Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

04 February 2014

Tunay na Showbiz Couple - Drew and Iya

2/4/2014 8:21:25 AM

Kung ilalarawan ang mga tao sa panahon ngayon, para sa akin, ito ang tunay na showbiz couple. Tama... sila parang Drew Arellano at si Iya Villania ay isang tunay na ‘showbiz couple.’

Tama, sila nga (unli ka rin e no?). Bakit sila? Ewan ko. ‘De.


Isipin mo. Hindi ito sa usapin na kung gaano sila katagal sa isa’t isa. Alam ko, walang binatbat ang mga magkasintahang naghihiwalay ng dalawa o limang taon kung ikukumpara sa kanila. Ito? Halos, sampung taon bago sila magpakasal.

At alam ko ang birada mo – eh yung iba nga dyan ilang dekada nang nagkakasama tapos naghihiwalay pa rin eh. Eh ganun talaga eh, may magagawa ka ba maliban sa umastang tsismoso o tsismosa sa buhay nila?

Ang speaking of the wedding, gulat ka no? Nabalita ni Ricky Lo na ikakasal sila noong Disyembre 2013? Akalain mo, sila pa rin pala matapos ang mga taong nagdaan. Well, ganun talaga.

Ganyan naman talaga dapat ang mga relasyon e. Itinatago ang mga detalye na dapat ay isinasapribado. Okay lang siguro na sabihin na “uy, kami na,” o basagin ang mga tropa mong magtatanong ng mga tanong ukol sa lovelife mo. ‘Di ba makapaghintay ang mga ito na ikaw mismo ang magkusa na magkuwento?

Pero para alamin pa ng media at publiko ang mga blow-by-bblow account na pangyayari sa estado ng relasyon nyo? Nah. Di yan pagmamalaki. “SHOW OFF” ang tawag dyan! At ang tulad nila Drew at Iya, hindi ganun. PRIVATE, ika nga.

Eh, public figure naman sila ah. The public has right to know!

Yeah right, but these guys have the rights to remain silent either!

Miranda rights ba ang peg? Mali. Ang punto rito ay may karapatan sila na hindi isiwalat ang mga bagay na hindi na dapat pang pinapakialaman ng ibang tao. Kung may karapatan kang mangulit sa lovelife nila, may karapatan rin sila na basagin ang trip mo (at bakit ‘basagin ang trip mo?’ Eh baka naman sa pangungulit mo sa kanila e binabasag mo na rin ang trip nilang itikom ang bibig at magkaroon ng privacy).

Hindi sila yung tipong ‘tell-all’ na kailangan pang maging headline ng mga showbiz talk shows para lang mabulatlat ang mga bagay na gusto ng nakararaming mga ignorante at mangmang – ang mga mababaw na bagay tulad na lamang na mga bagay na may kinalaman sa entertainment.

At yung dalawa na nagpakasal sa Tagytay sa isang pribadong seremonyas? Patunay lang na sila ang tunay na ‘showbiz couple.’ Na nagpapatunay lamang na hindi kayang hadlangan ng mga tsismoso at tsismosa ang kanilang pagtitinginan.


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!