay lumipat sa RPN 9 simula noong December 1, at nakipagpalitan sa ETC chgannel na nadesignate na sa Channel na dating inookupa ng SNC)
(update: Ang SNC ay lumipat sa RPN 9 simula noong December 1, at nakipagpalitan sa ETC chgannel na nadesignate na sa Channel na dating inookupa ng SNC)
At kung ang wika sa mga naunang channel ay Filipino, sa
Solar News Channel naman ay Ingles. Nagtatampok naman ito ng mga foreign
features at talk shows tulad ng Anderson .
At yung isa sa mga flagship ng Solar Sports ay simulcast din dito – ang Solar
Sports Desk.
Umuusbong na nga ang Solar News dahil dito mapapanood ang
ilang mga batikang perosnalidad na mula sa ibang mga TV network.
Ano ang kagandahan sa mga news channel na ito? At least
balance ang buhay ng TV programming. May mga palatuntunan na magbibigay ng
kaalaman at kamalayan ukol sa mga pangyayari sa paligid.
At least, mas okay pang tangkilikin ang mga ‘to e.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!