2/22/2014 1:50:10 PM
(re-updated: 03/19/2014 5:03 PM - Ilang linggo na ang nakalipas ay nagbigay na ng hatol ang Supreme Court sa isyu ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Protection Act of 2012. Ilan sa mga probisyon ay dineklarang un-consitutional, samantalang ang ilan rin sa mga ito ay idineklarang 'constitutional,' kabilang na riyan ang kontrobersiyal na probisyon na nagsasaklaw sa online libel) O ayan na. Nagdesisyon na.
At legal nga daw ang e-libel.
Kaso, ano na mangyayari? Marami bang
masasawatang mga gago sa modernong lipunan?
Nah, duda ako. Seryoso, with all due
respect sa mga tagahukom at mga kups na gumawa ng section 4 ng RA 10175.
Pero sa totoo lang, ang paninirang puri
talaga ay isang malaking paglabag sa batas-kriminal. Magsalita ka lang ng
panlalait, at hindi nya ito talaga nagustuhan (yung tipong mas malala pa sa
pagkapikon ang reaksyon niya), maasunto ka na.
Pero leche talaga, okay na sana eh. May
mali lang siguro. May mabgilang-ngailan
.
Don’t get me wrong. Katulad nung sinasabi
ko sa kasagsagan ng argumento nito noon, I’m all for Cybercrime law, except sa
libel provision clause. Kasi isipin mo ‘to: ang salita ay may mapaglarong
kahulugan. Maaring mapikon ka pag binasa mo ang isang nakakairita naming
kumento, samanatalang sa iba naman ay hindi. Sa madaling sabi, magkakaiba tayo
ng pag-unawa.
Maaring sabihin ko na “ang gago mo talaga,”
sa isang tropa ko sa thread ng Facebook niya na pabiro obviously at
naintindihan niya yun, pero pag hindi naintindihan ng sinumang kupal at biglang
sumabat ng “hoy! E-libel yan ah!” ay obvisouly, patay kang bat aka sa puntong
ito. Maari mong sabihin na “EH PUTANGINA, IKAW PALA YUNG TUNAY NA GAGO EH!
SABAT KA NANG SABAT SA USAPAN NA MAY USAPAN!” Pero dahil sa batas na ito ay
possible ka nga bang makasuhan kagad nun?
Di rin saksakan ng pagkasiraulo yun no?
(dapat may batas din sa mga taong nambabasag ng trip ng may trip. As in
e-malicious mischief o e-sabotage)
Pero balik tayo sa usapan. Okay sana ang
cybercrime, kung kaya naman ito masawatan ang mga kaso ng prostitusyin sa
internet, pati ang cyber-bullying. Ito nga lang ang problema, gaano katindi ang
magiging basehan dapat para mapatunayan na libellous ang isang post o hindi?
Pag may nagreklamo lang ba?
Actually, kung salita lang ang usapan,
maaring maimanipula lang ito ng tao eh. Katulad ng sinabi ko kanina, iba-ibang
tono, ibig sabihin, iba rin ang pag-unawa.
Maliban pa yan sa kasabihan na ‘iba ang
panlalait sa nagsasabi ng katotohanan.’ Siyempre, iba talaga yun, depende na
nga lang ito sa kung paano mo sinasabi ang mga bagay-bagay.
Kung ako ang tatanungin siguro, kailangan
madefine kung ano ang libellous sa hindi. Dahil sa malamang, yan din ang
ikinatatakot ng marami.
Freedom of speech? Absoulte ba yun? Ako
sasabihin ko, sa mababaw na pag-unawa, oo. Dahil lahat naman tayo ay may
kapabilidad na sabihin ang anuman nais natin, napag-isipan man yan o bugso lang
ng damdamin, o napagutusan ka lamang na basahin.
Pero sa malalimang perspektibo, hindi.
Siguro, dala ba ng mindset natin? Yung ating tinatawag ng ‘konsiderasyon’ sa
kapwa? Maari. Dahil tulad ng kasabihan, hindi lahat ng biro, nakakatuwa. Pag
ikaw ang tinamaan ng slapstick, maiinis ka, unless nasa comedy bar ka (dun
hindi ka pwedeng mapikon or else, sisipain ka palabas ng venue).
Masyado na yata tayong paliguy-ligoy dito
at baka mainis na sa atin yung mga tao. Pero, yun nga lang ba ang problema sa
cybercrime law? Di lang. marami ngang nadeclare na constitutional, marami din
naman yung nasa kabaligtaran.
Mapipigilan ba nito ang mga blog?
Definitely, hindi. Siguro, magiging tame yung mga sobrang harsh at sobrang
brutal magpost. Pero maniwala ka, hindi nito masusupil ang blogging industry.
Siguro, maganda na amyendahan ang batas na
ito. Maaring di to kayang unawain ng lahat, pero pag ikaw ay minsan nabiktima
ng krimen sa pamamagitn ng internet, baka pustahan, ikaw pa ang manguna sa
panawagan sa cybercrime bill.
Basta, yung libel clause, pakiayos at
pakiexplain nga ng maayos para mahal kayo ni Donya Ina.
Author: slickmaster | © 2014 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!