2/24/2014
9:10:08 PM
Marami nang
nagtatanong. Marami na rin ang nagiging instant na tsismoso. Ito na ang laman
ng mga usapan at pati mga national news item. Tama, yan nga.
E sa loob
ba naman ng isang buwan ay ‘yan ang maging laman ng mga sirkulasyon e, mula
balitan hanggang sa social media.
Anak ng
puta naman. Hindi na ba tayo nagsasawa sa mga iskandalo at tsismis? Di ba tayo
nasusuraan sa pagiging makakapal ang apog ng mga ‘to?
Masyado
nang over-hyped ang isyung ito. Sobra-sobra pa sa pagiging blown out of
proportion.
At ito ang
mas mahirap pa. Patayin mo man ang TV, ito naman ang magiging laman ng
pahayagan. Alisinmn mo man ang papel, laganap naman sila sa internet.
At kahit
hindi ka tumangkilik sa media sa loob ng isang araw, may isang pagkakataon pa
rin na maririnig mo pa rin ito mula sa mga bungangera mong kapitbahay.
Unless kung
nakapiit ka sa sariling kulungan at all-day forever alone lang ang peg mo.
Pero...
tangina naman, nakakaurat na yan!
Sa sobra
nang daming twist nito, para na siyang paborito mong teleserye – pinapaikot na
lang ang kwento, bumenta lang sila. Kahit walang-wala sa ugnayan ang mga
pangyayari.
At oo, para
na rin itong pagkain – pagkain na hindi na kaya pang sikmuraan; as in
nakakaumay na sa panlasa. As in tila isang junk food na ang lahat – as in
literal na basura, pero tinatangkilik n’yo pa (oo, kayo lang. Huwag n’yo kong
idamay mga supot kayo).
Ito ang
problema: kikita ba ang Pilipinas pag patuloy pa ring pinag-uusapan ang tatlong
mokong na ito? Aangat ba ang ekonomiya, maiibsan ba ang mabigat na daloy ng
trapiko, magkakatrabaho ba ang mga desperado’t sawang-sawa na sa pagiging
tambay, bababa ba ang presyo ng mga bilihin, at higit sa lahat, ikauunlad ba
natin ang pagsubaybay sa mala-teleseryeng tagpo sa kani-kanilang mga asunto?
Anak ng
puta naman. Let’s get fucking real here, ano po, mga itoy at ineng?
Marami pang
mahahlagang problema na dapat pang pagtuunan ng pansin ang Pilipinas. Oo,
seryoso. Mula pork barrel scam (bagay na hindi ka pwedeng magsawa kahit
nakakaumay na ang pork barrel na yan), hanggang sa mga proyektong magpapaubos
ng pasensya sa iyo sa daan hanggang sa mga kung anu-anong mas makabuluhan pa.
Pero ang
pagpatol natin sa iyung ito ay patunay na isa tayong malaking ISKWATER. Tunog
elitista ba ang datingan? Oo., dahil ganun talaga.
Tama ang
mamang nagsabi ng “Poor people talk about other people,” at sa kaso natin,
hindi lang tayo poor (in general). Eh ano? Kundi SKWATER na.
At hindi
ito usapin ng pera o pinansyal ha? Sa utakan ang tinutukoy ko. Besides, ilang
beses na ba nating pinuputakte ang mga ganitong klaseng isyu?
Sobrang
babaw nga para patulan ang argumentong ito, pero ito rin ang patunay na sobrang
babaw din natin as a whole. May gana ka pang makipag-usap ukol sa buhay ng
ibang tao samantalanag nagugutom ang mga anak mo sa bahay? May gana ka pang
makialam sa buhay ng paboritong artista sa halip na ang dapat na pinapakialaman
mo ay ang trabaho mo?
Dito
pumapasok ang ‘needs versus wants’ na sitwasyon. Mas gusto natin ang
entertainment kesa sa mga bagay na makapagbibigay sa atin ng kaalaman.
Actually,
ang entertainment ay ganun din naman, nagiging maalam ka. Pero iba ang kaalaman
na dapat mong malaman kesa sa mga ampaw na bagay na tulad ng pangingialam mo sa
showbiz. Magiging showbiz reporter ka ba tulad ng mga chikas sa beat ng dos
singko at suyete kung magiging talakera’t tsismosa ka? Magkakapera ka ba kung
maging una ka sa balita ukol sa kanila? Eh wala ka ngang follower sa Twitter mo
eh (anong konek? Siyempre, dun ang madalas na venue ng mga naglalagablab na
balita eh).
Tama ang
sinabi rin ng isa sa mga analistang hinahangaan ko, na ang ‘poor people’ ay
mahihilig sa mga ‘entertainment.’ Sabagay, repleksyon nga kasi ito ng pagiging
mababaw natin.
Tulad ng
pag-patol natin sa awayan dati ng dating mag-asawang Kris at James, sex scandal
nila Chito and Wally, at pati na rin ang bangayan ng mga mag-utol na Barretto.
As in
SKWATER lang.
Basura.
Ampaw.
Kaya p’wede
ba? Na tama na ’yan? Utang sa boundary naman oh!
Enough of
excessive publicity, please?
Wala na
dapat tayong pakialam kung may nagahasa pa si Vhong, kung chubby si Deniece, o
na-demonize si Cedric ng media.
Eh sa totoo
lang, hindi naman magiging malaking isyu ito kung:
Una, hindi
gumawa ng kalokohan ang isa sa kanila; at
Pangalawa,
hindi sila prominenteng nilalang? (pero teka, hindi naman sikat ang huling
dalawang nabanggit ah.)
Oo, hindi
nga sila kilala, pero dahil isa sa kanila ay sikat, damay-damay na. Alam nyo
naman ang kapangyarihan ng media eh.
Dapat nga
may media blackout na ukol dito eh. Pero... asa pa tayo sa ganun, no. Dito
kumikita ang media eh – tama, sa mga konrotbersyal na bagay.
Bottom
line, pagpyestahan man nga natin ang mga item nila, matatapos pa rin ang araw
na kayo’y naka... NGANGA !
In short...
olats.
Oo, huwag
nyo ko idamay, bagamat nagbato pa rin ako ng statement of generalization...
KAYO LANG
YAN.
Angal ka?
Sipain kita d’yan eh.
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!