3/28/2014
10:41:04 AM
Yan na
naman tayo eh. Lumabas na naman ang pagiging balat-sibuyas nating mga Pinoy eh.
Parang two years ago, nagngingit tayo sa galit sa isang foreigner na nagsabi ng
mga bagay na ayaw niya sa Pilipinas.
Tapos,
taong dos-mil-katorse na, may blogger lang na inayawan ang pagkain natin eh
nagngitngit naman tayo sa galit.
Oo, nagalit
tayo sa aleng ito.
Si Agness
Walewinder, ang Polish na awtor ng isang travel
blogger na pinamagatang “eTramping.” At para sa mga angaw-angaw na
magagaling na mambabasa, ang blog nila na yun ay naglalayon na makapagtravel sa
alinmang bansa at mamuhay sa lugar na yun sa halagang $25 sa loob ng isang araw
(or less pa).
Eh ngayon,
bakit nga ba ayaw niya sa pagkain ng Pinoy? Dahil raw sa napakababang numero ng mga kaininan na
nanghahain ng tradisyunal na Filipino cusine; isama mo na rin dyan yung
mababang kalidad diumano ng mga kasangkapan at pagkain mismo.
Sa totoo
lang, kung nagbabasa lang kasi naman ang mga Pinoy mula start to finish, may
mga ilang parte ng entry niya na naglarawan naman ng pagkagusto niya sa mga
piling pagkain sa Pilipinas.
Yan ang
napapala ng mga tao na pamagat lang ang binasa, tapos magrereact na kagad. Yan
ang tipikal na Pinoy, na lagi kong naoobserbahan sa isang site na
pinagsusulatan ko din (galit ka? Bakit, tinamaan ka ba?).
React nang react pero hindi naman
naiintindihan. Kaya kayo nalulunod sa kumunoy ng kaignorantehan eh.
Kunsabagay,
napakabihira lang yata ang mga kainan na naghahain ng mga pinakahinahain ng mga
Pinoy. Kung lechon gusto mo, wag kang umasang makakakita ka sa kung saan-saan
lang, dahiul madalas nyan ay nasa La Loma, Cebu, Batangas, o kung nasaan pa man
yan.
Pero may
adobo naman ‘di ba? At madali lang siyang ihain? Kunsabagay, kaya nga may nagpanukala
na gawin siyang “national food,” di ba?
Pero paano
nga naman ang iba pang pagkaing Pinoy? Ano ‘to, sa mga tulad na lamang ng
Barrio Fiesta, Adobo Connection, Sinigang Express, at ultimong Mang Inasal lang
tayo aasa?
Ito pa ang
problema, kung hindi trip nila Agnes at Cez ang pagkain sa Pilipinas, e mas gusto
naman nila ang tila Stunning Scenery ng Banaue.
Ngayon, ano
ang ibig sabihin nito? Masyado tayong picky sa mga negatibong bagay? Yan kasi
ang napapala na mga taong hindi marunong magmahal sa sariling bansa. Parang
inaantay pa yata natin na batikusin pa tayo ng mga taga-ibang lahi. Sa madaling
sabi, para tayong mga gago.
Hindi mo
ito napansin? May gana kang manumbat at mangistalk sa mga post niya sa site niya
and yet hindi mo mismo naappereciate kung gaano niya ipinagmalaki ang bansa
natin kahit sa ganito lang?
Eh mga gago
pala kayo eh.
Pero ano pa
nga ba ang ikinagagalit natin?
Ahh, alam
ko na – yung pag-generalize niya sa pagkain natin. Ayaw nya ng Filipino food as
a whole. Sabagay, kalian pa nga ba nating magandang practice pagdating sa journalism
at ultimo sa mga impormal na pamamaraan tulad ng blogging ang tinatawag na “generalization?”
Pero sa
kabilang banda kasi, marami na rin siyang triny e.
Tama siguro
yung isang banyaga na gumawa ng response letter para kay Agness (Hindi yung
dahil sa nagkataon na may PMS siya ha?) – na maaring di pa sapat ang panahon na
nagstay siya sa Pilipinas. Pero kunsabagay, katulad ng agenda ng blog nila,
less than $25 a day, so sa malamang ay nasa tight budget lang din sila. Anyway,
kanya-kanyang pananw na rin nila yan.
Pero alam
mo, wala na dapat pang pagtalunan pa eh. Masyado lang tayong OA mag-react,
akala mo naman mga tunay na Pilipino kayo talaga.
Sa madaling
sabi, para kayong mga gago.
Hindi na
talaga tayo natuto, parang two years ago lang, may lumabas na video na “20
Things I dislike about the Philippines,” eh nagngingitngit na tayo sa galit
kahit hindi pa natin napapanood ang mga ito.
At parang
last year lang, sinabi lang ni Dan Brown na Gates of Hell ang Manila, ito na
naman tayo.
At isa pa,
maliban sa Pilipinas ay sinabi niya na hindi rin trip ni Agness ang Sri Lankan
food. Pero may narinig ka ba mula sa mga tao dun? Malamang wala, dahil hindi
naman natin naiintindihan ang anumang lengwahe nila e.
A piece of unsolicited
advice for all of you: ang pagiging nasyonalismo, hindi sinasalita, kundi...
isainasagawa. At hindi kailanman nagging parte ng isipirtung yan ang pagiging
balat-sibuyas, tagahanap ng butas at ang akto ng pangangalandakan ang
kabobohan.
“Pinoy Pride?” Pinoy Pride your face!
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
Some of what you wrote makes sense. But I think the reason why we Filipinos are too sensitive to criticisms is that we feel we do not have much to be proud of. Kaya pag napintasan yung sa akala natin ay huling bagay na maipagmamalaki natin, nagwawala tayo. And there is something very wrong with that attitude of ours. Though I must admit, I was offended by that article, but not enough to threaten the author with bodily harm in case she makes the mistake of setting her foot on Philippine soil again. I just thought that she didn't put much research into her article.
ReplyDeleteHands down. Well said po!
ReplyDeleteI personally agree with you! Nasaktan din lalo na pinoy ako! And pinoy kasi sobrang balat-sibuyas, hindi naman sa mamimintas o panlalait iyon kundi sinasabi nya lang kung ano ang exactly na nakita, natikman at na experience ng nga tourists sa atin. Filipinos just can't accept constuctive criticisms. Dapat we have lo learn from it to make improvements. Masyado ang pinoy, ang gusto lang marinig yung maganda, sarado utak, at laging iniisip na nilalait na! Kung ayaw nyo mapintasan, ayusin at gumawa ng effort na tuwirin. Hindi yung sinabi lang ang opinyon eh nanglalait na! Kung ayaw ng negative, then do something more better to improve it. Hwag bast naghihintay lang at expect na maganda ang kalabasan. Kahit dito sa europe may ganyan din but nobody reacted. They consider it a challenge and a way for improvements. And they welcome constuctive criticisms? Ang pinoy, di marunong tumamggap at most often than not, they will even respond in anger and below the belt pa ang karamihan! Makaganti lang. Anong filipino pride, marami sa atin don't even know the meaning of that. Malaki ang pagkakaiba ng filipino pride sa pride lang. Ako i am proud to be a filipino, pero marami sa atin lalo dyan sa Pilipinas na magaling lang magsalita, wala namang nagawa.
ReplyDeletetama ka, ang gusto lang ay yung gusto nating marinig. ayaw nang may nakakapuna sa atin. over react. Kaya yung ibang mga dayuhan lalo na yung mga nag co-concert sa atin. puro papuri ang sinasabi na like nya ang pilipinas, mababait ang tao dito. para lang naman mabili ang kanyang mga ticket. mayabang ang pinoy. konting nagawa lang sa ibang bansa, balita agad sa tv. porke madaming hits ang youtube video, naka extra sa palabas sa tv ng ibang bansa. balita agad, nakapasok lng sa final pero di nanalo balita na agad.
ReplyDeleteyan talaga ang hirap sa'ting mga pinoy, hindi matanggap ang katotohanan lalo na kapag mga banyaga na ang nagsasalita. wag ka, kapag tayu-tayo lang ang nag-uusap, parang wala lang kung laitin ang sariling atin.
ReplyDeleteNarinig ko iyan, pero hindi ko nabasa nang personal yung mismong blog. Kinumpirma mo ang hinala ko: nagpapakabalat-sibuyas laang ang mga nagreact.
ReplyDeleteNaalala ko tuloy, merong Canadian comedienne na nagjoke tungkol sa mga pokpok na Pinoy. Ganun din nangyari.
ReplyDeleteBTW, sa tingin ko, ang kahihitnatnan ng pagiging balat-sibuyas natin ay baka lalo pa tayong pagtawanan at pandirihan ng mga dayuhan.